Chapter Twenty

20.2K 300 20
                                    

Chapter Twenty

Mabagal akong naglakad palayo kay Theo. I wished na nabingi lang ako sa pagkakadinig ko sa sinabi nya sa akin.
Why is he full of hatred? Bakit s'ya pa ang galit sa akin s'ya nga itong nangiwan sa ere ng walang paalam.

Huminto ako at tumingon muli sa kanya. Hindi pa s'ya nakakaalis sa puwesto n'ya at hindi pa naman ako ganoon kalayo. Dahan dahan ako lumapit sa kanya.

Kailangan ko ito gawin.

Walang sabi sabi na sinampal ko s'ya ng malakas. Hindi s'ya natinag pero halata ang pagkagulat sa mga mata n'ya. I heard gasped few meters away from us at doon ako natauhan. Mr. and Mrs. Hermoso looked at me as if I killed someone. And the reality hits me, Theo is one of their business partner.

Tahimik lang s'ya habang hawak ang pisngi n'ya. Hannah run towards us and I did the same.

I run away from them, away from him.

I humiliated myself in front of my boss at hindi ko alam kung may mukha pa ako ipapakita. Okay na ang lahat natanggap ko na na hindi nya ako babalikan dahil hindi naman sya bumalik tapos ngayon andito sya at nakikita na naman at ang traydor ko na puso sya na naman ang isinisigaw.

"Eve!" narinig ko na tinatawag ako ni Denver pero nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo.

"Eve." hinatak ni Denver ang kamay ko kaya napatigil ako.

"Iwan mo muna ako Den."

"No, I will not leave you. Saan ka naman pupunta?" hindi ko tuloy mapigilan umiyak, gusto ko talaga na mapagisa.

"Eve, calm down."

"I can't... nakita mo ba yung ginawa nya sa akin? Yung ginawa ko sa kanya."

"Baka tangalin ako ni Mr. Hermoso,"

"Hindi nya gagawin 'yun"

"Hindi natin masasabi business partner nila si Theo."

"Stop, gusto mo magpahinga muna." hinatak ni Denver ang kamay ko at naglakad kami palayo.

"Huwag dito na lang,"

"Sige try natin yung buko shake dito." nakangiti nyang tanong. Alam ko naman na pinapagaan lang ni Denver yung loob ko kaya sumang ayon lang ako.

~•~

"My gahd! ano yung narinig ko na commotion in between sa inyo ni Theo?" tanong ni Delly.

There's no reason to tell a lie kaya mas mabuti pa na malaman nila mula sa akin iyon.

"Sinampal ko si Theo."

"What? Nagawa mo 'yun? totoo yung chismis ni Divina?" tanong ni Suzy.

"Ang bilis naman kumalat ng chismis.". walang gana ko na sabi.

"Don't worry Eve deserve 'yun ni pogi este ni Theo!"

"Lokaret ka buntis! Hindi na sya ang dating Theo, he can asked Mr. Hermoso to terminate Eve if he wants!"

Natahimik ako bigla dahil naalala ko ang ginawa ko kanina hindi naman ako kinausap ni Mr. Hermoso.

"Don't worry Eve, assets ka sa company hindi ka tatangalin ni Sir Hermoso suspension pwede pa." pagbibiro ni Delly.

Naiinis tuloy ako sa pagiging padalosdalos ko. Pero hindi naman ako nagsisisi sa ginawa ko, sana pala sinampal ko na lang sya hindi sa harap nila Mr. and Mrs. Hermoso.

"Ang lalim ng iniisip ah!" puna ni Suzy.

"I think I should apologize to Mr. Hermoso and his wife."

Mine Series: Theo Betchel (Completed)Where stories live. Discover now