Chapter 13: Her Forgotten Misery

15 4 25
                                    

BEVERLY

Isang malutong na sampal ang natanggap ko mula kay mommy nang makalabas sila sa kwartong kinalalagyan ni kuya. Inaasahan ko na ito pati ang masasakit na salitang matatanggap ko sa kanila.

"Bakit mo pinabayaan si L?! Bakit hindi mo binantayan ang anak ko?!" -wala akong ibang nagawa kundi mapahagulgol na lamang nang pagtaasan ako ni mommy ng boses.

"I-i'm sorry po. I'm sorry mo---" -hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang paulananan na naman ako ni mommy ng sampal. Ramdam ko ang sakit at  pagkamuhi sa bawat sampal na binibitawan niya. Fuck. Is there something more painful than seeing your mom cry and break because of you?


"Wala kang kwenta! Wala kang kwenta! Simpleng bagay hindi mo magawa! Anong klaseng anak at kapatid ka?!" -sa muling pagtama ng palad niya sa pisngi ko ay napaluhod nalang ako habang patuloy na umiiyak. Shit lang. Ang dumi pa naman ng sahig nila dito.


"Ano ba kasing ginawa mo at bakit hindi mo binantayan ang kuya mo?!" -galit na tanong ni daddy habang yakap-yakap si mommy.

"Siguro lumandi ka ano?! Nagpakasaya ka na naman at binalewala ang kapatid mo!" -sigaw ni mommy habang pilit na kumakawala sa yakap ni daddy.

Sunod-sunod ang pag-iling ko."Hindi! Hindi ko po binalewala si kuya. Mommy, hindi ko po siya pinabayaan. Maniwala po kayo." -pilit kong hinahawakan ang kamay ni mommy pero tinatabig niya lang ang kamay ko. Na parang nandidiri siya sa kaharap niya. Na parang isang batang galisin ang kaharao niya na ayaw niyang hawakan dahil ayaw niyang madumihan.

Bawal na ba akong maging masaya ngayon? Lalo pa ngayon na---


"Hindi?! Eh bakit nandito na naman siya sa ospital?! Bakit wala na naman siyang malay?! Nandito na naman siya nang dahil sayo! Simpleng pagbantay lang hindi mo pa nagawa! Hindi ka naman bobo para hindi mo yun maintindihan diba?!" -kasalanan ko na naman. Kasalanan ko na naman kung bakit nagkaroon ng rambulan kanina sa school. Kasalanan ko na naman kung bakit nadisgrasya si kuya. Kasalanan ko kung bakit wala na naman siyang malay. Sige na nga kasalanan ko na. Kahiya naman kasi kung hindi ko tatanggapin pinapataw nila sakin.

"Umalis ka na. Tutal hindi mo rin lang naman mabantayan ang kapatid mo. Wala nang may kailangan sayo dito." -nanigas ako sa sinabi ni daddy. Did he just---itinatakwil na ba nila ako?


"N-no. Dad, please. Huwag niyo namang gawin sakin 'to. Dad, huwag naman sana tayong umabot sa ganito. Please. Pakiusap, dad, mom. Promise. Aalagaan ko na po si kuya. Hinding-hindi na po mauulit ang nangyaring 'to kay kuya. Pangako." -pagmamakaawa ko habang nakaluhod parin sa harapan niya.


I hate myself right now. Wait, when did I even loved myself? Pinakaayaw ko sa lahat ay yung kinakaawaan ako pero putangina, ano ako ngayon? Isang desperadong anak na nagmamakaawang mahalin at arugain ng mga magulang. I hate feeling pathetic but here I am, being pathetic, helpless pathetic.

"Talagang hindi na mauulit dahil may chansang hindi na magising ang kuya mo! At kasalanan mo iyon! Dahil sa pagpapabaya mo, nasa coma na naman ang anak ko!" -sigaw ni mommy na mas lalong nagpaiyak sa akin. Tinatakwil na ba talaga nila ako? Wala na ba talaga akong halaga sa kanila? Ganun lang ba ako kadaling kalimutan?

Kuya, iiwan mo ba ulit ako?

"Stop that, you ugly irresponsible parents!" -nanlaki ang mata ko nang makarinig ng sigaw mula sa likuran ko, at lalong lalo na nang makilala ko kung kaninong boses ito.

Autumn and my firends. They're here. Again. For me, I think? Or nah? Pero 'di naman masamang ispin na nandito sila para sakin diba? Hindi lang para kay kuya. Hindi lang puro si kuya.


Ijje MarayoWhere stories live. Discover now