Chapter 1x

7.8K 119 13
                                    

-1-

Kakadating ko lang sa school at kakatapos ko lang rin makipagsiksikan sa mga estudyante sa may lobby para tingnan ang sections nila.

Marami akong nakitang familiar faces. Mga naging classmates ko before at mga lowerclassmen na madalas kong makita kaya naman kilala ko na ang mukha.

I checked my watch. 7:20. It read. May ten minutes pa before bell kaya naman naglakad muna ako sa campus. This is Paran University. Eto yung school na mababasa mo sa mga libro. Elite school kasi ang Parang. Tall gates, high level security, state of the art facilities and all.

Since kindergarten pa ako nag-aaral dito sa Paran, but I can't help but still be mesmerized by the school's beauty. Every two years kasi, nagpapa-landscape ang school. Puno ng flowers at trees ang buong school, Nature lover kasi si Sir Gregorio Paran. Ang founder ng school. Six years na siyang patay pero ipinagpatuloy pa rin ng mga anak niya ang landscaping in memory of their father.

I heard the bell ring. Binagalan kong maglakad dahil ayokong makipagsiksikan sa mga estudyante. Nakarating ako sa classroom just in time for the second bell. Since occupied na ang mga upuan sa harap, sa last row na lang ako umupo. Nilagay ko ang bag ko sa ilalim ng desk.

A few minutes later, pumasok ang isang matangkad na lalaki. He had jet black hair, tan skin and dreamy eyes. I can't help but gape. Eto yung perfect example ng isang lalaking tall, dark and handsome.

"Good morning, class. I'm Adrian Sandoval, and I'll be your Adviser, and also your English teacher. I am a fresh graduate from Ateneo, and this will be my first time teaching. Kaya sana, magkasundo tayong lahat."

Maraming nagtanong kay Sir ng kung anu-anong tanong. Natawa na lang ako nung namula siya dahil may sumigaw ng, 'Sir, virgin ka pa?'

Natigil ang Q and A nang may kumatok sa pinto. Standing there is a tall guy with brown hair. He had fair skin and sharp nose, pink lips and cute eyes. Para siyang kinuha sa isang Koreanovela at nilagay sa pinto ng klase namin.

Bigla na lang nabasag ang pagsamba ko sa itsura niya ng tumili ang kaklase ko.

I saw him smirk. Naglakad siya papunta kay Sir Sandoval at binigay ang papel na hawak niya. Our teacher nodded and smiled. "Mukhang may addition pa sa klase natin. Mr. Ramos, why don't you pick any of the vacant desks first?"

The cute guy nodded and started to walk. He walked... And walked... And then he stopped. He stopped beside me!

"Let me discuss first the school rules and then let me know all of you by introducing yourselves, 'Kay?" The class chorused a 'yes'. Habang nag di-discuss si Sir, a lot of my classmates, (mostly girls) kept on stealing glances sa katabi ko. Curious, I glanced at his side. Nakaupo siya sa upuan niya clearly bored. Yun nga lang, he kind of looked more like a magazine cutout than a bored student.

"So, let's go to the introductions. You first." He pointed at the last girl na nakaupo sa first row at his left side. "Please tell us your name, age and a fact about you."

Tumayo ako nung turn ko na. "Hi everyone, I'm Sharmaine Jung, 15 years old. I am Half Korean and I like cooking."

Narinig ko ang upuan ng katabi ko na tumunog. "I'm Francis Ramos. I'm 16. I'm an artist and I like drag racing."

"Kaya pala familiar ka. Ikaw pala yung nasa poster sa kwarto ng kapatid ko." Tumawa si Sir kasama ang buong klase. "Now, for your seating arrangement..."

Maraming naginsist na sana sit with your friends na lang.

"Fine fine. Pero once na maingay kayo sa klase, hindi ako magda-dalawang isip na i-shuffle ang seating arrangements niyo." The class nodded.

Ang Seatmate Kong Artista [EDITING ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon