Chapter 6:Accidentally Heard

64 3 0
                                    

Chapter 6:(Accidentally Heard)

Sara's Pov

Naglalakad na ako ngayon sa Corridor papunta sa room namin.
Hanggang ngayon kinikilig parin ako sa nangyari kahapon. Tinignan ko yung kamay ko na hinawakan ni Kevin. Yieeee kinikilig talaga ako, hindi ako makaget-over. Bigla akong natigilan sa paglalakad....... bigla akong may naalala.....kaya yung masaya kong mukha bigla nalang lumungkot. Hayyy hindi nga pala ako pwedeng ma -inlove sakanya crush pa pwede pero hindi na pwedeng lumalim yon, hanggang doon nalang yon. Dahil bawal, hayyy. Hindi ko muna masasabi ngayon kung bakit pero soon malalaman nyo rin kung bakit hindi pwede.

Pinagpatuloy ko na ulit yung paglalakad ko papuntang room namin ng bigla nanamang akong matigilan ng mapadaan ako sa music room. Parang may naguusap don pero hindi ko marinig kung ano yong pinaguusapan nila,parang sinasadya nilang hindi lakasan yung boses nila.

Ayokong maging chismosa pero parang inaatake ako ng curiosity ko ngayon. Kaya lumapit ako doon para marinig ko kung ano yung pinag-uusapan nila. Parang pamilyar yung mga boses eh. Nang makalapit na ako, sumilip ako sa nakaawang na pinto. Nakita ko si Philip at si Steven na naguusap sa loob non.Ano kayang pinaguusapan nila? Gustong gusto ko ng umalis doon dahil baka mahuli nila ako pero parang naka magnet yung paa ko doon.

"Steven huwag mo nalang kaya ituloy yung plano mo kay Lannie?"- Philip.

Ano? Anong plano yung pinagsasasabi nya? Plano? Plano kay Lannie?

Dahil don sa narinig ko lalao pa akong nacurious na makinig sa pinaguusapan nila.

"Philip alam mo naman na hindi ko pwedeng itigil yong plano ko, dahil hindi pa sya nakakapagbayad sa ginawa nya sa damit ko."- cold na sabi ni Steven.

"Grabe naman kasi yang plano mo. Simpleng pagtapon lang ng Spaghetti sa damit mo,ganon na agad ang kapalit? Na ginawa mo lang syang P.A mo para mabully sya,baka nga saktan pa sya ng mga studyante dito eh...Bro inosente yung tao. Wag mong hayaang masaktan!!!"- bulyaw ni Philip sakanya.

Sa sinabi nya nayon natigilan ako. Tama ba lahat ng naririnig ko ngayon? Oh nananaginip lang ako?Tama ba lahat ng narinig ko na ginawa lang P.a ni Steven si Lannie para mabully sya? Kinurot ko yung braso ko. Nagbabakasakaling nananaginip lang ako, pero hindi eh totoo eh dahil masakit.

"Hindi naman ako ang mananakit sakanya eh. Well yung mga studyante dito oo pero wala na akong kinalaman don. Desisyon na ng mga studyante dito kung anong gagawin nila sakanya."- Steven.

"Pero alam mo naman na lahat ng nalalapit sayo na babae binubully nila. Tignan mo  nalang ang nangyari kay Brix, binully nila yon dati  diba. Pero pinagtanggol mo lang kaya tumigil sila. Eh si Lannie alam ko namang hindi mo yon ipagtatanggol eh. Alam mo kung bakit? Kasi plano mo nga yon sakanya na mabully sya at masaktan lalo pa't mahirap lang sya at walang syang laban sakanila. Maawa ka naman sa tao."- Philip.

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Grabe si Steven. Kasama nya.

"Bro gusto mo bang magaway pa tayo. Alam  mo kung ayaw mo, pwes ako hindi. Dahil buo na ang desisyon ko. Alam mo namang lahat ng nasimulan ko na. Eh kailangan ko ring tapusin,kaya hindi mo na ako  mapipigilan."- walang emosyon parin na sabi ni Steven.

Kailangan ko nang patigilin sa pagiging P.A si Lannie ngayon. Bago pa malaman ng ibang studyante dito. Hindi nya kakayanin at ng katawan nya sa oras na saktan na sya ng mga studyante dito.

Umalis na ako sa lugar nayon at tumakbo na papuntang room. Buti nalang at hindi pa ako late. Pagdating ko doon umupo na agad ako sa upuan ko.

"Best saan ka galing? Muntik ka ng malate. Buti nalang at malayo ang faculty nila ma'am dito."- Tanong ni Lannie.

The Poorita Girl Turns Into A Richest Bitch(Ongoing)Where stories live. Discover now