Advice #6

1 0 0
                                    

IVY's POV

"A-aray" dahil sa kada-daldal ko.. NADAPA AKO!

"Ayaw mo kasing magi-ingat" sabi sakin ni cha at itinayo ako

Umupo ako sa bench na nasa gilid

"Nagi-ingat naman ako... Kaso wala akong nagawa, makulit tong puso ko, di ko mapag sabihan" sabi ko at ngumiti ng mapait

"Ano masakit ba yang tuhod mo? " sabi ni cha sabay turo sa sugat ko sa tuhod

"Hindi naman.. pero alam mo yung masakit.. Yung nahulog ako.. pero lupa ang sumalo" sabi ko

"Ano ba? Tama na! Kanina ka pa ha! " sabi ni cha

"Kanina pa? Ano ba cha! Dati pa.. dati pa akong umaasa" sabi ko

"Ivy naman kasi eh, ako ang naawa sa sarili mo... Isipin mo naman yung sarili mo, hindi yung puro ka na lang paghugot dyan" sabi ni cha

"Yun lang kasi ang way para mailabas ko ang nararamdaman ko" sabi ko

"Umiyak ka! " sabi ni cha

"Umiyak? Cha naman, dati pa akong umiyak sa kanya, tama na yun! " sabi ko

"Ivy, kung ayaw mo na syang iyakan.. ayawan mo na din ang pagmamahal sa kanya" sabi ni cha

"AYAW KO NA SYANG MAHALIN DAHIL ALAM KONG MASASAKTAN LANG AKO PERO DI KO MAGAWANG AYAWAN! DAHIL ALAM KO SA SARILI KO NA SYA LANG! SYA LANG! " sabi ko at lumuha

Kumirot kasi yung puso ko.. sugat pala!

"Ssshh! Tahan na, ivy! " sabi ni cha

"Ang love kasi parang sugat, masasaktan ka sa una pero hihilom din yan" sabi ni cha

"Mali cha...

Ang Love parang pagkadapa...
sa oras na mahulog ka... Masasaktan ka! " sabi ko

Sa oras kasi na madapa ka.. dun mo lang malalaman ang katotohanang walang sasalo sayo...

Ang Advice ng BitterWhere stories live. Discover now