Masarap Ang Bawal (One Shot)

80.8K 448 118
                                    

Masarap daw ang Bawal??

Nakakain pala yun no? Ngayon ko lang kasi nalaman.

Sa loob ng tatlong araw, ang dami kong nagawang bawal at sa loob ng tatlong maikling araw na iyon ay minahal ko siya kahit BAWAL.

=============

Habang naglalakad ako pauwi galing sa pagbabasketball ay may nakita akong 4 na babae na inaaway ang isang babae. Kung iisipin niyo lamang ang apat pero hindi ata uso sa babaeng iyon ang salitang Matalo. Sige pa din siya sa pakikipagsabunutan. Pero dahil concerned citizen ako kaya naman tinulungan ko na siya.

“Hoy! Itigil nyo yan” sigaw ko at sabay nilang tingin sa akin. Tapos ako naman ay lumapit. “ano yang ginagawa nyo? Apat laban sa isa? Umalis na nga kayo diyan.” Sabay naman silang nagtakbuhan. Mga duwag. Tapos tutulungan ko nasanasiya sa pagtayo ng bigla ng kabigin ang kamay ko.

“sino nagsabi sayong kailangan ko ng tulong?”

“ikaw na nga itong tinulungan, ikaw pa itong galit” mahinahon kong sabi.

“tsh! Pakealamero much.” Sabay niyang walk out at diretso siyang sumakay sa Motor nya. Oo may motor ang babaeng iyon.

“oh, tinutunganga mo diyan? Sabay ka nga nga! Pasalamat ko kahit hinditaossa puso.” Grabe din tong babaeng ito. Kailangan talaga sabihin na hinditaossa puso niya?

“kung hindi rin naman taos sa puso mo, wag mo na lang akong isabay. Kaya kong maglakad“

“ang dami mo pang arte. Sumakay ka na nga, ayoko magkaroon ng utang na loob kahit kanino.“

“nasaan ang helmet? Hindi bat bawal magdrive ng motor pag walang helmet?“ kasi naman wala siyang suot na helmet eh.

“para sa mga tanga lang ang helmet. Sakay!“

At parang may sariling utak ang paa ko at sumakay na lang ako ng bigla.Gayanga ng inaasahan ko, mabilis siyang magpatakbo.

“huy! San mko dadalhin?”

“saan ka pumupunta pag nagugutom ka?” imbis na sagutin niya yung tanong ko e nagtanong din sya ulit.

“sa kainan?”

“exactly!” kaya samahan mo ako, nagutom din ako sa pakikipag away sa mga iyon eh.”

Hindi na ulit ako umimik pagkatapos.

And to my surprise, hindi lang basta restaurant ang pinuntahan namin kung hindi sa isang restobar. Minor pa ako at alam ko pati siya pero bakit dito kami pumunta?

“bakit dito?” tanong ko sa kanya.

“kase dito ko gusto”

“pero nakikita mo ba yang nakasulat dyan? 18belows are not allowed. Ilang taon ka na ba?”

“16”

“oh kitams, pareho lang tayong 16,tarasa iba na lang tayo kumain.”

“ako ng bahala dun, tara na nga ang dami mong satsat eh.” Tapos ayun kinaladkad na nya ako papasok. Nung tinanong siya nung nagbabantay ang sagot niya ay 19 na daw sya tapos kinindatan nya pa yung nagbabantay kaya wala kaming kahirap hirap na nakapasok. Ibang klaseng babae.

==========

Masarap ang bawal, yun ang sabi Niya. Pero halos 2 oras ko siyang kasama pero hindi ko nakuha ang pangalan niya. Ang tanga ko talaga.!!! E sa nakalimutan ko eh. Nakahiga na ako ngayon at naisip ko lang na ngayon palang ako pumasok sa isang lugar na hindi pwede ang mga Minor at isa pa, ngayon lang ako umangkas sa isang babae ng hindi naka helmet. kung ganon, tanga ako kase naghehelmet ako???

Masarap Ang Bawal (One Shot)Where stories live. Discover now