Chapter Twente Wan

2 2 1
                                    

"Saan tayo susunod na pupunta?" Tanong ni Clyne habang nilalantakan ang mojos

"Sine tayo?" Umiling agad ako

"Bakit?" Tanong ni Ynnah

"Nahihilo ako kapag masyadong nanunuod ng TV lalo na kapag mataas ang radiant ng ilaw"

"ganoin? So saan na lang pala?"

"Hmm" sabi ni Clyne habang nilalagay ang daliri sa baba.

"Shopping na lang tayo?" Tanong ni Ynnah

"Great idea!" Sabay palakpak ni Clyne

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso kami sa Celine I want mew slippers with bubbles style on it. Feeling ko magiging maginhawa ang pakiramdam ko dito.

"Anong hinahanap mo?" Nagulat ako sa nagsalita at nilingon iyon

"Hi Yuri!"

"Alexis?!" Nanlaki ang mata ko na makita siya, he's my ex i mean dati kong manliligaw. Hindi naging kami o hindi tumagal ang panliligaw nya dahil  kay Bryan ewan ko kung anong sinabi niya kay Alexis pero one day nagulat ako at di na niya kinakausap o nilalapitan man lang.

"Uy Alexis!"

"Naaalala mo pa pala ako? Haha" nginitian ko siya at tumango

"Ofcourse alex, kamusta na?" Nawala ang ngiti nya ng makita ang umbok ng tiyan ko

"Nagkatuluyan pala kayo ni Bryan?" Sabi niya ng may diin at iritadong boses

Nagtatakang tumingin ako sa kanya " huh? Hindi, iba ang asawa ko. Hindi naman naging kami"

"So sino pala ang ama niyan?" Tanong niya sabay halukipkip what's the matter?

"Si Jaze Montr—"

"Yuriii! Nakapili kana ba?" Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko si Clyne, lumapit siya sakin at tinignan kung sino ang kausap ko

"Omg! Alexis Celidad? Is that you?!" Eksaheradang tanong ni Clyne. Oa talaga.

Tumawa ng bahagya si Alexis at tumango. Tinignan ko si Clyne at muntik na akong matawa ng makitang halos mangisay na siya sa ginawa ni Alexis. So she's still onto him?

"What's going on here?" sabay sabay kaming lumingon sa nagsalita at nakita si Ynnah

"Hi!" Bati ni Alexis sa kanya

"Alexis! Omg, kamusta?" Ngiting tanong ni Ynnah

"Im fine, napadaan ako dito at nakita si Yuri. Hindi ko napansing kasama nya pala kayo"

Tumingin sila sakin ng may pagtataka

"What? Totoo ang sinasabi niya!" Sagot ko

"Wait sino nga ulit ang daddy ng baby mo?" Baling nya sakin

"Its my kuya Jaze Montreal" singit ni Ynnah. Uh oh mukhang di maganda ang mood ni Ynnah "Is there any problem with that huh?" Tanong ni Ynnah ng may taas ng kilay

"Wala masyado ka namang seryoso Ynnah! Haha" awkward na sabi ni Alexis.

"Buti naman" bumaling sya sakin at "nakapili kana?" Sabay ngiti. Mood swings attack

"Oo" sabay taas ng napili kong slipper

"tara na"

"Wait!" Nilingon namin si Alexis ng may pagtataka

"Why?" Tanong ko. Lumapit siya samin at ngumiti

"Pwede bang sumabay na ako sainyo? Wala naman akong pupuntahan eh" nagtinginan kami nila Ynnah at kita kong napilitan lamang silang tumango

"Nice, so saan next station?"

"Sa sm department store, were going to buy some clothes for the babies" sagot ni Clyne sabay ngiti, ang kaninang kumikinang na mata nya para kay Alexis ay nabago. May mali eh, bat ganyan sila umasta ni Ynnah bigla?

"How many months?" Tanong nya sabay baling sakin

"Going four months next next week" sabay ngiti

"Where's the daddy?" Tanong niya

"Teka, bat ba tsinitsismis mo si Yuri? Tara na't wag ka ng tanong ng tanong" sabi ni Ynnah

Tumikhim ako at pinandilatan siya. She's getting rude every seconds wala namang ginagawang masama yung tao.

"What?" Taas niyang kilay na nagtanong sakin. Umiling na lamang ako.

Dumiretso kami sa department store at agad tumungo sa infant section. Nagningning ang mata ko ng makita ang baby blue na damit na may kasamang pants ang cute.

"Gusto mo nyan?" Nilingon ko ang nagsalita at tumango. Nilingon ko ang paligid at diko makita sila Ynnah, siguro'y nagpunta sa make up section

"Asan sila Ynnah?" Tinuro nya ang MAC section na puno ng iba't ibang make ups. Im right

"Asan ang daddy ng babies mo? Tsaka, plural so kambal ang nasa sinapupunan mo? Bakit sila Ynnah lang ang kasama mo?"

"Ah! Nasa korea, inaasikaso yung business nila dun" ngiti ko sabay baling ulit sa mga damit na tinitignan ko ang gaganda ng kulay, ayaw ko naman mamili agad ng mga damit na iba't ibang kulay at disenyo dahil diko pa alam ang kasarian ng magiging anak namin ni Jaze. Napangiti ako with my thoughts.

"Huh? Then sino nag aalaga sa inyo?" Kunot noo niyang tanong

"Im living under their roof, andun ang mama ko at ang buong pamilya nya. "

"Kailan ang uwi niya?" Tinignan ko siya at nginitian. Masyado na siyang madaming tanong. Naiilang na ako. Mukhang napansin niya iyon at nanahimik na lang, thanks God.

Habang tumitingin ako ng mga damit pang baby may narinig akong naghahagikgikan at kinikilig napalingon ako sa dalwang sales lady.

"Nako maam sorry ho, kinikilig lang kami sa inyong mag asawa mukhang alagang alaga ka po niya" napakunot ang noo ko. Asawa? Eh wala naman si Jaze dito, mukhang napansin ng nga sales lady ang pagtataka ko at tinuro ang nasa likuran ko

"Siya ho maam, asawa niyo ho siya dba?" Nilingon ko sila at nginitian

"No he's not. My husband is on korea, so why can he get here?" Natahimik ang dalawa at mukhang napagtanto nilang nagkamali sila.

Bumaling ako kay Alexis at nakita ko siya nakangiti "akalain mo yun? Hanggang ngayon ay pinagdidiskitahan tayong magkasintahan o di kaya'y asawa" sabay tawa nya. Umiling na lamang ako at pinagsawalang bahala siya, mukha namang nagbibiro lang siya.

UmaasaWhere stories live. Discover now