8 Weeks (Day 2)

255 8 2
                                    

Maaga akong pumasok sa school syempre inspired ee, ikaw ba naman makausap mo yung Idol mo sino ba namang hindi maiinspired dun ?

"Jov peram phone" bungad naman saakin ni Maica. "Paselfie lang" dagdag pa nito

At hindi naman akong nagdalawang isip na pahiramin sya syempre napakaganda ng mood ko ngayon ee. Haha

"Wwoooyyy jov !" Sabay kalabit sakin "totoo ba to o edited ?" Kantyaw pa nito nang makita ang wallpaper ko na picture namin ni Rad.

"Anong tingin mo sakin ? Syempre totoo yan, ako pa ba ? Jovelyn Gonzales, este gonzaga ata to ?" Pagmamalaki ko pa rito. Syempre proud to be, dream come true na yun ee.

"Pwede ka nang umuwi ng guimaras gid, may litrato ka na sa imong Idol Rad" muling kantyaw nito.

"Syempre hindi pa, di pa sya nakakasali sa training namin ee at hindi ko pa siya nagiging teammate maic" sagot ko naman dito.

"Tuwang-tuwa ang gwapa, nambot sa imo" at ibinalik na ang cellphone saakin

"Kwentuhan kita ng moments namin ni Idol, gusto mo ?" Pang-aasar ko dito.

"Cheeee ! Kaya naman pala ang saya saya mo natupad mo na kasi yung kalahati sa pangarap mo" bulyaw pa nito.

"Sana bumisita ulit siya dito para magchika chika ulit kami" at tumingin ako sa bintana ng classroom namin kung saan kita ang garden.

Napasimangot naman ako dahil hindi pa siya pumupunta (wow feeling secretary na alam ni schedule niya ah hahaha). And since wala pa kaming prof. Naisipan kong magbukas muna ng facebook. At may biglang nagPop-up sa notif. Ko.

"Rachel Anne Daquis sent a friend request" napatayo ako sa nabasa ko at muling hinampas si maica.

"Maiiiicc ! Nababasa mo ba to?" Masayang masayang banggit ko rito

"Tingin mo makikita ko yan ? Ee ang galaw ng kamay mo ? Oo nakikita ko yung cellphone mo OPPO F1 selfie expert! Okey na?" Sarkastikong sagot nito "tsaka Jov, may I remind you na Volleyball player ka kaya ingat ingat naman sa paghampas sa braso ko kala ko mapuputol na ee"

"Ito kasi yun maic ohhhh" sabay pakita ng phone "I tried to add her kagabi pero di na pwede and now look, she added me" dagdag ko pa

"Ttssss poser" sabay irap saakin ng loko

"Original Account to, stalk mo pa ee" sagot ko naman sa sinabi nito.

"No thanks, baka magmukha pa kong obsessed" banggit pa rin niya.

Hindi ko na pinatagal pa at dali-dali ko siyang kinonfirm at inistalk. At grabe pati sa social media, napapahanga niya ko sa sobrang down to earth niya pagdating sa fans niya, nagrereply siya sa comments at nakikipagbiruan pa sa mga ito. Rachel Anne daquis, ikaw na talaga neseyeneenglehet.

Hanggang sa dumating na ang terror professor namin pero as of now di niya ko masisindak sa pagkaterror niya.

"Good Morning Ms. De Jesus" sabay sabay na bati namin sakanya.

"Okey have a sit" at nagsiupuan na kami "by the way, Ms. Gonzaga, Ms. Agno and Ms. Morada, coach Shaq sends me a excuse letter for your training . And since we will have a finals test, come to me after your training we will have a deal, okey"

"Yes maam" sabay sabay na sagot naming tatlo.

"Okey, I will wait there" at lumabas na kami para pumunta sa gym.

Bakit hindi namin kausap si tin kanina ? Ee laging kasabay yun ng proffessor pumasok ee . Tandem sila sa palatean pumasok. Dapat dito sa room pinapatulog ee .

"Ooyyyy tin may chika ako sayo" sabay akbay nang lokong si maica na to kay tin "alam mo uuwi na daw si jov ng guimaras" sabay tingin saakin na pati si tin ay napatingin saakin

"Weeee ate jov ? Uuwi ka na ?" At hinawakan ang braso ko "bakit?"

"Loka ! Nagpapaniwala ka dyan sa mukha ni maica? Syempre hindi pa ko uuwi, dito ko tutuparin yung pangaraps ko no"

At nakarating na kami sa court

"Wait lang aa, warm up muna kayo dyan di ko macontact yung guests natin ee" bungad ni coach habang hawak hawak ang phone niya at tila may tinatawagan ito "ssshhhh pick up your phone, answer this please" bulong nito kaya't nagkatinginan nalng kaming tatlo

"Sino kaya yung kinokontak ni tatay?" Tanong ni Tin

"Baka si ate Rachel syeeeeeeeeeeeeeettt" (insert kilig face) bulyaw ko naman

"Hayssssst umaasa ka nanaman, busy din kaya yung tao" sagot naman ni maica

"Pake mo ba ?" At sinimangutan ko nalng ito "napakatutol mo sa mga pangarap ko, basher siguro kita" dagdag ko pa

"Joke lang" at niyakap ako nito na tila masasakal na

"Ohh ayan na pala sila" at tumayo si tin

Napatingin ako sa tinitingnan niya at umasa na si daquis ang tinutukoy niya. Pero hindi pala, she's refering for our other teammates pala.

At nang makapasok na sila. Biglang nagsalita si coach "okey lady tams, tayo muna magtetraining ngayon hindi daw makakadating yung nga guests natin"

"Sino ba yun tay?" Tanong naman ng bagong dating na si Carly (carlota)

"Ate mo!" Biro ni coach dito

"Ate ?" Nagugulohang tanong nito

"Joke ! Goodvibes lang dapat . Si ate shaira sana at si ate rachel niyo ang ininvite kong guests for today para samahan tayong magtraining but unfortunately may appointments si ate shaira niyo para sa bussiness niya at si Rachel naman, may photo shoot daw at susubukan nalng niyang makahabol if aabot pa siya" paliwanag ni coach

"Susubokan nalng niyang makahabol if aabot pa siya" mga salitang pinanghahawakan ko at inaasahan ko para muli ko siyang makita.

"Sayang na sayang talaga 🎧🎤🎵🎶" kanta ng mga teammates ko, pinagkakaisahan ata ako ng mga to aa

"Sayang dethe no? Sana nakakatraining ko na idol ko ngayon!" Sabi ni maica kay pons na tila inaasar ata ko ng mga to aa.

"Oo nga ee pangarap ko pa naman yun" sagot naman ni pons at tiningnan ako ng nakakaloko

"Ikaw ba carlota ? Gusto mong makatraining yung kalokalike mo daw?" Jerrili naman kay carlota

"Oo naman pangarap ko kaya yun" kampanteng sagot naman nito

"Hirap pala ng buhay ng fangirl" at nilapitan ako ni tin

"Okey lang yan jov may perfect time para dyan" at inakbayan ako.














Natapos ang training namin at ni anino ng isang Rachel Anne Daquis wala akong nakita kahit isang hibla lang sana ng buhok <|3

Matapos naming magtraining, pumunta na kami sa admin building para iclarify yung mga gagawin namin para sa finals tests.

8 weeks, 13 Hours, 21 minutesWhere stories live. Discover now