Chapter 1:Stupid Kiss

45 12 4
                                    

Yvonne Andrea Flores

"...and they kissed each other passionately full of love and inspiration." pagtatapos nang teacher naming si Sir Adidas.

" Ok class did you take down notes?"

"Yes Sir!" sabi namin.

" Group one will be summarizing the first half of the story while group two will be ending and summarizing the second half of the story readen.

After ng napakatagal na panahon na inabot na kami ng pasko ay kami na rin ang magrerecite ng sinummarize namin.

Nagvolunteer si Kieffer na siya na daw ang magrerecite.

"..and they kissed each other..." natigilan siya sa pagrerecite mukhang nakalimutan niya ata ah.

" ...like mwa mwa chup chup." pagtatapos nito.

Masaya na sana ako eh kasi maganda yung pagsusumarizze niya sa second half ng story pero biglang akong may naalalang delubyong nangyari kahapon.

Flashback

Pagkatapos ng Recess namin ay nakaupo lang ako dito. Grabe ang iingay nila . Tapos nasa PEACE section sila.

Tahimik lang ako dito sa gilid ng classroom habang nagquiquick review para sa susunod naming subject kasi baka may surprise quiz . Mahirap na!!

Laging ganito ang buhay ko tahimik dito sa paaralang ito lang kasi hindi naman ako kapansinpansin. No scratch that. Kahit saan ako magpunta lagi akong tahimik. Pati sa Bahay? Oo! Im the only girl in the brood of eight. Lahat sila puro lalake. Sabi nga ni mama at papa milagro daw noong ipinanganak ako.

" IBONG LAYA!!"Aish kainis tong bungal na kaibigan. Sukat ba namang asar sasarin ako hababg sumisigaw. Alam niyo ba kung bakit yuon ang term of endearnment niya sakin? Ganito kasi yan, yung first name kong Yvonne ginawa niyang ibon . Parang ako daw yung pangalan ko denidescribe ako kasi malaya daw akong gawin ang lahat ng ginagawa ko. Get's niyo yuon? Anong connect ng loner sa malaya ? Malaya ba akong sirain yung bahay nila? Hindi naman diba?

Hindi ko na lamang pinansin si bungal este si Zenaida Kelly. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa ng libro nang biglang may nagpopoke sa cute kong pisngi. Joke!.

Paglingon ko nakita ko si Mr. Washington a.k.a. Washing Machine a.k.a. Unggoy. Tinaasan ko na lamang siya nang kilay tyaka ako nagpatuloy sa pagbabasa. Di dahil sikat siya mahihiya hiya na ako sakanya. Bakit? Tao rin siya kagaya ko (kahit na mukha siyang unggoy )
na kumakain 3× a day at humihinga araw araw.  Pinopoke pa ako walang namang sasabihin , nginitian lang ako. Anong gagawin ko sa ngiting aso niyang yun?

Pinoke niya ulit ako. Naghanda ako nang di kanaisnais na salita at speech para sabihin sakanya . Paglingon ko at ready ng ibuga yung hinanda ko ay may ginawa siyang di kanais-nais na nagawang patikumin ang bunganga ko.

Because H-he j-just s-stole m-my  f-first k-k-kiss.

Napahawak ako sa labi kong hinalikan ng unggoy  na yun.

"M-my i-innocent v-v-virgin l-lips!!"bulong ko pero may halong pagkainis.

Paano na lamang yung Prince Charming ko? Ano na lang ang sasabihin niya saakin pag nalaman niya may nakahalik saakin tapos isang unggoy/ kalabaw pa !! Huhuhuhuhuhuu

May narealize ako dapat hindi ko pinapahalatang naiiyak ako . Dapat lumalaban ako.

"Humanda kang unggoy ka!!!"

I am about to punch his freakin fuckin monkey face pero bakit di ako makagalaw. Hinalikan niya lang naman ako diba? Hindi naman siguro niya ako linumpo diba?

Perfect KissOù les histoires vivent. Découvrez maintenant