Chapter 1

9 3 0
                                    

#DFFTKBTheStart

Ako si Hcirene. Pagbinasa mo "Seyrin" silent H. Oo, arte ng pangalan ko noh? But that was my mother want. Ordinaryo lang ako, at ang buhay ko.

Mahirap lang kami.

Pero eto kinaya ko, isa akong scholar at third year college nako sa course kong Architecture. Konti nalang gagraduate  nako, malapit ng matupad yung mga pangarap ko, pangarap ko para samin nila Kuya at Mame. Naawa na kasi ako kay Mame e, mag isa nya lang kaming binubuhay ni kuya Lucas. Dati maayos naman talaga kami, mayaman kami but my Dad left us para sa babae nya at simula nun naghirap na kami, naghirap na si Mame.

"Pst! Hcirene!" naputol yung pagmumuni-muni ko ng biglang may bulong sakin mula sa likod ko, si Isaiah pala.

Tumalikod ako, "what?" I mounted.

Si Isaiah nga pala, kababata ko yan kaya close kami. Alam nyan halos lahat-lahat sakin, paepal yan sa buhay ko e HAHAHAHAHA dejoke.
Crush ko sya, sshhhhh! dati pa.
Grade 2 palang ata kami nun, nung bigla akong nadapa dahil tumakbo ako ng tumakbo tapos yun nagkasugat akong dumudugo, agad nya kong nilapitan tapos tinatanong kung ok lang daw ako at inalalayan nya ko papuntang clinic nun, tandang-tanda ko pa yung mga mata nya na punong-puno ng pagaalala.
Kung imaginin mo, sobrang cute namin.

The End.

HAHAHAHAHA JOKING!!!

"Tara kain tayo, nagugutom nako. Di ako mag-breakfast e." Bulong nya.

"Tss. Di pwede may klase pa tayo e. Mamaya nalang" bulong ko din.

"Pllleeaseee? Mag ditch tayo."

"Sira kaba? Gusto mo bang mapatay ako ni Mother earth kapag nalaman nya?" pagsita sa kanya.

Nag-pout lang sya. Ayyy sooo cuttiee! wag kang gumanyannnnnn, kinikilig ako.

Humarap ulit ako para tignan yung teacher namin na nagdi-discuss.
Tahimik ang lahat ng biglang....

"Ouuuucccchhhh!!! Di ko na kaya!!" Sigay ni Isaiah. Napatingin ang buong klase sa kanya, at lahat kami nagulat at alalang-alala.

"Mr. Stevenson!? Whats wrong!?" Agad namang pumunta yung teacher namin sa kanya.

"Ma'am, ansakit po ng ulo ko I think I need to drink my medicine." saan nya. Awww bakit kaya? anong nangyayari?

"Oh. Uhm, Ms. Gomez can you escort Mr. Stevenson to the clinic?" tarantang sabi ni ma'am.

Pero teka, ako? Luh? Ba't ako?

"E ma'a---" pinutol ni Isaiah yung sinasabi ko nang bigla syang sumigaw.

"Aawww! I can't take it anymore." sabi nya.

"Now, ms. Gomez!" sabi ni ma'am.

Aish, lumabas na kami ng room ni Joshua at bago pa kami makarating sa Clinic bigla syang nagsalita.

"Tara na, nagugutom na ko."

Wait whaaaaatt?

"Akala ko ba may masakit sayo?" Pagtataka ko.

"Pft. Galing ko ba? Pang Oscars naba acting ko?" Natatawa nyang sabi.

Nakooooo ka Isaiah! Pinakakaba moko.

"Aiisshh! Kala ko naman kung ano na nangyari sayo! pinakaba moko dun" Sabi ko.

Tumigil sya sa kakatawa at bigla nya kong inakbayan, at sinabing...

"Sorry na, ayaw mo kasi akong samahan e. Kayyaa wag ka ng mainis! Mas lalo kang pumapangit nyan." tumawa sya ulit.

I was stunned, kase inakbayan nya ko......Ang OA ko ba? Bakit ba, basta na stunned ako.

Pagkatapos namin kumain ay iniwan na ko ni Isaiah, pupuntahan nya daw si Demi. Si Demi, yung nililigawan nya. Dapat ako nalang e, pero ano ba naman ang laban ko dun, sexy, maganda, famous, muse ng HRM. Hay, e ako? Lampa, panget, ordinaryo lang.

Naglalakad ako papunta sa next class ko ng may narinig akong babaeng parang umiiyak galing sa isang room... dahil umandar nanaman ang curiosity ko, sinundan ko yung iyak... oh-em...

"Zaven, i'll do everything.. please? Just let me be your girlfriend..." sabi nung babae

"Can you do everything?" Sabi nung lalaki

Di ko sila makita kaya di ko akam yung itsura ng mukha nila. pero parang kilala ko yung boses nung babae.

"Yes! Everything, a-anything..."

"Then, GO AWAY FROM ME! BECAUSE I DON'T WANT TO SEE YOUR FACE AGAIN! NOW!" Sigaw nung lalaki, napaka sama naman ng ugali nito

"B-but zave--"

"LEAVE NOW!!" Sigaw pa nung lalaki

Naramdaman ko na nagtatakbo yung babae.. ba't parang.. si.. SI DEMI YUN! pe-pero bakit parang may something sakanila nung lalaki? Aish.
Sumilip ulit ako dun sa may room pero wala ng tao, nasan kaya yung lalak--

"AY! KAMOTE-Q NI JUAN NA NAHULOG!" gulat ko

"Adahdnksgdhjkhahsbsk" a-ano daw? Oh-no, yu-yung lalaki kanina.

Papalapit sya sakin, unti-unti akong umaatras.. yung mga mata nya sobrang lamig, ohmy dead end.

Palapit ng palapit yung mukha nya sakin. ANO KAYA GAGAWIN NG LALAKING TO! MAMEE! HELP! LORD AYOKO PA PONG MAMATAY!
napapikit ako sa sobrang takot, nilapit nya yung bibig nya sa tenga ko at bumulong.

"Mind your own business." Bulong niya

Don't fall for that Korean BastardWhere stories live. Discover now