The Beginning

904 20 2
                                    


KRISTINE's POV

Ako si Kristine Lee 22 years old  isang lumaki sa hirap na babae pero lahat kinakaya ko dahil sa pamilya ko
Lumaki ako sa Nanay ko at sa Stepfather ko hiwalay ang tunay na mga magulang ko kaya sa nanay ko lang ako lumaki


Sisimulan ko ang kwento ko
nung nasa 10 yrs old lang ako namulat ako sa isang takot
Masaya naman ang buhay ko noon pero nabalot ng takot ang katawan ko ng isang araw magising ako na parang tumataas yung palda ko hindi ko alam kung bakit bata pa ako kaya hindi ko ito pinansin pero bigla akong nakaramdam ng takot ng may umupo samay tabi ko tsaka patuloy na tumaas ang palda ko kaya nag kunwari akong walang alam at gumising nalang



Nang mag angat ako ng tingin ay nakita ko kung sino ang taong iyon ang stepfather ko pala  nang tumingin ako sa kanya nag kunwari syang may ginagawa lang kaya nginitian ko ito kahit ayaw ko  tsaka lumabas nalamang ng bahay





Simula non nabalot ng takot ang isip ko hindi ako matahimik sa araw araw mabait ang stepfather ko sakin itinuring nya akong tunay na anak kaya naman hindi ko maisip kung anong binabalak nya

Hanggang sa mag 14 yrs old na kada nasa cr ako at naliligo para akong laging kinakabahan hindi ko masabi kung bakit parang laging may nagmamasid sakin mahilig pa naman akong maligo tuwing gabi  at isang gabing naliligo nga ako narinig kong nag salita ang nanay ko

"Saan na naman nag punta ang ama nyo" narinig kong sinabi ng nanay ko kaya agad kumabog yung dibdib ka habang nasa cr ako nag tingin tingin ako sa buong cr kaso wala kaming ilaw dito kaya napaka dilim ng paligid at hindi ko makita king may tao ba samay bintana o kung saan kaya binilisan ko nalang ang paliligo nung gabing iyon




Nang makalipas ang ilang araw naisipan kong umaga nalang  maligo para makita ko  kung totoo mang may nanonood lagi sakin
Habang nag sasabon na ako ng katawan ko napalingon ako sa isang butas dito sa cr  at laking gulat ko may matang naka silip dito kaya nanlaki ang mata ko sa sobrang gulat ko yung pakiramdam ko parang kilala ko kung kaninong mata yon  wala akong nagawa kundi tumalikod at tingnan ng masama kung sino man yung taong iyon at mukha namang nakita nya yung galit sa mata ko kaya umalis na ito kaya nakita ko kung anong kulay nung damit na suot nung taong iyon



Kulay asul na damit ang nakita ko kaya ng makita kong nakaalis na iyon mabilis kong tinakpan ng isang bagay yung butas  sobra na ang takot na mararamdaman ko pero tinatagan ko parin ang loob ko 

Ng matapos ako paliligo pag labas na pag labas ko ng cr nakita kong nag luluto yung stepfather ko at laking gulat ko na naman ng makita ko ang damit na suot nya

Shit sigaw sa isip ko dahil yung damit nya parehong pareho lang nung damit na nakita ko dun sa nakasilip sakin sa cr lalo na akong kinabahan

Malaki tiwala ko sa Stepfather ko kasi sya nag palaki sakin kasama nanay ko at sya nag papaaral sakin kaya napaisip ako sa buong buhay ko pala hindi anak ang turing nya sakin
Gusto nya bang ako maging kabayaran sa ginawa nyang pag papakain at pag papaaral sakin



Simula noon kada maliligo ako hinaharangan ko ng towel ang lahat ng pede silipan kahit yung bintana natatakot na kasi talaga ako hindi ko ito masabi sa nanay ko kasi baka hindi nya ako magawang paniwalaan


Akala ko titigil na sya simula nang lagi ko ng takpan yung butas sa cr pero nag kamali pala ako

Isang gabi umuwi ng lasing yung stepfather  ko mga tulog na ang mga kapatid ko at kalapit ko sila matulog dito sa baba ng kama ng mga nanay ko Oo sa sahig lang kami na may latag na Banig  

Nang dumating yung stepfather ko tumalikod ako mula sa kama nila para hindi mahalatang gising pa ako kasi nga mga tulog na lahat kahit si nanay

Habang nakikiramdam ako kung anong ginagawa ng stepfather ko narinig kong kumakain ito samay lamesa at nang makatapos na itong kumain naramdaman kong lumapit na ito samay kama at nahiga kaya laking luwag sa pag hinga ko iyon dahil akala ko tutulog na sya pero bigla akong napamulat ng maramdaman kong may kamay na gumagapang samay pwetan ko nabalot na naman ng kaba yung katawan ko hindi ko alam ang gagawin ko hindi ako makagalaw natatakot ako

Pero pasalamat parin ako dahil nag salita ang nanay ko kaya inalis nito ang kamay nya sa pwetan ko hindi nakita ng nanay ko yon kaya hindi parin ako napapanatag.




------------------------''
To be Continue

Sana po samahan nyo si Kristine  sa bawat yugtong dumaan sa buhay niya*

Thankyou guys
@MizzyMee

The Poor Lady (true story)Where stories live. Discover now