Undying Love: Chapter Fourteen

6.2K 171 12
                                    


"Iho.", gulat na sabi ni MariDel ng mabungaran niya si Shinrei sa labas ng kanilang bahay kinabukasan.

"G-good morning po tita", pilit na ngiting bati ni Shinrei sa ginang. "Gising na po ba si Zoey?"

"Uhm oo...kaso iho", alinlangang sabi ni MariDel.

"Mom...what's taking you so long? Breakfast is waiting!", sigaw ni Zoey sa loob.

"Zoey iha...may bisita ka.", saad ni MariDel sa anak.

Hindi agad nakasagot si Zoey pero lumapit na din siya sa pinto upang tignan kung sino.

"Ikaw na naman?!", salubong ang kilay na sambit ni Zoey ng makita ang binata.

"Iha...", banayad na sita naman ni Maridel.

"Pwede ba tayong mag-usap?", pakiusap ni Shinrei kay Zoey.

"No! Wala na tayong pag-uusapan pa. Kaya makakaalis ka na.", galit na sabi ni Zoey.

"Please...give me one more chance babe...",sumamo ni Shinrei.

"Babe mo mukha mo. Tigilan mo na ako Shinrei!", saka binirahan ng talikod ang binata at umalis.

"Pasensya ka na iho.", hinging paumanhin naman ni MariDel sa binata.

Napayuko si Shinrei saka bumuntong hininga. "Ok lang po tita. Pasensya rin po."

.....

Araw-araw sa loob ng isang linggo ay laging parang bodyguard ni Zoey si Shinrei. Laging nakabuntot ito saan man magpunta ang dalaga. Kahit ipagtabuyan siya ng dalaga ay parang wala siyang naririnig at tuloy lang siya sa ginagawa na lalong ikinabwiset naman ni Zoey sa kanya.

"Tigilan mo na ngang kakabuntot sa akin!", paangil na sita ni Zoey kay Shinrei habang naglalakad papasok ng university ang dalaga.

"I will never get tired of wooing you babe. Until you've got no choice but to love me again.", Shinrei determinedly said.

"Huh! Well, sorry to tell you this Mr. Fortalejo, there's no more chances between us. Not even a fat chance! So leave me in peace will you?", masungit na irap ni Zoey at mas lalo pang binilisan ang paglalakad.

Napatigil naman sa paglalakad si Shinrei at napatitig sa naglalakad palayong dalaga.

Napahawak siya sa kanyang dibdib ng maramdaman ang pagkirot at bahagyang pangangapos ng hininga.

Agad siyang lumapit sa bench at umupo habang sapu-sapo pa rin ang dibdib. Maluha-luha na rin siya sa kakasagap ng hangin.

Nang sulyapan niya si Zoey ay malayo na ito sa kanya at hindi man lang namalayang hindi na siya nakasunod.

Ramdam ni Shinrei ang pagod sa kakasunod sa dalaga na alam naman niyang hindi nito hiningi sa kanya pero ginagawa niya pa rin, ng puyat dahil sa gabi-gabing hindi siya makatulog kakaisip sa dalaga at sa kung paano niya ito mapapalambot at gutom dahil hindi na rin siya nakakakain ng maayos. Idagdag pa ang alak na siyang karamay niya gabi-gabi.

"Est-ce que tu vas bien? (Are you okay, Mister?)", tanong ng lumapit na dalaga sa kanya.

Shinrei didn't get the chance to answer for he was already passing out but he unconsciously whispered Zoey's name before he losses consciousness.

......

Shinrei woke up in an unfamiliar room but when he cast his visions around, he recognizes that he's in the hospital. He's still suffering from diffuculty of breathing though feeling better now. He decided to get up when the door opened then a nurse and a young lady came in.

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon