Chapter 12 Out

2.5K 140 2
                                    

Alister

Kinakabahan na ako sa maaaring mangyari mamaya. Kanina pa kami ni Gwapito dito sa birthday party ng isa naming barkada.

Dalawang oras na silang nag-iinom.
Sinasabi ko na nga bat ito ang mangyayari.
Noong una pa lang tutol na akong umattend kami at mauuwi lang sa lasingan ang celebration na ito.

Lasing man ako, alam ko kung ano ang nangyayari sa paligid. Apat na lang kaming naiwan na kasama ng celebrant dito sa kanilang garahe at ang iba ay nagsiuwian na.

Lasing na si Lukas.
Nakakatatlong bote na kami ng emperador lites.
Sa gaya ni Lukas na ngayon lang uminom ay malakas sa kanya ang epekto ng halos kalahating bote ng alak na yata ang pumasok sa katawan.

Madaldal at manakanakang nakayuko. Paano ko iuuwi sa kanila ang kaibigan ko sa ganitong kalagayan. Nakabike lang kaming pumunta at hindi ko na rin kayang iangkas siya.

Wala na akong maiisip na paraan kundi humingi ng tulong.

"Kuya pasundo naman kami dito sa phase 3. Di ko kaya iuwi si Gwapito."

Message sent...

"Bakit ano ginawa nyo?"

Message recieved...

" Nakainom kami, sa bahay matutulog si Lukas. Baka mapagalitan ng Daddy nya."

Message sent...

Wala ng reply akong natanggap. Paniguradong pagagalitan ako ni utol. Alam ko na ang sasabihin nun dahil masyadong siya protective sa aming dalawa.

Tapos na ang inuman ngunit tuloy pa rin ang kwentuhan.
Nangungulit na rin si Lukas.
Naroong hubarin na niya ang kaniyang tshirt dahil sa init na naaramdaman.

Panay naman ang paalaala ko na wag masyadong maingay at baka magising ang mga natutulog. Kahit papaano ay sumusunod naman siya pero ang kakulitan ay naroon pa rin.

"Gusto ko ng umuwi! Itlog nasaan ka na ba!"

Mayamaya ay dumating na ang aming kotse na gamit ni kuya.
Nagpaalam kami sa mga tropa na dumating na ang sundo namin para umuwi at babalikan kinabukasan ang aming mga bisikleta.

Lumabas kami ng gate. sinalubong niya ako at tinulungang isakay ang aming maingay at lasing na kaibigan na walang pang itaas na damit.

Wala ni isang gaputok na salita o sermon akong narinig sa kaniya habang sinusuutan si Lukas ng hinubad na tshirt kanina .
Ito yung nakakatakot kay kuya.
Mas gusto ko pang sinisigawan niya ako kesa silent treatment. Malaki ang nagawa kong kasalanan kung bakit di ko nasaway sa pag-inom ang kaniyang kinakapatid.

Tiwala si kuya sa akin sa lahat ng bagay. Ngayon ko lang siya nabigo dahil kagustuhan naman ito ni Lukas. Aakuin ko na ang kasalanan dahil pumayag din naman ako na dumalo at makiinom sa party.

Kung alam ko lang na ganito pala malasing si Lukas sana pinaglaban ko pa na wag na kaming tumuloy kanina.

"Kuya sorry..."

Nasa front seat ako habang inaayos ang aking seat belt.

Tahimik pa rin si kuya na binabagtas ang daan patungo sa amin.

Patuloy naman sa pagsasalita si Lukas kahit nakahiga sa aming back seat. Di ko na maintindihan ang kwento niya.

"Kasi naman!!!Bigla ka nah lang nawahhlaahhh!!!" Hindi mohh kooh mahaalll!!! hik*

Ewan ko ba sa pinagsasabi ni Lukas at parang ang laki ng problema niya.

"Iniwan mo kooo!!Wala naman akohng ginagawa ahh!!!"

Lasing ako. Oo pero para yata akong lalong nalalasing sa pinagsasabi ni Lukas dahil hindi ko na alam talaga ang pinagsasabi niya.

"Dito kami Lukas. Di kita iniwan. Uuwi na nga tayo o. Sinundo pa tayo ni kuya."

Sagot ko sa kay Lukas sa kaniyang pinagsasabi.

"Itlog!!!!
Baket mo koh iniwan kuyahh!!!"

Si kuya Emanuel pala ang pinatutukuyan niya.
Hibang na si Lukas at talagang di na niya alam ang sinasabi ha ha ha!

"Paano ka niya iniwan e nakasakay nga tayo sa kotseh?

Sagot ko...

Nagulat na lang ako ng bigla siyang umiyak.

" Mahal moh ba akoh? hu hu hu!"

Para na siyang bata kung umiyak na nakahiga.

"Uy Lukas uuwi na tayo , malapit na tayo sa bahay..."

Paalala ko, Ayaw kong magising ang mga Daddy sa pag-uwi na ganito si Lukas.

"Hindi mo ko mahall!!!"
"pinabayaan mo akoh!"
"Iniwan mo kohh!"
"Mabait naman ako di ba?"

Natatawa na ako sa mga pinagsasabi ni Lukas kaya sinakyan ko na lang.

"Mahal ka namin Gwapito, di ba C4 na tayo ha ha ha!"

Naalala ko yung barakdahan nina Papa at Daddy sa mga uncle Sid at Ninong Anthony.

"Wala! iniwan mo ako!
Ang tagal ko naghintay akala mo bah!!!
Hindi mo ako mahal!!!
Buti pa si kuya Kulit, mahal ako!!!
Ikaw wala ka ng inisip kundi sarili moh!
Hindi mo ako mahal!!!"

Grabe na ang nangyayari sa kaibigan namin. Di ko alam kung bakit siya nagkakaganito gayong kasama naman namin siya sa biyahe.

Natatawa akong nilingon si kuya Lemuel.
Ang akala ko ay natatawa siya sa pinagsasabi ni Lukas.
Nawala ang saya ko ng makita kong tumutulo ang kaniyang mga luha habang nagmamaneho.

"Whats happening here?"

Sa isip ko.

Nakarating na kami sa harap ng bahay.

"Mauna ka na magpahinga Ali. Iikot ko muna si Gwapito ng village hanggang kumalma siya at mabawasan ang lasing. Alam mo naman ang Daddy kung malalaman niya na lasing kayong umuwi. Kung di mo kayang sumuka dukutin mo. Doon ka sumuka sa toilet at wag sa shower room. Maligo ka at magpahatid ng kape kay manang kung gusto mo. Babalik din kami. Kakausapin kita bukas para maintindihan mo. For now magpahinga ka na."

Ang haba ng sinabi ni kuya kahit naikot ang paningin ko ay naintindihan ko ang lahat.
Oo na lang ang sinabi ko at nagtuloy sa loob ng bahay.

Di ko na nilingon ang sasakyan ng umalis.

Bukas ang pinto ng recieving area kaya madali akong nakapasok ng hindi naaabala ang mga natutulog at tanging si manang lang ang gising na naghihitay sa amin.

Sinabi ko ang dahilan kung bakit mag-isa lang ako at mamaya pa uuwi ang dalawa.

Gaya ng mga bilin ni kuya ay nagpatimpla ako ng kape na maiinom.

Matapos inumin ay umakyat na ako secondfloor ng dahandahan at pumaaok sa aming silid.
Bibigay na ako sa aking nararamdamang hilo.

"Uwarkk!!!"

Dumuwal akong nakaluhod sa harap ng toilet at inilabas ang kape kasama ang ilang pirasong nakain ko kanina at ang pait na alak na nainom. Nadiri ako sa kulay at amoy na inilabas ko.

Totoo pala na isusumpa mo ang pagtawag ng uwak pagkatapos mong maglasing.
Di na ako nakatiis sa nararamdaman ko at sa amoy alak na katawan kayat nagshower ako.

Kahit papaano ay nabawasan ang hilo ko sa preskong dala ng hot shower.
Matapos noon ay nagpatuyo, nagbihis ng pangtulog at nahiga sa aking kama.

"Saan na kaya nakarating yung dalawa?"

Sa isip ko na komportable ng nakahiga.

Hindi ko na sila kayang hintayin at bumigay na ako sa pagtulog.
Bukas sermon kami ni Lukas kay Itlog...


*****

Start na nga ako ng love life ng dalawang bida next sa next chapter!


SILA NAMAN PARE KO! (EMANUEL STORY) (BxB)Where stories live. Discover now