Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 6: Dance with the Gangsters (Part 2)

2M 46.3K 19.9K
                                    

Chapter 6: Dance with the Gangsters (Part 2)


"Summer!" Napalingon ako sa tumawag ng aking pangalan at nakita sina Jamie na papalapit sa aking direksyon. Kasama pa rin nila si Tyler na nakabakas ang pag-aalala sa mukha.

"Are you okay? Tyler led us out before the fight happened."

Tumango ako, hindi malaman kung paano pakikitunguhan ang concern na ipinakikita nila sa akin. Hindi ko alam kung maaari ko iyong paniwalaan.

"Summer," kapagkuwa'y mahinang sambit ni Tyler sa aking pangalan. "Is Jin your boyfriend?" nahihiya nitong tanong.

I almost rolled my eyes. There was definitely more important things that needed my attention at that moment. Sa halip na sumagot ay isang tanong ang mabilis kong ipinukol sa kaniya. "Do you know where Van's room is in the boys' dormitory?"

Tatlong pares ng mga nagdududang mga mata ang tumitig sa akin. Hindi man nila tiyak kung ano ang binabalak kong gawin ay nasisiguro naman nila na hindi iyon maganda.

"Why do you need to know that?" marahang tanong ni Jamie na para bang sa pamamagitan niyon ay maiisip nito ang absurdity ng aking binabalak.

"He has my phone and I need to get it back," matigas kong sagot. Yes, it was so urgent na hindi ito makapaghihintay ng kinabukasan. Who knew what he'd do with it tonight? "May ibang daan ba na posibleng pasukan maliban sa entrance?" baling kong muli kay Tyler.

Nag-aalangan itong tumingin kina Jamie at Mirden na para bang umaasang mapipigilan pa nila ako. Subalit iling at kibit-balikat lang ang naisagot ng mga ito.

"W-well, there's a balcony in their room. He's sharing with it with Kuya Makki. Sa left side ng second floor ng dormitory sila habang ang mga Dark Monarch naman ang nakapuwesto sa right side." Sumulyap ito sa suot kong heels. Siguro ay nasa three inches rin ito. "You'll have to climb the tree situated near the balcony. Summer, it's dangerous and—"

"Show me. Let's go," putol ko sa kaniyang sinasabi at hinila na siya papuntang boys' dormitory. Sumunod sina Jamie at Mirden subalit itinaboy ko rin sila at sinabihang magbalik na sa dorm. Kung marami kaming magtutungo roon ay baka may makapuna pa sa amin.

Tumigil kami sa likurang bahagi ng dorm. Sarado na ang karamihan ng ilaw sa mga bintana nito patunay na natutulog na ang mga estudyante. Tiningala ko ang matandang puno. It was creepy and dark. Pakiramdam ko ay may namamahay na sa itaas nito dahil sa katandaan at kalakihan nito. But then, it was better this way. Mas kakayanin nito ang aking bigat at hindi ako mag-aalala sa pagkahulog.

"M-my room is in the first floor. Are you sure about this?" medyo nauutal na paniniguro ni Tyler.

"Yes. And you need to go. Kaya ko na ito," I answered dismissively.

I saw hesitance in his eyes; the urge to convince me to stop my plan. Subalit isang masamang tingin ang ibinigay ko sa kaniya. Tahimik siyang tumango at saka tumakbo pabalik sa harap ng building.

"Time for revenge and take back what's mine, Van Freniere," mahina kong usal at tinanggal ang suot na high heels. I contemplated whether to leave the pair behind or take them with me. But I realized that it was a nice pair so I decided on the latter. Nang maikabit ko na ito sa magkabila kong braso ay agad ko nang sinimulan ang pag-akyat sa puno. Sumulyap ako sa silid na tinukoy ni Tyler. Madilim ito at mukhang walang tao. Mas mapapadali ang pagbawi ko sa aking cellphone.

Nasa mataas na bahagi na ako ng puno nang makarinig ako ng mahihinang kaluskos at mga boses mula sa silid. Agad akong nagkubli at lihim na ipinagpasalamat na kulay itim ang dress kong suot. Hindi nila ako basta-basta makikita kung sakaling sumilip sila sa balcony.

Montello High: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon