Chapter 36

569 22 0
                                    

Chapter 36: Unknown Chapter

Luke's POV

Nakangiti ako ngayon dahil sa nakikita ko. Nakangiti siya at masaya.

"Masaya akong makita kang masaya, Ky." Sabi ko sa sarili ko at umalis na. Sinundan ko sila sa Zoo. Sinabihan din ako nila Ayah na pupunta sila dun para pasayahin at libangin muna si Ky.

Di ko alam kung bakit pumunta ako dun. Kung bakit sumunod ako. Alam ko nasaktan ko siya.

"Tulala ka na naman." Napakurap ako ng magsalita si Ken na nakatabi ni Justin. Di nila ako iniwan since nangyari yung alam niyo na. Nadun sila lagi sa condo ko which is malapit lang din kila Ky.

"Alam mo, Luke. Sa totoo lang, di ako naniniwala sa sinabi ni Clyde." Sabi ni Justin.

"Na alin?" Tanong ko.

"Na mahal siya ni Jade." Sagot ni Justin. Bumuntong hininga ako.

"Kasi kung mahal ni Jade si Clyde, bakit umiyak siya sa harap mo? Bakit nasasaktan siya sa mga sinabi mo?" Sabi ni Ken. Natahimik ako sa sinabi niya.

"Hindi ako mahal ni Jade." Napatingin kami sa likod. Nag-init ang dugo ko ng makita siya.

"Anong ginagawa mo dito?!" Bulyaw ko. Lumapit siya.

"Mahal ka niya Luke. Mahal na mahal." Sabi nito. Di ko alam pero nawala ang galit ko.

"Pumunta ako ng dis-oras ng gabi dun dahil pinapunta niya ako. Di dahil sa kung ano lang. Yun ay dahil sayo." Sabi niya. Nagtaka ako.

"Ilang beses kong sinabi sa kanya na mahal ko siya. Na kaya kong gawin lahat para sa kanya. Na kaya kong higitan ang pagmamahal mo para sa kanya." Sabi nito. Nanatili kaming kalmado.

"Pero bigo ako. Ilang beses din niyang sinabi na ikaw ang mahal niya." Sabi niya na nakapagpatulo ng luha ko. Totoo ba ang mga sinasabi niya?

"Gusto ko siya. Hindi. Mahal ko siya. Kaya ko nga ginagawa to. Kaya nga gumagawa ako ng paraan para mapaghiwalay kayo." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Kaya ito. Di kayo magkaayos. Dapat masaya ako. Dapat sinisimulan ko na ang pang-aagaw ko. Pero di ko magawa." Sabi niya. Di ako nakaramdam ng galit. Awa. Yun ang naramdaman ko.

"Nung nakita ko siyang umiyak, nasaktan ako. Lalo na nung na-realize ko, na ako ang may kasalanan. Ako ang may kasalanan kung bakit umiiyak at nasasaktan siya. Nung time na yun ko din na-realize na, mali ako. Maling mali ang mga ginagawa ko. Mali na saktan ko ang babseng mahal ko at ang kaibigan ko." Sabi niya. Tumulo ang luha niya. Gusto ko siyang sapakin. Pero ayaw gumalaw ng kamao ko.

"Naging desperado ako. Hinayaan ko ang sarili ko na magpadala sa nararamdaman ko. Sa nararamdaman ko na una pa lang, mali na. Na sa una pa lang, talo na." Sabi niya at yumuko.

"She loves you, Luke. She loves you more than here self. Kahit na nasaktan mo siya, hindi ka niya binitawan. Hindi ka niya iniwan. Kasi alam mo? Naniniwala na mahal mo siya. Katulad ng pagmamahal niya sayo." Sabi nito.

"Sorry. Sorry kung sinubukan ko kayong sirain. Kung naging traydor ako. Kung di ako naging totoo sa inyo. Kung naging despirado ako. Kung naging makasarili ako. Kung di ko inisip ang mararamdaman niyo. Patawad, Luke. Patawad." Sabi nito. Tumulo na ng tuloy tuloy ang luha ko.

Nasaktan ko siya kasi akala ko niloloko niya ako. Nasaktan ko siya kasi akala ko may mahal siyang iba. Nasaktan ko siya dahil akala ko mali siya. Nasaktan ko siya ng dahil sa isang maling akala.

"Patawad din, Clyde." Sabi ko.

"Pero wag muna ngayon. Hayaan mo muna akong gawin ang isang bagay. Isang bagay na dapat ay di ko ginawa." Sabi ko. Tinignan ako nito at tumango. Tumakbo ako paalis.

Ngayon, alam ko na ang totoo. Alam ko na, na mali ako. Mali ang akala ko. Mali ang ginawa ko. Gusto kong bawiin lahat ng masasakit na salitang nasabi ko sa kanya. Masasakit na salitang dumurog sa puso niya. Masasakit na salitang di naman totoo. Sorry, Ky. Sorry sa lahat. Sorry kung di ako naniwala sayo. Sorry kung mas pinaniwalaan ko siya kesa sayo. Kesa sa taong mahal ko.

Di ako tanga para di malaman na plano to ng killer. Ngayon, nalinlang na namin siya. Ang buong akala niya ay totoo to. Akala niya ba madadala niya kami? Tss. Hindi.



*****
Nalilito kayo? Hahahah! Nasa next chapter ang sagot sa katanungan niyo.

Comment.

Class C-Section 12 (Slimmer University)Where stories live. Discover now