1 ▫ The Runaways

117 7 1
                                    

Chapter 1 || The Runaways


Umihip ang malakas at malamig na simoy ng hangin galing sa norte. I hugged myself and shivered slightly when I felt the cold wind brushed against my pale skin.

It’s December pero hindi ko maramdaman ang saya ng kapaskuhan dahil sa nangyayari sa’min. Christmas was supposed to be happy, soulful and bright but our christmas is just another day that we managed to survived.

Pinagkiskis ko ang palad ko at hinipan ‘yun, saka ko inilagay sa pisngi ko para naman mainitan ang mukha ko. Sa sobrang heightened and absoulute ng senses ko kaya triple pa ang lamig na nararamdaman ko.

For the last time, I quickly scanned the area right before I leave. Matataas ang mga puno na nakapaligid sa’kin. Madilim rin at tanging ang buwan at mga bituin lang ang nagsisilbing liwanag namin. Hindi kasi kami makapag-ilaw at makapagpainit gamit ang apoy dahil baka makita nila ang usok o maamoy nila at matunton ang lokasyon namin.

Nang masiguro kong wala namg nakaambang panganib at walang senyales na nahanap o na-track nila kami ay pumasok na ako sa loob ng kweba. This is a good improvement. Ito kasi ang unang beses na tumagal kami sa isang lugar ng halos anim na araw. Palipat lipat kasi kaming tatlo pag alam kong papalapit na sila.

I blinked to activate my night vision and I saw Radar and Catastrophe’s greenish form and figure from the pitch-black darkness of the cave.

“Kung may nakakarinig man sa’kin—sumagot kayo. Tutulungan namin kayo.” Dinig kong wika ni Radar habang nakatapat sa bibig niya ang walkie-talkie.

Hangga’t maaari ay naghahanap kami ng survivors o naghahanap ng refuge tulad namin. Mas maganda kung magkakasama kami para mas mas mahirap kaming hulihin at mas lumakas ulit ang grupo namin. Dahil sa pagkakataong ito, unti-unti na kaming nauubos dahil sa isa-isa nila kaming pinapatay.

Hindi naman ganito ang buhay namin dati. Hindi naman kami nagtatago sa kahit sino. They’re unaware of our existence. Nag-aadjust kami para sa kanila, kami ang nakikibagay sa normal na pamumuhay nila at nagpapanggap na ordinaryong tao lang rin kami tulad nila.

May mga pagkakataon rin naman na ginagamit namin ang kakayahan namin para sa kalokohan pero minsanan lang naman dahil hindi rin namin matiis.

Dati, ang mga tulad namin ang nagdo-dominate sa population ng mundo. But after the Apocalypse, the battle between War’s Host and the Bermuda Triangle, 3/4 of our population were wiped out.

After the tragedy, binura ng host ni Famine ang mga alaala at knowledge ng mga tao sa mundo na may kinalaman sa digmaan at sa existence namin gamit ang Emerald gemstone. And to repair the damages and the aftermath of the battle, Conquest’s Host fixed and restored everything using the gemstone.

Simula noon ay wala ng nag-ungkat tungkol sa digmaan na naganap dati at pinalitan ito ng ala-ala kung saan isang delubyo kung saan bumagsak ang iba’t-ibang parte ng mundo ang isang comet.

Pero nailabas ang mga impormasyon tungkol sa existence namin. Maraming tao ang tumugis sa’min at walang awa nilang pinatay dahil sa paniniwalang kami ang may kagagawan ng mga delubyo at sakuna sa nangyayari sa mundo.

Simula noon, nagbago na ang buhay namin. Hindi kami nakakatagal sa isang lugar at palipat-lipat kami ng matataguan. Nahiwalay ako sa pamilya ko matapos atakihin ang village namin at napasama naman sa mga kaibigan ko matapos naming magkita-kita sa gymnasium ng university namin.

Pero hindi lang ang mga tao o mamamayan ang tumutugis sa’min. Even the government’s watchdogs known as The Terminators, who is led by a man known as The Godfather. Para naman sa kanila, ang lahat ng mga superhumans ay isang malaking banta sa sangkatauhan kaya inuubos nila kami.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 06, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Death: The BansheeWhere stories live. Discover now