ONE SHOT

83 16 1
                                    

Tadhana

Si Rayn Sebastian ay gwapo, mabait at matalino, ngunit sa kabila nito ay mayroon siyang katangiang hindi likas sa ordinaryong tao. Bata pa lamang si Rayn ay nakakakita na siya ng mga kaluluwa, noong una ay natatakot siya ngunit kalauna'y natanggap niya ito at doon nga'y naisip niyang sa halip na katakutan ay kinakausap at tinutulungan niya ang mga ito. Marami naman ang hindi nakaiintindi sa kakayanang ito ni Rayn, kung kaya't marami ang nawiwirduhan dito at walang nagtatangkang makipagkaibigan sa kanya.
Isang araw nang siya'y naglalakad patungong paaralan ay nakita niya ang isang malungkot na babae.

"Miss may problema ba?"

tanong niya dito, tumingin lamang ang babae sa kanya at muli tinanong niya ito.

"Miss may problema ba?"

Sumagot ang babae. "Nakikita mo ako?"

Bahagyang nagulat si Rayn sa tanong ng babae sapagkat mukhang buhay na tao ang babaeng kausap niya at hindi isang multo dahil na rin siguro sa angking kagandahan nito.

"Ahm, oo nakikita kita." sagot na lamang niya rito.

Ngumiti ang babae at nagsalita. "Salamat at mayroon na akong makakausap, halos isang taon na rin kasi akong ganito eh. Kapag nagpapakita kasi ako sa ibang tao natatakot sila. Ikaw hindi ka ba natatakot sa akin?" tanong nito.

"Hindi ako takot sayo , sanay na rin naman kasi akong makipagusap sasa mga kaluluwa. Teka, bakit nandito ka pa pala? May unfinish business ka pa ba? Anong pangalan mo? At bakit mukhang malungkot ka?"
Sunod sunod na tanong ni Rayn.

"Ako nga pala si Yannie Salazar, bago ako naging isang multo, isa akong ordinaryong mag-aaral. Pauwi na ako ng bahay nang nabundol yung sinasakyan kong bus. Simula noon wala na akong balita sa mga magulang ko. Nalulungkot ako kasi gusto ko pang mabuhay, gusto ko pa silang makasama. Madami pa akong gustong gawin, 'yon siguro yung dahilan kung bakit nandito pa rin ako at pagala gala. Kaya nga ang saya ko dahil may kumakausap na sa akin." Sabi nito.

"Ah, ganon ba. Ang lungkot naman ng nangyari sayo. Sige ganito na lang tutulungan kitang hanapin ang mga magulang mo. Pero sa ngayon mag aaral muna ako." Wika nito.

"Talaga? Tutulungan mo ako? Nako, maraming salamat. Ano nga pala ang pangalan mo?"
Tanong nito.

"Rayn Sebastian." sambit nito at tuluyan ng nag paalam.

Lingid sa kaalaman ni Rayn ay sinundan pala siya ni Yannie, nang siya'y nakauwi na galing eskwelahan ay biglang nagpakita si Yannie.

"Anong ginagawa mo dito?!" gulat na tanong ni Rayn.

"Sinundan kita kasi naman, para akong mababaliw walang gustong kumausap sa akin at ikaw palang yung nakausap ko simula noong naging kaluluwa ako. Maaatim ba ng konsyensiya mo na mabaliw ang isang multo? Tsaka diba sabi mo tutulungan mo akong hanapin ang mga magulang ko." Pangungulit nito kay Rayn.

"Oo, tutulungan kita. Pero hindi mo naman ako kailangang gulatin." Sagot naman nito.

"Oo nga pala Rayn, may isa pa sana akong favor. Kung pwede sana dito muna ako hanggang sa makita na natin ang mga magulang ko, please." Pakiusap nito at nagbigay ng matamis na ngiti.

"Hay nako, ano pa nga bang magagawa ko? Andito ka na eh. Tsaka alam mo sa lahat ng mga nakausap kong multo ikaw lang ang aampunin ko." Sabi ni Rayn at tinulak ang noo ni Yanni gamit ang kanyang hintuturo.

Namangha naman si Yannie dahil bukod sa nakikita siya ni Rayn ay kaya rin siya nitong hawakan.

Kinaumagahan ay nagulat muli si Rayn dahil malapit ang mukha ni Yannie sa mukha niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TadhanaWhere stories live. Discover now