Simula

83.1K 1.4K 108
                                    

"Salamat po, Itay." Humalik ako sa pisngi nito bago kumaway nang makababa sa pangpasada nitong jeepney.

"Mag-iingat ka anak." Bilin nito sa'kin.

"Opo! Kayo rin po Itay. Yung gamot n'yo po huwag n'yo kalimutang inumin." Kumaway ako dito matapos ay tumalikod na para pumasok sa backdoor ng naturang bar.

Diretso ako sa locker room at mabilis na nagbihis at bahagya pang nag-apply ng lipstick at powder bago lumabas.

"Hi Cherry!" bati sa'kin ni Fernan na janitor sa pinapasukan kong resto-bar.

"Good evening, Fer." Ngumiti ako dito matapos ko itong lampasan.

Pumasok na ako sa loob habang tinatali ang apron kong suot. Inayos ng bahagya ang name pin ko at ngumiti.

"Cherry, nand'yan ka na pala. Isang bucket sa room five!" sigaw agad sa'kin ni Jacky nang mamataan ako.

"Okay," sagot ko at bumaling kay Calix na nagpupunas ng lamesa.

"Isang bucket please." Yumukod ako sa lamesa at pasimpleng inipit ang buhok sa aking tenga nang tumalikod ito.

Humarap ito at malakas na inilapag ang bucket habang ngumunguya ng bubble gum.

"Salamat." Ngumiti ako rito na siyang nagkibitbalikat lang sa akin.

Nilakad ko ang kahabaan ng mga lamesa. Puno ng tao ang restaurant ngayong gabi dahil araw ng Biyernes. Kadalasan ay puro estudyante ang costumer namin 'pag ganitong araw. Pero iba ang dami ng tao ngayon at siksikan kaya medyo naipit ako sa gitna.

"Excuse me! Excuse me!" malakas kong sigaw. Mabuti ay tumabi ang ilan nang mapansin ang suot kong waitress uniform.

Nakahinga lang ako ng maayos nang pumasok na sa hallway.

"Ano bang meron?" tanong ko habang nilalakad ang daan patungo sa private room para sa mga magtatanghal ngayong gabi.

"Room service," tawag ko sa pagitan ng pagkatok.

Ngunit walang nagbubukas sa'kin ng pinto at panay tawanan lang sa loob ang mauulinigan ko doon.

"Hello, room service!" Ulit ko na inilakas na ang boses.

I blew out a breath. Marahan kong hinipan ang bangs ko habang nakasandal sa gilid ng pader. Binaba ko ang bucket sa sahig at dinukot ang cell phone sa aking bulsa para mag-update sana ng status sa facebook.

Ngunit hindi pa ako nakakatipa nang bumukas ang pinto na siya kong ikinalingon.

A man in his black leather jacket with white T-shirt underneath transparently looking at me with his two narrowed eyes. Bumaba ang tingin nito sa bucket na nasa aking paanan.

"Ito na ba yung in-order namin?" His voice were so cold like a deep ocean. Habang ako ay tila umakyat ang hiya dahil sa nadatnan niya sa akin. Kinuha nito mula sa lapag ang bucket.

"Yes, sir! Kumakatok kasi ako kaso walang nagbubukas..."

Napapitik ako sa hangin nang tumalikod na ito sa'kin na walang pasabi bago isarado ang pinto na may diin.

"Suplado!" Umismid ako rito na tangka na sanang aalis nang marinig ko ang muling pagbukas ng pinto.

Ibang mukha naman ang sumilip mula dito kaya ako napahinto.

"Sir?" Malawak ang ngiti kong bati rito.

"Ah, Pakidalhan mo na rin kami ng Ice. " Ngumiti ito ng maluwang sa akin.

My Sexy Boss (Destroyer Casanova Series 4) CompletedWhere stories live. Discover now