Chapter Thirteen

4.2K 138 68
                                    

Kiel's POV




Tinawagan ako ni Lita na umalis ng bahay si Andy at kanina pa ako tumatawag kay Alec sa telepono o sa cellphone nito pero walang sumasagot.


I felt frustrated sa mga nangyayari sa kapatid ko at sa pinakamatalik kung kaibigan. Kung may magagawa lang sana ako para pagbatiin silang dalawa ginawa ko na.


Naiinis ako kay Andy sa pagiging makitid ng isip nito pero may bahagi rin sa akin na naiintindihan ang mga nararamdaman niya. I know she is hurting.


Fuck! Nahilamos ko ang isang kamay ko sa mukha ko at naihampas ang isa sa manibela. Nagmamaneho ako ngayon papunta sa condo ni Alec, we have to find Andy.



Nakakailang katok na ako pero wala pa rin sagot, sinubukan ko na ring tumawag pero wala ring sumasagot.


"Where the hell are you?!" naiinis na usal ko. Sinubukan kung buksang ang knob, gumalaw ito. Hindi naka-lock? Damn it! Napamura ako sa katangahan ko.


Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako sa magulong ayos ng lugar. Ano ang nangyari rito? Dali dali akong pumasok at inikot ang kabuuang unit pero wala si Manang o si Alec. Pumunta ako sa kwarto ni Alec at andoon ito nakaupo sa wheelchair nito habang may hawak na bote ng alak.



"What the hell are you doing drinking in the middle of the day?" sigaw ko sa kanya. Mainit na nga ang ulo ko sa gulong nangyayari sa kanila tapos maglalasing pa siya!


Hindi ito sumagot bagkos isang mapait na ngiti ang pinakawalan nito.



"Fix yourself! You shouldn't be drinking right now! Ang dapat na ginagawa natin ay hanapin si Andy!"



"Does she hates me that much to run away? I tried to be strong pero tang*na ang sakit sakit na. Bakit nabuhay pa ako kung mawawala rin lang lahat ng mahal ko? I lost my son but I can't even fucking mourn for him dahil natuon ang isip ko kung paano ako mapapatawad ni Andy! And she is fvcking gone too! The thought of not knowing where she is, is scaring the hell out of me. Pati ang mga panahon na nawala siya sa US ay bumabalik sa akin. What if I will never find her this time?" napahagulhol ito habang nagsasalita at itinapon ang bote ng alak sa pader.



"Get hold of yourself! We will find her."


"Fuck it! Hindi niya ba ako ganon kamahal na kahit bigyan manlang ako ng isang pagkakaton ay hindi niya maibigay? She is so unfair! I just made one fvcking mistake but why do I have to lose everything?"


Napahagulgol na naman ito, hindi ko akalaing makikita ko si Alec na ganitong sitwasyon. Matagal na kaming magkaibigan at minsan man hindi ko siya nakakitaan na pinanghihinaan ng loob.


Napahawak ako sa sintido ko, hindi ko alam kung paano kokonsulahin si Alec. Matagal ko nang alam na may espesyal siyang pagtingin sa kapatid ko pero hindi ako nakialam. Kilalang-kilala ko siya kaya okay na okay sa akin na siya ang makatuloyan ng kapatid ko kung sakali. Napatunayan ko rin kung gaano niya kamahal si Andy pero hindi ko alam kung ano ang maari nitong gawin kapag tuluyan ngang mawala ang kapatid ko sa kanya.


"So ano ang gusto mong gawin? Magpakalasing nalang?" mahinang tanong ko sa kanya.



"Ano pa ba ang dapat kung gawin? I can't walk, I can't think, I can't do anything?! And this pain is slowly killing me, Kiel."



Napapikit ako ng mata, this is a useless talk. Hindi ko ito makakausap nang matino ngayon.

"Rest, Alec, ipahinga mo muna ang sarili mo. Ipapahanap ko si Andy."


JUST MARRIED (COMPLETED)Where stories live. Discover now