Chancer - "Assumera"

1.5K 40 2
                                    

So ito na. Simulan na natin ang pag-aassume. Tutal dun tayo magaling.

Pero walanjo, magkekwento na ko tungkol sa pinakamalas na araw sa buhay ko dahil nakalimutan ko ang p*tragis na payong ko. Kung kailan pa naman kailangan, saka wala. Ayan, aasa-asa kasi tayo na andyan lang eh. Akala ko nasa bag ko na. Wala pala.

T*ngina lang ni Hello Kitty at di ako niremind. Sa susunod talaga panda naman ang design na pipiliin ko. O kaya penguin.

Nakakainis. Kailan ba titigil ang ulang to? Anong oras na kaya? Uuwi pa ko samin.

"Tale as old as time...." AY HALIPAROT! Akala ko minamaligno na ko. May katabi pala ko dito sa waiting shade. Kala ko mag-isa lang ako eh.

Chance ko na to...na malaman ang oras. "Uhmm ahemm ahemm."

Thank heavens at narinig niya. Tinanggal niya ang suot niyang headset at sumimangot sakin. "Ano?" Problema nito?

"Uhmmm..anong oras na?" Tinuro ko yung relo niya na di maayos ang pakakasuot kaya di ko makita ang oras.

Bigla ba naman akong irapan?! "STYLE MO BULOK! Tatanong ka ng oras, aalukin mo ko kung libre ako. Magdidate tayo. Liligawan mo ko, magiging tayo, mangangarap tayo, magkakamisunderstandings tapos iiwan mo rin lang ako."

Ano daw?? Maliban sa napansin kong maganda siya habang nakanguso at nagtatatalak ay wala akong naintindihan sa mga sinabi niya kaya matagal bago ako nakapagsalita. "Ha?" At yun lang ang nakayanan kong lumabas sa bibig ko. Shobrang tifid.

"Maang-maangan ka pa. Ganyan naman kayong mga lalake diba? Sa huli lolokohin nyo rin lang kami. Sex lang habol niyo saming mga babae. Para sa ego niyo na sobrang taas. 10 feet."

Dun na ko naasar sa kanya. "Wow ha. Nagtanong lang ako ng oras miss, nag-assume ka na ng kung anu-ano. Sorry ah, di tayo talo. Kagigil ka teh! Kaimbyerna!"

So ayun, walkout queen ang sirena nyo. Pero inassume ko lang pala na bongga ang exit ko. Kasi hinawakan nya ng mahigpit ang braso ko na sapat para mahila ako pabalik tapos P*T*NGINA LANG!

Dahil ang sunod niya lang naman na ginawa.....

ay hinalikan niya ko... LIPS TO LIPS!

"Pucha yan ba ang kapalit ko?" Oh no! Someone saw us!

Agad kong naitulak ang inggratang babae at liningon ang nagsalita. Pak. Shiz.

SI CRUSH!!!!

Ang gwapo niya pero hindi iyong ang point.

NAKITA AKO NI CRUSH NA MAY KAHALIKANG KURDAPYA!

BADIDUNGWhere stories live. Discover now