Chapter 6 - Bratinella's Saturdate

8 1 0
                                    


"Hindi mo parin ba ko napapatawad?"

That jerk. Jusko naman. Pano mo papatawarin ang taong hindi naman talaga humingi ng tawad? Well mali pala. Humingi naman pala siya ng tawad. Pero hindi enough ang mga sorry niya para patawarin ko siya at kalimutan ang lahat ng ginawa niya. 

Nasa matinong pag-iisip pa naman ako at hindi ko parin kayang kalimutan ang ginawa sakin ng lalaking yon. I'm not that stupid. Hindi niya rin naman ako masisisi eh. Siya ang gumawa ng bagay na ikagagalit ko sa kanya, hindi ako.

Bakit pa kaya siya bumalik no? What for? Para guluhin ako? Para makipag-ayos? The hell I care. Ano nga bang pakialam ko sa lalaking yun.


"Anak, are you okay?" My mom worriedly asked me.

"Yes ma. May naisip lang po ako."

"Ano ba yun? Share mo naman sakin baka makatulong ako." She said smiling.

"Wala mom. It's nothing. Don't worry about it." I assured her.

Halos patapos na kami kumain ni mommy pero parang wala parin ako sa mood. Ang dami na rin naming napag-usapan pero may isang bagay parin akong hindi naikwento sa kanya. I don't know why I don't have the guts to tell her that we've seen each other again. Alam ko namang hindi magagalit si mommy pag sinabi ko yun sa kanya at maiintidihan niya ako pero ewan ko ba. I'm still doubting if I'm going to tell her or not.

Bahala na nga. I'm going to forget that jerk for a while and enjoy this Saturdate with my mom.


"So what do you want to watch anak, horror or this one?"

"Alam mo na yun mom." I said to her.

She pouts like a little kid. "Horror na naman? Di ka pa ba nagsasawa? Alam mo namang ayoko niyan eh."

"Please mom. You know how much I love horror movies diba?"

"Hay okay fine. Sige na nga." She answered in a constrained tone.

Sabi ko na nga ba at di ako matitiis ni mommy eh. Nakakatawa kasi pinilit niya na namang manuod ng horror movie kahit mas gusto niyang panuorin yung movie ng sikat na sikat na love team ngayon. Pano ba naman kasi, alam niyang matutulog lang ako pag yun ang pinanuod namin. No choice tuloy siya na manuod ng horror movie kahit ayaw niya kaya halos pumikit nalang siya hanggang matapos yung palabas.

Si mommy talaga. No wonder why I love her so much.

Sana hindi na matapos tong araw na to. Kung pwede lang sanang maging weekend nalang palagi eh. Hayy. I don't want to go to work anymore. I don't want to see him ever again. 

Makapagresign na nga kaya? Hmm.

The Missing PieceWhere stories live. Discover now