PUNONG DUHAT

2.5K 41 0
                                    

Pareho kaming walong taong gulang ng pinsan kong si Leo noon. Sa Baryo Ilaya kami nakatira.


Dahil bakasyon, sinusulit namin ang maglaro at gumawa ng iba't-ibang adventures. Kapag tulog ang dalawa kong kapatid sa tanghali, pumupunta ako kina Leo kahit medyo may kalayuan ang bahay nila sa amin para lang maglibang. Ganoon kami ka-lapit sa isa't-isa.


Nag-iisang anak lang si Leo kaya laging nalulungkot at humihiling sa ina ng kapatid. Pero sa kasamaang palad, hindi pa rin nabubuntis si Tita Sandy.


Isang hapon, nasa bahay ako nina Leo at dalawa lang kami ang naroroon. Dumalo sa isang okasyon ang mga magulang nito.


Sumapit ang gabi nang hindi pa rin dumarating sina Tita at Tito. Natakot ako para sa aming dalawa, kaya niyaya ko si Leo na sa bahay nalang muna magpalipas ng gabi.


Ini-lock namin ang pinto at nagsimulang maglakad sa madilim at makipot na kalsada patungo sa bahay namin.


Sobrang nakakatakot ang dilim kahit may bitbit kaming flashlights. Kung bakit walang buwan nang gabing iyon ay hindi rin namin alam.


Halos gising ang lahat ng pakiramdamdam naming dalawa. Mabilis ang paningin, matalas ang pandinig, ganoon din ang pang-amoy.


Halatang takot na takot si Leo dahil nakakapit na ito ng mahigpit sa damit ko sa likuran habang dahan-dahan kaming naglalakad.


Napatalon kami sa gulat ng may biglang sumitsit sa amin. Naging mabilis ang pag-ikot ng ilaw ng aming mga flashlights. Nanindig ang lahat ng balahibo namin dahil pareho naming nakita ang isang nakakatakot na tiyanak sa may bandang unahan namin. Halos limang dipa lang ang layo.


Mabilis pa sa kidlat ang pagtakbo naming dalawa patago sa ilalim ng malaking puno ng Duhat. Sa dalawang malalaking ugat nito ay pinagsiksikan namin ang aming sarili para lang hindi kami matunton ng maligno.


Pinatay namin ang mga flashlights at puro buntong-hininga lang ni Leo ang maririnig. Sobrang malikot ang aking mga mata sa pagbabantay sa tiyanak.


Ilang sandali lang ang lumipas at may narinig na naman kaming sumitsit. Mabilis kong pinailaw ang dalang flashlight at hinanap ang maligno.


Pareho kaming napaiyak sa takot ni Leo ng makita namin ang limang nakangising tiyanak sa sanga ng Duhat. Nakakatakot ang mga ito.


Hinawakan ko ang kaliwang kamay ni Leo at hinila siya patayo para tumakbo. Laking gulat namin dahil may pitong tiyanak na pala sa paanan naming dalawa.


Sumigaw na kami ng ubod lakas ng kumapit ang mga ito sa paa namin at pinipigilan kaming tumakbo.


Dahil sa takot, pinagsisipa namin ang mga ito at tumakbo ng mabilis hanggang makarating kami sa bahay...

Horror StoriesOnde histórias criam vida. Descubra agora