Chapter 38: Jersey

57.5K 1.9K 272
                                    

Chapter 38

Madison's POV

Binunot ko ang damong nasa harapan ko dahil sa inis na nararamdaman ko. Nakasalubong ko kanina si Xander at binati ko siya ng Good morning pero pagkatapos ay nilampasan niya lang ako ng hindi manlang tinatapunan ng tingin.

Fine! Desperada na ang itawag niyo sa akin pero kasalanan ko bang magkagusto sa kanya. Siguro noong una na challenge lang ako sa kanya dahil sa lahat ng lalaking natitipuhan ko siya lang ang walang pakealam sa akin.

I like him so much..

"What are you doing here?" biglang tanong ng isang lalaki.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung ang alam mo ikaw lang ang nandito sa field ng bigla nalang may iimik sa kung saan.

"Hindi ba't dapat ako ang magtanong niyan? What are you doing here ugly duckling Luke?" inis kong tanong at inirapan ko siya.

Kung meron lang akong hawak na bato kanina ko pa 'to nabato sa mukha ng lalaking 'to. Naiirita ako sa pagmumukha niya dahil sa tuwing nakikita ko siya sira na ang araw ko.

"Tahimik." tipid niyang sagot at umupo siya sa sanga ng kahoy at sumandal sa likod ng puno.

"Sumuko kana?" tanong ko at ginaya ko din siya na sumandal sa likod ng puno.

"Hindi ko alam pero binigyan niya ako ng chance pero wala e. Bumabalik balik parin siya sa lalaking yun." malungkot niyang wika habang nakapikit ang kanyang mata.

I hate Avery so much.. Dahil bukod sa madaming humahanga sa kanya, siya lang ang pinapansin ni Xander. Yes! Madami ang umaaway sa kanya pero ang totoo tinakot ko lang sila para awayin nila si Avery. Ayaw ko siyang nakikitang masaya.

"Malandi kasi." bulong ko at nanlaki ang mata ko ng hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin si Luke.

"Hindi ako pumapatol sa babae pero sa oras na sabihan mo ulit ng ganyan si Avery. Hindi ko alam ang magagawa ko sayo." seryoso niyang sabi na ikanginig ng buong kalamnan ko.

"Ano bang meron sa babaeng yun?" inis kong tanong sa kanya dahil walang wala siya kumpara sa akin.

Ano ba ang meron sa babaeng 'yon na wala ako? Ganda? Mas maganda ako sa kanya. Dahil mayaman sila? Mas mayaman kami dahil kami ang may ari ng paaralang ito. Kung tutuusin nga pwede ko siya paalisin sa paaralang 'to. Para masolo ko na si Xander at wala ng pabida.

"Hindi ko din alam." sagot niya at umayos na ng upo.

"Bakit hindi mo alam?" inis kong tanong sa kanya dahil dapat alam niya kasi sarili niya 'yan.

Hindi siya sumagot dahil pinikit niya ang mata niya habang nakasandal sa likod ng puno.

"Alam mo bang naiirita ako sa tuwing nakikita kita." nang-gagalaiti kong sabi habang masamang nakatingin sa kanya na ngayon ay nakasandal parin sa likod ng puno at nakapikit.

"Ako din." rinig kong sabi niya.

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya at umupo sa kinauupuan ko at humarap sa pwesto niya. Nakatayo ako ngayon sa harap niya samantalang siya ay nakasandal sa likod ng puno at nakapikit parin ang mata.

"Bagay nga kayo ni Avery, pareho kayong bwisit sa buhay ko." gigil kong sabi habang nakataas ang isang kilay ko dahil sobrang naiinis talaga ako sa kanya.

"Thank you."

Akmang lalapit pa sana ako para sabunutan siya ng matakid ako sa maliit na sanga.

Pagmulat ng mata ko mukha niya agad ang sumalubong sa akin. Bigla siyang mumulat at nagtama ang tingin naming dalawa ng maalala ko na nakadagan pala ako sa kanya.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Where stories live. Discover now