Chapter 15: Danger

3.9K 84 3
                                    

--*

Chapter 15: Danger

Zydny's POV

DAYS passed like a blur. At sa paglipas ng araw,papalapit naman ang nagbabadyang panganib sa buong academy.

"Zydny? Sabay sabay tayo pumuntang meeting mamaya." sabi sa akin ni Vrinca.

I just nod.

Were here at our library. Nag-rereview para sa darating na examination. Yung examination namin ay hindi gaya ng sa normal na mundo. Mag-eexam kami para malaman kung lumakas ba kami at naging mahusay sa paggamit ng kapangyarihan.

Pero hindi ko maalis sa isip ko na malapit na talaga yung dumating. Ayon sa pagkakaalam ko,meron na lamang kaming tatlong linggong paghahanda.

At ngayong araw lang naisipan ng mga namumuno na magpatawag ng Royal Meeting. Gaganapin yun mamaya after class sa hapon.

"I'm nervous."

Napatingin kami ni Vrinca kay Syth na nakahawak pa sa dibdib niya habang sinasabi ang mga salita na yun.

"Saan?" i ask.

Huminga siya ng malalim at inilapag yung libro na hawak niya,

"Ano ba kayo girls! Three weeks nalang at sasalakayin na naman tayo ng Duchess!"pasigaw na bulong niya samin.

Nagkatinginan kami ni Vrinca at parehong bumuntong-hininga. Mukhang iisa lang kami ng iniisip.

"We can't do anything." Vrinca say.

"Meron! We have powers to defend this school! At hindi na natin hahayaan na maulit uli yung nangyari noon! May mga namatay kabilang na si Ilyn!" giit ni Syth.

Ilyn...narinig ko na naman ang pangalan niya. Gaano ba siya kaimportante sa mga tao dito at hindi nila siya malimutan?

"Sorry." paghingi ng tawad ni Vrinca at nagbasa nalang uli.

Hindi na kami umimik at tahimik nalang na nagbasa.

Pero kahit na nasa libro ang mga mata ko ay naglalakbay naman ang isip ko.

Paano nga kung marami uling magbuwis ng buhay? Nakakatakot isipin na kung mangyari man yun,wala kaming magagawa. Kahit na siguro ang may kapangyarihan ng Healing.

Dahil ayon sa sabi nila,kapag daw tinamaan ka ng Power of Dar at iba pa'ng kapangyarihan ng kadiliman,kahit ang Power of Healing ay hindi ito mapapagaling.

"Syth!"

Napaangat kaming tatlo ng may tumawag kay Syth.

At nakita namin ang isang lalaki na I think kasing edad ni Ate Leandra o baka mas ahead pa siya.

Maputi siya at may katangkaran. Matangos ang ilong at masiyahin. Magkahawig sila ni Syth.

Wait....don't tell me...

"Kuya! Ano'ng ginagawa mo dito!?" iritangbtanong ni Syth dito.

So tama ang hinala ko. Siya si Synther Jimenez. Prince of Time Control.

"Woah! Last time I check this is a library and it's open for every students that studying here." sagot nito na parang nag-iisip.

"Whatever. Alis kana nga!" pagataboy ni Syth dito.

"Ouch little sis ha! Pinapalayas mo na ang gwapo mo'ng kuya? Nakaka-hurt ka!" at umarte ito'ng nasasaktan.

Napailing nalang ako. Kung sino pa talaga ang panganay siya pa'ng isip bata.

Reign Academy: School of Power Abilities (CURRENTLY EDITING)Where stories live. Discover now