List #4

8 1 0
                                    

The Bucketlist and The Amusement Park
Cris's POV

"Hayst. Isa palang ung nagagawa niya ." Sabi ko habang nakatingin sa listahan ni kriesha.
"Sabagay 1 month pa naman ung bakasyon niya, kaya walang duda magagawa niya lahat ng nakalista dito. "

Flashback

Kakarating ko lang sa bahay nina Xandra, dumiretso agad ako sa kwarto kung saan ako matutulog. 1month pa naman ung bakasyon ko dito sa kanila.

Naghalf bath lang ako, pagkatapos nun ay nagsuot na ako ng pantulog at humiga sa higaan ko.

"Hayst. Napakahaba ng araw na to ah. Medyo napagod ako." Ani ko

Bigla kong natandaan yung papel na napulot ko kanina.

"Teka, hanapin ko lang." Bumangon ako at hinanap yung pants na suot ko kanina.

Nang makita ko na ay agad kong kinapkap ung bulsa.

"Ayon ! " sabi ko sabay taas nito. Humiga ako sa aking higaan at binuklat iyon.

"Things i want to do ? Aha. Mukhang kay kriesha nga ito." Binasa ko iyon .

"Things i want to do :

1.Magbasa ng libro sa library.

2.pumunta sa isang amusement park at sumakay sa 5 rides.

3.Stargazing.

4.magkaroon ng boyfriend.

5.Magpapalipad ng Lanterns sa langit.

6.gagawa ng bonfire.

7.magkakaroon ng polaroid picture .

8.sasakay sa bikecycle.

9.hahalikan ako ng taong mahal ko sa pisnge.

10. Makakapunta sa 4 na lugar.

11. Magkakaroon ng tattoo

- K.♥️"

Talagang nilista niya yung gusto niyang gawin ? Biglang may pumasok sa isip ko. May plano ako.

"Ano kaya kung tulungan ko siyang makompleto yun ? Wala naman kasi akong gagawin sa isang buwan na pagbabakasyon ko dito." Ani ko sa aking sarili

"Aha! Sige sige .." Sabi ko habng nakangiti ng nakakaloko .

Pagkatapos nun ay agad akong natulog.

End of flashback

Kaya gumising ako ng maaga kanina, susunduin ko sana siya pero habng papunta pa lang ako sa kanila ay nakasalubong ko siya at tama nga ang hinala ko. Nang hinatid ko siya kanina sa bahay nila ay sekreto kong linagay sa bag niya yung listahan, may kopya naman na kasi ako .Bwahaha

"Hayst matutulog ulit ako ng maaga ngayon dahil dadalhin ko siya sa isang amusement park." Sabi ko sa sarili ko

Pinatay ko ang aking lampshade at natulog na .

Kriesha's POV

Kakatapos ko lang maligo let see kung ano yung sunod na gagawin ko ngayong araw. Hinanap ko yung wallet ko kung saan doon nakatago ang listahan ko . Pero nadismaya ako ng hindi ko makita yun.

"Asan na kaya yun ?" Sabi ko habang hinahalungkat ung bag ko.

"Ayun ! " sigaw ko ng makita iyon

Binuklat ko iyon at ang susunod kong gagawin ay Pupunta ng amusement park ! Yes ! Wuhoo!

Tapos na ako sa pagaayos kaya umalis agad ako ng bahay. Nagpaalam na ako kay mama through phone, malayo kasi siya eh. OFW kasi si mama.

Nagulat ako ng biglang may taong nakatayo sa harap ng gate namin. Teka si Cris to ah ? Ano na namang kailangan nito ?

"Ah. Bakit di ka nagdoorbell. Kanina kapa ba dyan ?" Tanong ko sa kanya.

"Wala manlang 'hi?' O kaya 'goodmorning?' " pamimilosopo niya

"Uh goodmorning. Anong kailangan mo ?"

"Wala gusto ko sanang gumala . Hindi kakarating ko lang."Sabi niya

"So ? Kung gusto mo gumala bakit andito ka sa harap ng gate namin ?" Curious kong tanong sa kanya

"Ah. Gusto sana kitang yayaing pumunta sa amusement par-." Teka ? Amusement park ?

"Amusement park ? Oh sige tara ! Sabay na tayo !" Sabi ko sa kanya
Excited na talaga ako .

"Ah. Hahaha sige tara ! " sabi niya

Sumakay kami ng bus papunta doon sa amusement park, pagkadating namin ay agad akong sumigaw

"Ohmaygaddd! Anganda ng mga rides ! Gusto ko dun sumakay ! Tsaka dun! Dun din ! At doon !." Sabi ko habng tumatalon sa sobrang saya

"Haha. Oo na sasakyan nating lahat yan. Kaya tara na ! Saan ba tayo unang sasakay ?" Tanong niya

"Doon sa bump car, kaya muna?" Hmm. Sge. Mukhang masaya kasi eh.

"Sge tara." Naglakad kmi patungo sa booth ng bump car at pumila kami hanggang sa naka abot kami sa may cashier nung booth.

"Um. Dalawa miss." Sabay abot ni cris nung 150 pesos. Teka? Siya magbabayad?

"Teka lang. ikaw magbabayad? Nako ako na." Sabi ko sa kanya. Tinignan niya lang ako at binelatan.

"Oy! Miss ako na magbabayad." Sabi ko sa cashier.

"Hindi, miss. Wag mo siyang pansinin. Please take it and keep the change." Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko sa cashier. Aba nagpapogi points pa itong gago. Tinignan ko siya ng masama. Eh ako dapat magbabayad eh. Hinigit niya ko papunta sa may waiting area. Hindi pa kmi puwedeng pumasok kasi hindi pa tapos ung iba, so wala pang bakante na bump car.

"Oh. Ba't nakasimangot ka? Nilibre na nga kita eh." Sabi niya. Tinignan ko siya ng masama.

"Eh. Minsan ko lang naman kasing tinetreat ung sarili ko eh, sisirain mo pa." Sabi ko ng naka pout.

"Dont worry. Marami pang next time." Sabi niya at okay nalang ang nasagot ko. Eh kasi naman eh.

"Wag kang magtampo. Alam mo ang swerte mo nga eh! Ikaw ung unang babae na nilibre ko." Sabi niya ng mahina.

"Hah? Bakit ako?." Tanong ko sa kanya ng puno ng kuryosidad.

"Wala lang. magaan lang loob ko saiyo. Hays! Hayaan mo na yun." Sabi niya ng nakayoko. Nahihiya siya sguro?

"Yieeeee. Nahihiya siya sakin." Sabi ko sabay sundot sa tagiliran niya.

"H-ha? Hin-hindi ah!" Sabi niya at tinignan ako ng direkta sa mata. Bigla akong napatigil. Hala. Ang ganda ng mga mata niya. Ngayon ko lang narealize na maganda pala ung mata niya. Nilapit ko pa ng nilapit ung mukha ko sa kanya para talagang masilayan ng mabuti ang napakaganda niyang mata. Ang ganda talaga.

"Uh. Krish." Sabi niya ng mahina.

"Eh. Wag ka malikot." Sabi ko habang nakatingin sa mata niya hanggang sa napatingin ako sa mga bibig niya. Ops.
Bigla akong lumayo at naramdaman kong pumula ang aking mga pisngi. Hala. Ano ba ginawa ko? Jusko. Buti nalang d ko siya nahalikan—- aish! Ano ba yan! Sabi ko habang inalog alog ang ulo ko.

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Mar 24, 2019 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

The Bucketlist Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu