Chapter 11: First move

7.9K 76 0
                                    

Chapter 11

Pagpasok ko ng bahay ay ni-interrogate ako kaagad ng kapatid ko.

"Ano yon?"

"Ay kabayo! Anu ba naman Earl palagi ka nalang nanggugulat." asik ko dito.

"Ang sabihin mo ate, nagulat ka kase may kababalaghan kang ginawa." Kunwari ay galit nitong turan.

"Anong kababalaghan yang pinagsasasabi mo, aber?" Tinaasan ko ito ng kilay at pinameywangan.

"Kunwari ka pa ate. Ano yung pahalik halik sa pisngi na yon ha?"

"Eh ano la--"

"Siguro boyfriend mo na yon hano?"

"Hind----"

"Pinababayaan mo na ako ngayon kase may pinagkakaabalahanan ka na palang iba ahhh."

"Oy hindi ya--"

"Alam mo ate huwag mo nang itinatago. Papayag naman ako, syempre kikila--, aray ate masaket."

Binatukan ko nga.

"Ayaw mong tumigil. Hindi ko boyfriend yon hano. Kaibigan lang."

"May kaibigan bang humahalik sa pisngi?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"BAhog! Si kuya Andrew mo ganun lang din ginagawa."

"Eh ibang usapan yon. Tsaka ibang mukha yon ngayon ko lang nakita.Umamin ka na kase ate."

*pok*

"Aray naman ate! Kanina ka pa yah."

"Gusto mo di ako tumigil. Sinabi nang wala akong aaminin eh. BAkit ba napakaechusera mo! Papasukin mo nga muna ko."

"Psssshhh."

"Kumain ka na ba?"

"Oo ate. Nagpadeliver ako kaya utang mo yun."

"Oo na. Ulit ulit?"

"Ang paalala ay gamot sa taong nakakalimot ate tandaan mo yan."

"Ikaw yata ang dapat sabihan niyan, nahiya naman ako sayo."

Kapag utang ko talas ng memorya kapag utang niya, nagkaka- amnesia.

Matutulog na sana ako kaso biglang nagring ang phone ko.

"Dyosa speaking."

(Bruhilda! Sabi ko sayo diba mamaya ka sakin.)

"Oh ano ngayon?" walang gana kong sagot dito.

(Anong ano ngayon? Sino yung kasama mo kanina ha?)

"Si Richard." tipid kong sagot sabay hikab. Inaantok na ako.

(Ano ba, napakatipid mo namang magsalita eh. Magkwento ka!)

"Eh panu ba naman PO, eh istorbo na PO kayo. Nahiya naman PO ako sa iyo dahil MAtutulog lang naman na po ako."

(Eeeeeeh. Magkwento ka na kase. Boyfriend mo yon hano, hano! Ikaw ahhh. Hindi ka na nagsasabi ngayon. Malihim ka na.)

"Alam mo parehas kayo ni Earl. hindi ko yon Boyfriend, kaibigan ko yun. Ano ka ba model yun ng company."

(I smell samteng peshe kase friendship. HIHI. Magkakalove life ka na.)

"Utot mo! Malisyosa to."

(Ahihi. Manhid manhidan lang ang peg friendship? hihihi.)

"Whatever you say! Teka nga , bakit ba ako ang nasa hot seat ngayon. Kamusta naman ang kawawang kalooban mo? kelan ba ko magiging maid of honor? bwahahahahahah" pag iiba ko ng usapan na may kasamang pang-aasar.

My Bestfriend's Groom (ON-HOLD)Where stories live. Discover now