Chapter 5

1.7K 73 3
                                    

Bailley's POV

Madilim ang paligid. Hindi ko na alam kung ano'ng nangyari pagkatapos akong maibenta sa halagang isang bilyon. Ang tanging naaalala ko na lang ay ang paglipat nila sa 'kin sa loob ng isang k'warto.

Kanina pa ako nakatulala at nag-iisip. Para akong sisiw na pinag-aagawan kanina. Gusto ko silang pagmumurahin pero wala akong lakas.

Halos lahat naman kasi ng tubig at at pagkaing binibigay nila sa 'kin ay hindi ko tinatanggap.

Kulong ako sa loob. Hindi ko alam kung ilang araw na ako dito. Hindi ko na mawari kung umaga ba o gabi na. Ni hindi ko nga alam kung nasa Cavite pa ba ako. Baka dinala na nila ako kung saan. Hindi ko alam.

Click

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang familiar na tunog. Hindi nga ako nagkamali dahil sunod n'on ay ang pag-ikot ng sedura ng pinto at ang pagpasok ng isa, dalawa, tatlo at higit pang mga lalaki.

Agad akong napasiksik sa sulok ng silid.

"You're Bailley, right?" saad ng isang lalaki. Tanging silhouette n'ya lang ang nakikita ko dahil patay ang ilaw sa k'warto. "Huwag ka matakot. Kami ang mag-aalis sa 'yo sa lugar na 'to. Binili ka na ni Master kaya wala ka nang dapat ipag-alala."

Kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya. Ano'ng walang dapat ipag-alala? Kung s'ya kaya ang dakipin tapos i-auction sa mga lalaking mukhang pedophiles.

"Huwag mo 'kong hahawakan!" galit na bulyaw ka sa lalaking nagtangkang dumikit sa 'kin. Tinaas naman n'ya ang dalawang kamay n'ya sa ere at lumayo.

Unti-unti kong na-adjust ang paningin ko at saka ko lang nakita ang mga itsura nila. Halos lahat sila ay mga naka-formal attire pero ang lalaking nagsasalita kanina ang mukhang pinaka-leader nila.

"You're in an auction market. I'm sure you heard of dark web?" wika n'ya. Hindi ako umimik kahit narinig ko na nga ang dark web na sinasabi n'ya.

Do'n daw may nagaganap na bentahan ng organs at kung anu-ano pa.

"Mas mapapaliwanag ko ng ayos sa 'yo ang nangyayari ngayon kung sasama ka sa amin," sabi n'ya.

Ano ako tanga?

"Akala n'yo makaliligtas kayo sa ginagawa n'yo? Sigurado akong pinapahanap na ako ng tatay ko ngayon! Pulis ang kapatid ng tatay ko!" malakas na sigaw ko sa kanilang lahat. Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng tapang ngayon pero desperada akong ipagtanggol ang sarili ko.

Mapupunta na ako sa taong bumili sa 'kin oras na sumama ako sa kanila.

"Bailley?"

Nagpanting ang tainga ko nang makarinig ako ng boses ng babae. Lumingon ako sa tabi ko at isa s'ya sa mga kasamahan ng mga lalaking gustong kumuha sa 'kin ngayon.

"Sumama ka na lang. Delikado ang lugar na 'to. Mas safe ka kay Master. Hindi namin masisiguro ang kaligtasan mo kapag iba ang bumili sa 'yo," pangungumbinse n'ya. Hindi ko alam kung dahil ba babae s'ya at pakiramdam ko'y naiintindihan n'ya ako pero kusa na akong sumama sa kanila.

Hindi nila ako hinawakan gaya ng banta ko. Hinayaan lang nila akong maglakad ng sarili ko pero nakapalibot sila sa 'kin.

Nakabuntot ako ro'n sa babaeng kumausap sa 'kin kanina.

Hindi kagaya ng inaasahan ko ay parang hotel ang nilalakaran namin ngayon. Pula ang tiles at mga pader. Ang mga pinto ay kulay ginto at mukhang mamahalin.

Ilang kapwa ko mga nakidnap ang nakasalubong ko. 'Yong iba sa kanila ay panay ang iyak. Hindi ko maiwasang maawa sa kanila. Paano sila? Paano kung masamang tao ang makabili sa kanila?

Akala ko ay lalabas kami ng building pero laking pagtataka ko nang sumakay kami ng elevator at umakyat papunta ng rooftop. Gano'n na lang ang gulat ko nang makakita ako ng chopper sa taas. Tameme akong napatingin sa mga taong mukhang kasama nila.

Dinala ako ng isang babae sa silid at binihisan. Ayoko pa sana pero madaling madali s'ya na animo'y nakasalalay ang buhay n'ya sa pagbibihis sa 'kin.

Isang mukhang mamahaling pink na tuxedo ang sinuot n'ya sa akin.

"P—Pakibukas po ang bibig ninyo," magalang na sabi n'ya. Naiilang kong binuksan ang bibig ko at nanlaki ang mata ko nang bigla s'yang may ini-spray na kung ano sa 'kin. "Sorry po!" kinakabahang sabi n'ya at lumuhod sa harapan ko. Uubo-ubo akong tumingin sa kanya.

Bakit may pagluhod?

"A—Ate, tumayo ka na r'yan. Nagulat lang ako sa pa-mouth spray mo," naiilang na sabi ko at inalalayan s'yang tumayo. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang luha sa mga mata n'ya.

Mukha ba'ng ge-gyerahin ko s'ya dahil lang do'n?

Inalalayan n'ya ako hanggang paglabas. Hindi ko mapaliwanag ang dapat kong maramdaman ngayon. Bakit nila ako tinatrato na parang isang akong napakaimportanteng tao?

Agad akong dumikit do'n sa babaeng binubuntutan ko kanina. Ngayon ko lang nakita nang mas malinaw ang itsura n'ya.

May peklat s'ya sa sentido.

Dumapo ang tingin ko ro'n sa team leader nila. Seryoso lang ang mukha nitong nakatingin sa 'kin.

May itsura si kuya, ah?

Nakukuha ko pa talaga humarot sa ganitong lagay.

"First time mo bang sasakay sa chopper?" tanong n'ong babae. Hindi ko pa rin alam ang pangalan n'ya. Matamis s'yang ngumiti sa 'kin. "You can call me Rose."

Rose? Ayos, ah? Kikay ng name n'ya pero mukha s'yang 'di papahuli ng buhay.

"Actually, first time ko makakita n'yan sa personal. Maliit lang pala 'yan?" bulong ko habang pinagmamasdan ang maangas na sundo ko.

Gaano ba kayaman ang bumili sa 'kin?

Nanlaki ang mata ko nang biglang umikot 'yong tuktok ng helicopter. Jusko! Parang electric fan!

"Wear this," sabi ni Rose at inabot sa 'kin ang isang headset.

"Wow! Sa computer shop lang ako nakakakita nito," nakangiting saad ko. Dinikit ko sa ilong ko 'yong headset. 'Di amoy luga in fairness! "May pa-music ba tayo?"

She chuckled. "Those are noise cancelling headphones. Maingay kasi ang helicopter. Let Gerald know if you need anything else," nakangiting sabi n'ya.

"Gerald?" nagtatakang ulit ko sa pangalang binanggit n'ya.

"Kailangan na nating umalis."

Napatingin ako sa gilid ko. Tumambad sa 'kin ang mukha n'ong team leader nila. Ito 'yong Gerald?

"H—Hindi ka kasama?" nauutal na tanong ko kay Rose. Tipid s'yang ngumiti at tumango.

"You shouldn't make him wait," sagot n'ya.

"Master is not patient."

Sold To The Devil (Devil Series #2)Where stories live. Discover now