Jeepney Love Story

1.4K 48 8
                                    

Bryan's POV

Sumakay ako sa Jeep , pauwi na ako

"Manong bayad po! Sa terminal lang isa" Sabi ko at nag abot ng bayad

May nakatabi akong babaeng Naka Uniform na pang Nurse , Pumikit ito at parang antok na antok na dahil siguro sa pagod nya

Nang umandar na ang jeep ay medyo umuuga kaya kung saan saan bumabaling ang ulo nya , naawa naman ako dahil mukhang pagod na pagod sya

Dahan dahan kong ipinatong ang ulo nya sa balikat ko , hindi naman sya nagising at mahimbing ang tulog at mukhang hindi pa sya bayad , dumukot ako ng pera at nag bayad

Buong byahe ay ganoon ang posisyon namin hanggang sa makarating ng terminal

"Iho! Terminal na!" Sabi ni manong saakin

"Kuya kase" sabi ko at tinuro ang babaeng natutulog sa balikat ko

"Girlpren mo?" Tanong ni manong

"Hindi po" sabi ko at umiling

Tumango lang si manong at dineretso na lang ang pag dadrive , nahiya tuloy ako sa mga pasahero

"SM na SM!" Naalimpungatan ako sa sigaw ni manong , nagising din bigla ang babae sa tabi ko

"Ay kuya sorry nakatulog ako sa balikat mo" sabi nito

"Okay lang" sabi ko at ngumiti

"Hala! Nasa SM na pala!" Bulalas nito at tumingin sa relo , 12 na kase

"Naglunch ka na ba?" Tanong ko

"Hindi pa , ayy shet di pa ako nagbabayad" sabi nito at akmang kukuha ng pera sa bag pero pinigilan ko

"Wag na miss! Bayad ka na , tara? Gusto mong kumain? McDo tayo!! Libre ko" sabi ko at ngumiti

"Sige" sabi nito at ngumiti

Bumaba na kami ng jeep at naglalakad , nakalimutan kong itanong kung anong pangalan nya

"Hhhmm miss anong pangalan mo?" Tanong ko sakanya

"Chelsea" sabi nito at ngumiti

"I'm Bryan" sabi ko

"Salamat Bryan kanina ah , wala kase akong tulog eh pasensya na" Sabi nito

"Wala yun!" Sabi ko

"Teka! Paano ba ako makakabawi sayo? Nakakahiya naman kase!" Sabi nito saakin at ngumiti

Dahan dahan kong hinawakan ang kamay nyo at hinila na sya para maglakad

Holding Hands While Walking

Halata ang gulat sa mga mata nya , napangisi naman ako

"Ganito lang , okay na" Sabi ko at ngumiti

***********************

One Shot Stories Where stories live. Discover now