2

22 0 0
                                    

Vice and Karylle, as well as Vice's friends went to the club. Siyempre, nagkaniya-kaniya na sila sa pag awra. Naiwan na lang ang dalawa sa kanilang kinauupuan.

Nakaka-ilang inom na si Vice at napapansin naman 'yun ni Karylle. "Karylle inom pa! Ang KJ mo naman eh. Tignan mo nga 'ko oh!" Sigaw ni Vice.

"Hey Vice. You should stop drinking na. Lasing ka na oh." Pag-aalalang sabi ni Karylle.

"No, I'm still good K. Sinong lasing? Baka ikaw ang lasing ano! Du'n ka nga." Tinangging sabi ni Vice.

"Halata ka na uy. May problema kayo ng boyfriend mo, 'no?"

"Luh K, wala kaya. Okay na okay kami 'no. Kahit nahuli ko siyang may katawagang babae kanina. Okay pa rin to!" Nagsimula ng tumulo ang luha ni Vice.

"Vice... Bakit kasi hindi mo na lang hiwalayan 'yang boyfriend mo? You know that he's a basketball player, right? You should know na habulin 'yun ng mga babae." Hindi na napigilan ni Karylle ang pagkaawa sa kaibigan. Hindi na niya maintindihan kung bakit ba sobrang tanga ni Vice sa pag-ibig para hayaan na lang na mangyari 'yun.

"K naman. Eh sinong sasalo sa'kin 'pag nagbreak kami, ikaw?! Alam mo namang mahal na mahal ko 'yung gagong 'yun eh. Magtatatlong taon na kami sanay na sanay na 'ko du'n." And Vice drank another glass of alcohol.

"Bakit ba hindi mo kayang iwan? Layuan mo ng paunti-unti."

"Paano ko lalayuan eh kusang bumabalik? Tsaka mabait naman 'yun. Bata pa kasi kaya naghahanap din ng pepe."

Natawa naman si Karylle. "Uy Vice ang bastos mo. Or baka naman mabait lang pag kailangan ng panggastos."

"Uy K, hindi naman! Promise mabait 'yun."

"Sige na sabi mo, eh."

"Oh ikaw naman? Kamusta naman kayo ni Yael? Matangkad na ba? Chos."

Karylle just sighed and napansin naman ni Vice na parang may problema nga ito.

"Uy girl ayos ka lang ba? May problema din kayo 'nu? 'Yung tataa?"

"Oo, eh." Nagsimula na ring umiyak si Karylle.

Mukha na silang tanga kakaiyak dahil they were supposed to enjoy there, hindi para magdrama.

"Ano 'yun? Kwento naman diyan!"

"Napakaseloso kasi ni Yael. He was really annoying these past few days. Ewan ko na nga du'n eh."

"Kanino naman? Ang arte arte naman nu'n! Daig pa ang bakla eh."

"Sa'yo."

Vice was so shocked of what he has heard. "Ako? Gago uy." Natatawa na lang na sinabi ni Vice, pero deep inside kinabahan siya.

"See. You asked me tapos hindi ka maniniwala? Seryoso kasi." Naiinis na sabi ni Karylle.

"Seryoso ka nga? Nako Karylle, ha. 'Wag mo 'kong echosin. Sabagay, kahit kami rin ni Terrence ikaw din minsan napagaawayan nami- ay shet!" Nabigla si Vice sa lumabas sa kaniyang bibig. Ilang beses na rin nagselos ang kaniyang nobyo kay Karylle, hindi niya lang sinasabi.

"Seriously?" Pagtataka ni Karylle.

"Wala 'yun! Tara sayaw na lang tayo du'n oh! Party party na ang lungkot natin eh." 'Yun na lang ang sinabi ni Vice para makaiwas.

"Sige."

They danced and drink hanggang madaling araw. Nalasing at napagod na ang dalawa at bumalik na sa kanilang pwesto.

Hinawakan ni Vice ang mukha ni Karylle dahil sa pagkalasing at hindi na rin niya namamalayan mga ginagawa niya. "Karylle, ang ganda mo pala talaga." Tila nabighani naman siya sa ganda nito.

"Uy first time mo sinabi 'yan ha. Thank you. Ikaw din pogi mo! Hahaha!" Natawa na lamang si Karylle.

"Kiss mo nga 'ko?" Sabay pout ni Vice.

Bigla namang hinawakan ni Karylle ang shirt ni Vice at hinila ito papalapit sa mukha niya. Nagiging wild talaga ito pag nalalasing.

"Are you sure?" Pabulong na sabi ni Karylle.

"Ah, eh-"

Nanlaki ang mga mata ni Vice nang bigla siyang halikan nito. Tumagal din ng limang segundo ang pagkakalapat ng mga labi nila.

"Yuck!" Nadiri si Vice at bigla itong napasuka. And then, he passed out.

Natawa na lang si Karylle at tinawag si Buern at Archie para buhatin at isakay sa sasakyan si Vice para ipauwi na. Siya naman ay nasuka rin at nagpatawag na ng kaniyang driver.

//Second update. Sana magustuhan niyo lol//

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Where It Started (ViceRylle)Where stories live. Discover now