Chapter 37:

4K 130 2
                                    

Isang putok ng baril ang umalingawlangaw sa paligid, nagulantang kaming lahat ng biglang natumba si Sky, they shot him in his shoulder.

"Sky!!" tumayo ako at nag punta kay Sky para tignan yung sugat niya, hindi naman siya masyadong malala, kailangan lang matanggal ang bala na nasa braso niya.

"L napasok po tayo ng G.I Mafia" nag simula ng mag kagulo ang mga goons, nakikipag palitan narin sila ng putok.

"Sinasabi ko na nga ba may traydor sa pamilya" rinig kong sabi ni Freij"Okay ka lang Sky?"

"Dalhin natin siya sa kwarto ko" sabi naman ni Ken at nag tulungan sila ni Tyrone na buhatin si Sky.

Ibinaba agad nila si Sky sa higaan at si Red na ang gumamot sa kanya, sigaw lang ni Sky ang naririnig ko dito since sound proof ang kwarto ni Tyrone.

"Kaya mo yan Sky—"

"Tumakas na kayo Red! Yuna!" nag aalalang sabi ni Freij, there's no way na iiwan namin si Sky.

"No! I will surrender to them" napatingin sa akin si Red at kinunutan ako ng noo.

"Are you insane? They want you dead and now! you want to surrender? I will let that happen—"

"Red trust me" ningitian ko siya"and by the way, sinasagot na kita bilang boyfriend ko" naramdaman ko nalang na niyakap niya ako.

"I will call Detective V to help us capture the leader of G.I mafia" bulong niya "Thank you for answering my question, you're my girlfriend from now on" humiwalay siya sa yakap at hinalikan ako sa labi, napapikit nalang ako.

"Umalis na kayo Yuna" napamulat ako at tinignan si Freij, she is holding a gun now

"I have a plan"

Lumabas ako ng kwarto at hinarap ang G.I Mafia, marami na ang namatay na goons at tanging Phantom nalang ang natitira, kasalukuyan silang nag tututukan ng baril ngayon.

"Boss, siya yung heiress nila" sabi nung Piggy, hindi pa ba siya nadala sa pag sipa ko sa ano niya

"Princess! anong ginagawa mo dito? umalis ka na" sabi ni Mr. L pero hindi ko siya pinakinggan, lumapit ako sa lider nila, base sa itsura niya ay mga nasa 40's na siya.

"Amity?" tanong ko, he smiled at me.

"Tell us the code?" ningitian ko siya.

"22600"

"very good now Spider!" lumapit yung piggy

"yes boss"

"Try the code 22600, kapag hindi tama ang naibigay mong code, buhay niyo lahat ang kapalit"

"Kapag naman tama, makukulong kayo sa bilangguan forever, deal?" hindi nila ako sinagot pa.

Itinutok nila ang mga baril nila sa akin, walang magawa ang mga L Mafia dahil natalo sila, natalo ang mafia ko.

"Anak! you don't have to do that" napatingin ako kay Mr. L, he looks so worried.

"Trust me Mr. L" ibinaling ko ulit ang tingin ko sa kanila.

Lumapit sa akin yung piggy at may iniabot sa aking box na may lock, ito na ata yung sinasabi nilang may code.

I press the hidden code and it opens, lumantad sa harap nila ang napakaraming papeles, ano bang papeles yun at parang napakaimportante?

"Thank you Prince—"

"Itaas ang kamay, walang kikilos" nag sidatingan na ang mga pulis at agad na pinosasan ang mga G.I mafia.

"Told you" I smirk at him pero nawala rin yun ng biglang yumakap sa akin si Sky at sunod-sunod na putok ang narinig namin.

Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa nangyayari, si Sky? sinalo niya yung bala na dapat ay para sa akin.

"Sky?"

Parehas kaming natumba, he move aside kaya nakita ko na ang mga sugat niya, ghad! ang rami niyang tama!

"Sky please stay, lumaban ka" napaiyak na ako, nag susuka na siya ng dugo."D-dadalhin ka namin sa hospital, just don't close your eyes, understand? please" inalalayan ko siyang makahiga sa lap ko.

"Yuna huwag kang umiyak" pinunasan niya yung luha ko gamit ang thumb niya

"Dalhin niyo siya sa hospital!! please" nag mamakaawa na ako dito pero walang namamansin.

"Yuna" napatingin ako kay Red, lumapit siya sa amin at ganun din si Tyrone, binuhat nila si Sky at ipinasok sa van.

"Stay here—"

"No! I will go with you, I don't want to leave him"

Pumasok na ako at hinawakan ko ang kamay niya, yung isang kamay ko naman ay nakahawak sa parte na natamaan siya.

"Malapit na tayo just don't close your eyes Sky" tinignan ko siya, he is smiling"Ano ba Sky?! ganyan na nga yang sitwasyon mo, nakangiti ka pa diyan"

"Don't cry Yuna, always remember that I Love You and please don't think about me and don't leave Red, he loves you so much, I need to sleep now....paalam Jeonha" the next thing I knew is nabitawan na niya ang kamay ko, hinawakan ko ang pulso niya pero hindi na tumitibok.

"Don't leave me Sky, I don't want that I will lost a friend like you" mas lalo pa akong umiyak.

Nang makarating kami sa hospital ay inasikaso na nila agad si Sky.

"Red, buhay pa siya di ba?" instead of answering me, he hug me tight"Red, answer me"

"Sorry Yuna"  humiwalay ako sa yakap

"No! don't say that Red he...he's fine right?"

Biglang lumabas ang doctor na nag asikaso sa kanya, lumapit ako at tinanong kung kamusta ang kalagayan niya.

"He's in state of comatose, he got ten gun shot that's why all we can do is observe his vital signs and wait for him to be stable" sabi ng doctor at iniwan na kami.

Pumasok kami sa loob at naabutan namin si Sky na nakaratay sa hospital bed, marami ring nakakabit sa kanyang makina, umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.

"Mag pagaling ka ah Sky, you know? you're my brother and also my dearest friend, I can't live without you so please.... pag gumising ka na, sabay tayo nila Red mag solve ng kaso, mag pagaling ka"

"Yuna" napatingin ako kay Red, he looks so worried"The G.I Mafia is under the custody now, don't worry—"

"Nasaan sila? dalhin mo ako doon! I want to see them! pag babayaran nila ang ginawa nila sa pamilya ko—" niyakap niya ako kaya natahimik ako."Red, gusto kong ipag higante ang pag kamatay ng papa ko at ang nangyari kay Sky"

"sshh! walang mangyayari kapag mag hihigante ka, nakulong naman na sila kaya hayaan mo na ang mga pulis na gawin ang trabaho nila" humiwalay siya sa yakap at tinignan ako sa mata"Sky will be fine, masamang ilong yan kaya paniguradong mabubuhay yan, for now, let's go back to E.H.U para makapag pahinga ka narin" tumango ako at sumama na sa kanya.

---

Entering East Heaven UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon