FS 6

1 0 0
                                    

Autumn's POV


"Hindi ko inaasahang makita ka dito Autumn" 


"Hindi ko din inaasahan na babalik pa ako dito" Sagot ko




"Paano?"




"Minsan ng sinabi ni Ina ang halamang aster na lagi niyang inaalagan ang reflection ng kanyang pagkatao at unti-unting nawawalan ng sigla ang aster at kinabahan ako kaya ako naparito"  Pagdepensa ko




"Hindi ka na dapat pumunta dito mashadong delikado para sayo ito Autumn"


"Mas mahalaga si Ina kaya ako nandito at nag-iingat naman ako"Ako




Niyakap ako ni Ama "Nandito ka na din naman at palagay ko'y kailangan mo na din silang makilala"


Huh? May nakalimutan ba akong tao? Sa pagkakatanda ko kilala ko naman hanggang ngayon ang mga taong nakilala ko dati sa pagpalit palit namin ng lugar 




Bumalik kami sa kwarto ni Ina kung nasan silang lahat


Alec's POV


Anong meron kay Autumn at Uncle? Bakit sila magkakilala? Bakit Ama't Ina ang tawag niya kina Uncle? ni wala man din silang anak


"May alam ka ba insan?" Bulong ni Sapphire




"Insan naman? kukunut ba tong noo ko kung may alam ako dba hindi? Hintayin na lang natin" Ako


Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang nag-aalalang mukha ni Uncle at maiyak iyak na mukha ni Autumn papunta kay Tiya


"ija" sabi ni tiya at umupo kahit halatang nahihirapan ito.


"Kamusta po kayo?  tanong ni Autumn sabay upo sa harap ni Tiya.




Bigla akong kinalabit ni Sapphire at tumingin kay Uncle na nagyayang lumabas muna at hayaan silang makapag-usap ni Tiya




"Mukhang hindi na ako pinagbigyan ng tandahang itago pa ito sa inyo" Panimula ni uncle . Mas Lalong kumunot ang noo ni Sapphire habang ako naman ay nakatingin parin kay Uncle at naghihintay ng susunod sa sasabihin.




"Uncle..." Sapphire na parang maiiyak na 




"Kahit kailan talaga sapphire binabasa mo ang utak ko" biglang tumingin si Uncle sa akin at huminga ng malalim


 "Siya si Au....."




"Rabooooooooooooo" Sigaw ni Gng. Rosas 




Tumakbo kami papunta sa kwarto ni Tiya




"Autumn" Sigaw ni Uncle papunta kay Autumn.




"Anong nangyare?" Tanong ko kay Gng. Rosas habang si Sapphire ay nasa gilid at umiiyak na. May alam na siya ...




"Biglang sumakit ang ulo ni Autumn habang pinapatulog si Rabi kumuha ako ng tubig at pagbalik ko nakahiga na siya sa sahig" pagpapaliwanag ni Gng. Rosas at binuhat ko si Autumn at pumunta sa kwarto ko para makapagpahinga.




Iniwan ko siya sa kwarto habang inaalagan siya ni Gng. Rosas at kami namang tatlo ni Uncle at Sapphire naiwan sa sala




"Paano?" biglang tanong ni Sapphire kay Uncle na siyang kinagulat ko kaya napatingin na lang ako kay Uncle


"Bago mawalan ng malay ang matalik kong kaibigan kanyang binilin sa akin si Autumn na alagaan ito at itago ang kanyang pagkatao"




"Ibig sabihin..." Hindi ko naituloy ang aking sasabihin ng biglang dinugtungan ni Sapphire na ngayon ay nagpupunas na ng luha




"Siya nga Alec.... Siya si Fall"





Fall




Fall 






Fall 




----Flashback---


"Fall ano ba bumaba ka dito mukha kang unggoy baka mahulog ka diyan" Ako


"Neknek mo cela gusto mo lang akong awayin............. Blueeeeee inaaaway ako ng neknek mong pinsan huhuhu" Pagsusumbong ni Fall kay Blue


"Hoy Alec manahimik ka nga dyan inaaway mo na naman si Fall"




"Hindi kaya ano kaba naman insan"




Biglang nahulog si Fall sa puno na siyang ikagulat namin ni Blue at tinawanan ko muna siya habang tinulungan siya ni Blue na tumayo. Nagulat nalang ako na hinabol niya ako hanggang sa nahuli niya ako at nagpiggy ride sa likod ko




"Edi kayo na sweet neknek niyong dalwa away away tapos magbabati ewan ko sa inyo gisingin niyo na lang ako mamaya" sabi ni blue at nahiga sa ilalim ng puno at natulog




----End of Flashback--- 


"Insan nakikinig ka ba ?" Tanong ni Sapphire




"Bat niyo siya nilayo sa amin ni hindi niyo malang sinabi samin kung nasan siya at bakit niyo sinabing wala na siya na patay na?" 









From StrangersWhere stories live. Discover now