Chapter Four

150 1 0
                                    

Chapter Four: Welcome to Magical World

Kinabukasan ay pumunta ako sa pinagtatrabahuhan namin ni Kookie. Araw ng sweldo eh. Nang ako na ang nasa pila sa harap ay kinuha ko ang brown envelop ng sweldo namin. Kinuhaan ko ito ng one half at ibinalik sa manager namin

"bakit?"

"pwede po bang ibigay nyo po ito kay Jungkook? Achoo! Pero wag nyo pong sabihin na ako ang nagbigay. Sabihin nyo na lang po na dahil yan sa overtime nya. At Mr. Chua, magreresign na po ako dito. Achoo!" malungkot kong sabi

"bakit ano bang nangyari sa inyo? At hija, ok ka lang ba?"

"nagalit po sya sakin at ayaw nya po akong kausapin. Ok lang po ako"

"o sige naiintindihan ko. Pero nagpaulan ka ba kahapon?" kinuha nya ang pera

"opo eh. Pero iinom naman po ako ng gamot. Achoo! Salamat po sa pagaalala. At kay Jungkook na rin po"

Pagbalik ko sa bahay ay mugto parin ang mata ko ng dumulog ako sa hapag kainan

"anong nangyari, anak?" tanong ni papa Walter. Sabi nya papa Walter nalang daw ang tawag ko sa kanya kaya anak na daw ang tawag nya sakin

"sinabi ko na po kay Jungkook ang totoo" nakayukong sabi ko

"at anong sabi nya?" mama Alodia

"hindi po sya naniwala sakin at sinabi nya rin pong mas mabuti na magkalimutan na lang po kami" naiiyak na sagot ko

"ok lang yan anak" sabi ni mama at niyakap ako

"magliligpit na lang po ako" sabi ko at umakyat. Kahit na ayaw na sakin ni Kookie at itinago ko parin ang mga bigay nya sakin kasama na ang teddy bear na binigay nya sakin ng birthday ko

"Jungxie, ayaw na sakin ng daddy mo. Anong dapat kong gawin? Achoo!" naiiyak na naman na pagkausap ko sa teddy bear

Ngayon na ang araw ng alis namin para pumunta sa Magical World. Nakaready na ng lahat sa sasakyan at nakatanaw lang ako sa bahay namin

"anak, alis na tayo?" mama

"opo" nakalaglag balikat na naglakad ako palapit sa sasakyan

"Trixie!!!!!!!" agad akong napatingin sa sumigaw ng pangalan ko

"Kookie?!" hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Si Jungkook tumatakbo palapit sakin. Paglapit nya sakin ay niyakap nya ako ng mahigpit

"nalaman ko ang ginawa mo sa coffee shop. Hindi mo naman kailangang gawin yun, Trixie. At hindi naman ako nagalit ng tuluyan sayo. Inisip ko ng mabuti ang nangyari at kahit na hindi ko masyado naintindihan kung bakit may powers ka, you're still the Trixie I knew" mahabang sabi nya habang hinahaplos ang buhok ko. Napaiyak ako sa sinabi nya. Kookie is back

"Kookie" napahiwalay naman ito sakin at pinunasan ang mata kong puno ng luha

"wag ka ng umiyak, Trixie" sabi nya pero natawa ako ng makita kong naiiyak rin ito

"wag ka ring umiyak, Kookie. Para kang bakla"

"hindi naman sukatan ang gender para umiyak!" sabi nito at niyakap ako ulit

"ngayon na ang araw ng alis namin, Kookie. Mamimiss talaga kita"

"ako rin, Trix. Hindi ba ako pwedeng sumama?" natawa ako sa cuteness ni Kookie

"syempre hindi"

"ang necklace na binigay ko sayo, wag mong iwala ha? Sayo lang si Jungxie. Wag mo syang ipahiram sa iba, ok? Alagaan mo ang anak natin"

"opo, daddy ni Jungxie"

"wag kang mangungulit doon ha? Umayos ka"

"tumigil ka nga, Kookie"

EXO ACADEMY:School of Magical PowersTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang