Chapter 24

10.3K 236 4
                                    


Michael


Hindi ko magawang pagmasdan ang mukha ni Dette na hindi ako maluluha. Medyo humupa na ang pamamaga nito pero yung putok ng labi niya ay ganun pa din. Hindi ko lubos maisip na kailangan niyang maranasan ang ganito para lang manindigan sa aming pagmamahalan. Na hindi siya magpapakasal sa iba. Ni hindi naman niya alam na buntis siya para piliin niya talaga ako. Pero ginawa niya at ngayon ay sobrang hirap ang naranasan niya.





"Dette.. I love you"






Halos mahina lang ang pagkakasabi ko. Parang sobrang iiyak ako pag nagsalita ako ng malakas. Yung emosyon simula ng makita ko ang mukha niya kanina ay hindi pa din humuhupa. Nagagalit ako na nag aalala na nasasaktan na hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Buti ayos si baby. Sinugarado yun ng Doctor kanina. Hindi naman daw siguro naitulak si Dette kaya hindi nadamay ang bata.









"Anak.. magpahinga ka na muna.. kami na muna ang magbabantay"






Boses yun ni Mommy. Hindi na din nila ako iniwan simula kanina. Gusto ko sana na sa Manila dalhin si Dette para tuluyang ilayo sa lugar na ito pero tumutol ang magulang niya. Kailangan daw munang malapatan ng unang lunas si Dette. Pag may go signal na daw ang Doctor pwede na nilang ilipat si Dette.







"Ok na ako Mommy. Kayo na lang muna ni Daddy ang matulog. Gusto ko na ako ang makita ni Dette pag gising niya."






"Gisingin mo na lang ako pag may kailangan ka." Nilapitan nito si Dette at marahang hinaplos ang tiyan nito. "Excited na ako sa apo ko. Pakasalan mo siya agad anak huh"







"Kung pwede nga lang na ngayon na agad Mommy" Tumayo ako para yakapin ang aking ina. Masaya ako na sila ang magulang ko. Ni hindi sila nag dalawang isip na sumama sa akin ng sinabi ko na mamanhikan kami. Ni hindi na sila nakapagtanong kung sino ba yung maswerteng babae na papakasalan ko. Ni wala daw akong pinapakilala sa kanila. Pero sumama lang sila sa akin. At kanina halos maiyak din sila na malaman na magkaka apo na sila. "Thank You Mommy. I love you"






"Mahal din kita anak. Matanda na nga ang panganay ko. Bibigyan na ako ng apo."






Ngumiti lang ako. At hinatid ko sila sa silid na nasa loob ng hospital room ni Dette. Hindi naman sa ganitong paraan din gusto kong ipakilala si Dette. Ni hindi nila masilayan ang tunay na kagandahan nito dahil sa tinamong pananakit nito. Picture lang ni Dette ang pinakita ko sa kanila kanina. Ang galing ko daw pumili ng mamahalin. Napaka simpleng babae pero yung ganda daw ay hindi maitatago. Kakaibang ganda daw na hindi agad makikita sa ibang babae. Sobrang bagay daw kami sa isa't isa. At siguro daw magiging napakagwapo/napakaganda ng kanilang magiging apo.








"Baby.." Haplos haplos ko ang tiyan niya. Halos ilang oras na siyang tulog. "May baby ka na. Akalain mo yun? Sabagay hindi naman talaga ako gumagamit ng protection. Bakit ako gagamit? Hindi naman ako natatakot na mabuntis ka. Hindi ako natatakot na matali sayo. Matatanggap mo naman yun di ba? Na malaman na buntis ka? Hindi ka kasi masyadong nag react kanina ng sinabi ko. O masyadong masakit lang talaga ang pinag daanan mo kaya hindi mo na nagawang magreact pa"






Ng mahimatay si Dette nung isang araw. Nalaman ko na buntis siya. Sinabi ko sa kapatid niya na huwag mo ng ipapaalam kay Dette ang bagay na yun. Simula noon lagi na niyang kausap si Bryan. Binabalita ang mga nangyayari sa pamilya nila. Kaya alam ko yung sa pamamanhikan ng mga Villarama. Kaya bago ako pumunta sa bahay nina Dette nagawan ko na ng paraan ang sa mga negosyo ng mga ito kung sakaling mamimilit ang mga ito na pakasalan ng anak nilang si James si Dette. Anong laban si James sa akin? Si James lang siya. Si Michael ako. Kahit sa NBA walang panama ang pangalan niya sa Michael. Kaya kasama ko na agad si Mommy at Daddy para diretsong mamamanhikan kami. Pero tama nga si Bryan, masama ang ugali ng ama nito. Kaya daw halos limang taon na hindi nagparamdam si Dette sa kanila dahil sa ugali ng kanyang ama. Nagpanic lang daw si Bryan kaya natawagan niya si Dette na pinagsisihan nito kasi nagkaroon ang Daddy niya na dominahin si Dette na ipakasal sa iba. Kaya tinulungan niya ako para hindi matuloy yun. Mas gusto daw niya na maging masaya ang ate niya. Pero iba ang nangyari. Akala ko matatapos ang gabi na makakapamanhikan kami ng maayos. Hindi ko magawang isipin kung ilang beses siyang sinampal ng ama nito para maging ganito ang mukha niya. Kaya hindi ako nagdalawang isip na ilayo siya. Wala akong pakialam kung maghabol pa ito, basta hindi niya hahayaan na makalapit ulit ito kay Dette.








"Michael.."





Nagulat ako ng biglang magsalit si Dette. Abala kasi siya sa paghaplos ng tiyan nito.








"Mahal anong masakit sayo? Nauuhaw ka ba? Teka tatawag ako ng nurse" Halos sunod sunod ang tanong ko. Nangingilid din ang mata ko. Akmang tatayo ako para tumawag ng nurse ng hinawakan niya ako para pigilan.







"Dito ka lang.."







Mahinang sabi nito. Hinawakan ko ang kamay nito. Gusto ko siyang halikan sa labi para iparamdam ang nag uumapaw na pagmamahal ko sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi dahil nandidiri ako sa sugat niya kundi dahil baka masaktan ko siya sa gagawin kong paghalik.





Nagpaalalay ito sa pag upo. Ng maayos itong makaupo ay niyakap ko siya ng mahigpit. Niyakap ng matagal. Hindi ko na pinigilan nag pagpatak ng luha ko. Mahal na mahal ko siya. Hindi ako mahihiyang ipakita ang pag iyak ko dahil yun ang nararamdaman ko. Mas lamang ang pagmamahal ko sa kanya kesa sa pride ko bilang lalaki. Kahit lumuha ako ng dugo maparamdam ko lang na mahal na mahal ko siya.







"Michael.. tahan na." Niyakap niya din ako. Pero lalo lang din akong napaiyak. Yung lahat ng emosyon inilabas ko sa pag iyak ko. "Ok na ako kasi kasama kita. Kamusta si .. baby?"







Lumayo ako sa pagkakayakap sa kanya. Kahit makita niya na yung luha ko ok lang. Narinig nga niya ang tungkol sa pagbubuntis nito. Akala ko mahihirapan pa ako na sabihin yun.







"Ok naman si baby.." Marahan kong hinaplos ang mukha niya. Yung mata niya nangingilid din. "Ok lang ba sayo? Na buntis ka? na magkakababy tayo?"








"Bakit naman hindi magiging ok Michael?" Hinawakan niya ang kamay ko na humahaplos sa mukha niya. "Hindi kita inoobligang mag condom. Laging sa loob ka nagpapasabog. Parang enjoy na enjoy ka na ginagawa yun lagi. Ayaw kong magpills dahil hindi sa gusto ko na mabuntis o itali ka. Kasi ramdam ko naman na hindi lang hanggang kama ang relasyon natin. At alam ko na ganun din ang iniisip mo. Kasi kung ayaw mo na mabuntis ako simula pa lang nag iingat ka na at sinabihan mo ako na ayaw mo akong mabuntis ako. Pero wala kang sinasabi. Kung mabubuntis ako gift yun na kailangan kong tanggapin."







Napangiti na lang ako. Atleast kahit papaano kahit wala kaming usapan tungkol sa baka mabuntis siya malinaw pa din sa kanya kung anong relasyon meron kami. Hindi pang kama lang.




"Wala naman akong ibang iniisip na maging ina ng mga anak ko kundi ikaw lang mahal"





"Mga anak talaga?"





"Oo. Madaming madaming anak. Para masaya. Saka nakakapanghinayang ang genes ng Valero- Villaluz kung konti lang gagawin natin."








"Adik. Mahal na mahal kita Michael. Sorry kung nasaktan kita nung huling nag usap tayo"






"Mas mahal kita. Sobrang mahal kita. Huwang mo ng isipin yun. Ang mahalaga magkakasama tayo ni baby. At hindi ko na hahayaang may makasakit pa sayo."







Ilalayo ko siya sa Daddy niya. Kung aabot kami na kailangang magsampa ako ng kaso para hindi niya na ulit malapitan ito gagawin ko. Wala na itong karapatan kay Dette. At hinding hindi na siya papayag na masaktan pa nito ang babaeng pinakamamahal niya.






_casper_

UntitledWhere stories live. Discover now