Salita (oneshot)

4 2 0
                                    

Oh kay galing mong magbitiw ng mga salita

Mga katagang tatagos sa utak, kaluluwa, at puso ng isang tao

Mga katagang kapani-paniwala

Mga katagang, hindi mo maiisip na ginamit pambola lamang

Sobrang galing

Sobrang galing mo sa mga ganyan

Yun bang sasabihin mong...

"Mahal kita, Krystal"

"Seryoso ako sayo, ikaw lamang ang iibigin ko"
  
                             -Julius

Ngunit matapos ang ilang buwan, para bang ang mga pangako mo'y wala nang silbi

Nasaan na ang sinasabi mong mahal mo ko?

Ang sinasabi mong ako lang???

Wala. Tila naglahong parang bula ang lahat-lahat ng mga katagang isinambit mo

Teka, oo nga pala ano? Wala nga palang...

TAYO.

Kaya't bakit pa ko umasa?

Bakit pa ko umasang may kahit katiting ka na pagtingin sakin?

Tama nga, tama nga ng inisip kong hindi ka totoo

Hindi totoong gusto mo ko

Hindi totoong, mahal mo ko

At mas lalong hindi totoong, ako lang

Kaya't ng sinabi mong...

"Patawarin mo ako, Krystal, hindi ko sinasadya, pero totoong ikaw lang ang mahal ko" -Julius

Hindi ako naniwala ng buo

Pinatawad kita, oo ,pero hindi maaalis ng patawad mo ang sakit na naidulot mo saakin

Kung kaya't...

"Tama na, Julius, tigilan na natin ito. Dahil kung talagang, ako lang, hindi ka magkakaroon ng oras na tumingin sa iba" -Krystal

"Sinasabi ko sayo, Krystal, ikaw lang, sinabi ko naman sayo diba? Na kaya kong maghintay hanggang sa mag-debut ka, para pwede na tayo" -Julius

Kaya mong maghintay oo, ngunit totoo nga ba? Parang hindi ko na maisip na totoong ako ang gusto mo. Hindi ko na magawang maniwala sa mga salita mo.

Sorry.

Sorry, sobrang na-trauma na ata ako.

Ilang pangako mo na nga ba ang inasahan kong, matutupad? Parang wala.

"Sorry, Julius, ayoko na talaga, wala na talaga eh. Ayoko na" - Krystal

"Sige, hihintayin ko, hihintayin ko ang panahon na talagang mapapatawad mo na ko, at maniniwala ka na ulit sa mga sinasabi ko, paalam, pansamantala, Krystal, hanggang sa muli" - Julius


Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Mar 24, 2017 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

SalitaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora