Bes

56 5 2
                                    

Akala ko kase Hindi lilipas yung pagmamahal mo sakin eh. Akala ko Hindi mo kayang ibaling sa iba ang atensyon mo. Sorry ha? Diko kasi inakala na magiging importante ka sakin.

Naalala ko... Nagkakilala tayo sa isang contest. Isang araw lang... Isang araw lang yun... Pero parang ilang taon na tayong magkakilala. Ang saya saya natin. Magkasama tayong namasyal, palagi tayong magka chat, tinatawagan mo pa ako. Sabi mo pa nga, "Ang cute mo pag kumakain."

Tapos natuklasan natin na malapit ka lang pala samin. Lumalabas tayo, kumakain ng sabay, namamasyal. Hanggang sa isang araw, tinukso moko. Sabi mo sakin, "Ang pangit mo bes."

Tapos sumagot ako, "Weh? Crush mo nga ako eh."

Napatahimik ka. At nagulat ako, kase hinawakan mo yung kamay ko, tsaka mo sinabing, "Ikaw naman kase. Bakit ang hirap iwasan ang mahulog sayo."

Nakakatawa. Dahil Nung Mga panahong iyon, pareho tayo ng nararamdaman. Ang sweet mo naman kasi Bes. Ang guwapo mo pa. At sobrang maginoo. Paano ako makakaiwas sa kakisigan mo?

Pero natakot ako eh. Natakot ako para sa friendship natin. Inakala ko kase na baka lumayo ka sakin pag nalaman mo.

Araw araw, pinaramdam mo sakin kung gaano ako ka espesyal. Kinimkim ko ang nararamdaman ko. At pinagsisisihan ko lahat yun. 😞😢

Asan ako? Nandito ako ngayon. Photographer sa kasal. Tinatago ang luha sa likod ng kamera. Napatingin ako sa isle. Doon nakita ko siya.

ANG BABAENG MAHAL MO. Yung babae kung saan nabaling ang atensyon mo, pagkatapos kitang I reject.

Ang sakit bes. Sobrang sakit.

Kase ako dapat yun eh. Ako dapat yung naglalakad sa isle. Ako dapat yung naiiyak sa saya. Ako dapat yung hinihintay mo sa altar. Ako dapat yung babaeng papakasalan mo. Ako sana yung babaeng makakasama mo habang buhay.

Kung naging matapang lang sana ako. Sana Hindi hanggang sana lang yung pinapangarap Kong ikaw ay pag aari ko.

BesWhere stories live. Discover now