Chapter 28.5

10.3K 322 11
                                    

Chapter 28.5

Hindi ko alam ang gagawin ko. Masyado akong natataranta na hindi ko alam ang gagawin ko. Ganito ba talaga ang mararamdaman mo kapag.. kapag..

Basta!

Yung parang nakikiliti ka.

Ayoko na!

Jack Onyx leave my mind!!!!

Tinanggal ko ang wig ko at hinayaang bumagsak ang natural kong buhok. "Haaaay!"

Ano ba ang dapat kong gawin para mawala ang ganitong nararamdaman sa sistema ko.

"Y--you!"

Nanlaki ang mata ko ng may marinig akong baritong boses sa bandang likuran ko and then realization hit me. Nasa Mintaña ako at hinubad ko ang pelukang suot ko.

Kinalma ko ang sarili ko at tumayo.

"S-sino ka?!" Angil nito at naramdaman ko itong naglalakad papalapit sa akin.

Anak naman ni Amy oh! Anong gagawin ko.

"Bahala na." Pabulong kong wika at tumakbo.

"Hoooooy! Sino ka! Uyyyu wag kang tumakbo!" Pamilyar sakin ung boses pero hindi ko maisip ng masinsinan dahil kahit ako ay natataranta.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa nakita ko ang isang C.R, agad nagtago doon at dali-daling ibinalik ang pelukang pahamak sa buhay ko.

Oo. Maninisi muna ako.

Lagpas tatlongpung minuto ng lumabas ako at naglakad ng parang walang nangyari.

"Muntikan na iyon ah." Bulong ko sa hangin at huminga ng malalim.

"Little! Where have you been?"

"Dyan dyan lang." Wika ko at pagod na umupo sa upuan ko. Buti nalang at wala pa si Sir. Guevarra.

"Psst ung dinner mamaya ha?" Paalala ni Amy at tumango ako. "Oo nga pala. Sasama ka ba?"

Tumango lang si Onyx at bumalik sa pagkakalimot ng telepono niya.

"Yaaah yaah! I have chika---"

"Ang bakla mo Sy. Tahimik ka nga."

"Amy-babes naman eh."

"Eww shut up!"

"Wait wait." Apila ni Andrew at humila ng upuan papalapit sa amin. "Kanina sa may garden may nakita akong babae na puti ang buhok. Hindi ko lang nakita ang mukha niya dahil bigla siyang tumakbo papalayo sa kin."

Biglang napatigil sa pag titipa ng cellphone si Onyx at tumingin siya sa akin. Nilingon ko naman si Amy na nanlalaki ang mata. Napapikit ako.

"Nakakapagtaka lang.." tiningnan ko si Andrew.

"Hindi ko naman siya hinabol...."

Napatingin ako sa kanya. "Anong ibig mong sabihin." Hindi ako pwedeng magkamali.. kanina may narinig akong naglalakad papalapit sa akin kasabay ang boses ni Andrew.

"Ganun siguro pag nagbigla. Sumigaw kasi ako. Relfex na sigurong tumakbo." Tumawa siya pero ng napansin niyang tahimik lang kami at tumigil din siya at tiningnan si Amy. "Bakit?"

"Wala ano pang napansin mo." Pang-usisa ni Amy. "Wala naman bukod sa may narinig akong tunog mula doon sa gilid ng puno malapit sa maliit ng strorage room ay wala na."

Sino iyon?

--

"Sœur." (Sister) Tawag pansin ng lalaki sa kanyang kapatid na naghahanda sa hapag-kainan. "Oui." (Yes)

Victoria's SecretWhere stories live. Discover now