Chapter 29 "Past or Present

95 4 0
                                    

Shandy's Pov

Paalis na ako ngayon. Papunta sa sinasabing lugar ni Bella. Nagtext kasi itong magkita daw kaming tatlo nina Hannah.

"Hi" masaya kong tugon. Nang makita ko si Bella at Hannah.
Ngumiti naman silang dalawa sa akin. "Bakit nga pala, pinapapunta mo kami dito, Bella?"

Nagulat ako ng bigla itong nangyakap na sinabayan pa ng paghiyaw. Shocks! Nakakabingi !

"Gaga! Ayuun lang pala. Kung maka react ka naman" binatukan ko ito. "Bakit hindi mo sinagot ng I love you too?"

"Aray! Siyempre, dapat... pakipot muna tayo... You know, dalagang pilipina"

"Tse! Ee ngayon pa nga lang kinikilig ka na... Kung maka dalagang pilipina ka dyan!" Ani ni Hannah habang kumakain ng burger na kakabili niya lang.

"Palibhasa kasi... Ikaw... wala kang lovelife !" Tugon naman ni Bella. Na naging dahilan ng pagtawa naming dalawa.

"Pag ako... Nagkaboyfriend ng foreigner. Who you kayong dalawa sa akin!" Hannah.

Siguro... Yun ang naging bonding naming tatlong babae. Ang saya lang namin ng oras nayun.

"Siya nga pala... Shan.. kayo? Kamusta kayo ni Ken?" Tugon ni Hannah.

"Wala ee... Hindi nga siya nagpaparamdam. Siguro dumating na ang parents niya. Kaya busy na siya" ani ko.

"Assus. Baka ikaw ang naging busy kay Covee kaya hindi mo na napapansin si Ken" sambit ni Bella. Na sinabayan pa niya ng pagtulak-tulak sa akin.

"Oo nga. Sino ba talaga, Shan? Si Ken o si Covee?..."

"Hindi... dapat ganito ang tanong, Hannah. Si Past o si Present?"

"Alam niyo... kayong dalawa!! Pinagtutulungan niyo ako ee noh! Tumigil nga kayo!!?... may nalalaman pa kayong past or present dyan!" Napatigil kaming tatlo. Nang may marecieve na text message kay Covee.

"Guys, Punta kayo sa school ngayon..."

From: Covee

"Ano naman kayang trip nito. At pinapunta tayo sa school... ee wala namang pasok" tugon ni Bella.

"Ayy. Oo nga pala... Ngayon ang sayaw nila. Kakasabi lang sakin ni Frayler kanina" ani ni Hannah. "Ohh? bakit?" Dagdag pa niya. Nang tiningnan naming dalawa ni Bella.

"Frayler ha!!!" Ani ko.

"Hoy! Wag kayong mag isip nang ganyan! Gusto niyong masabunutan isa isa ha!!?... magb-boyfriend ako ng foreigner noh!... Period" sabay namang nagsitawanan kaming lahat.

Haha.

"Hey!!" Tawag sa amin ni Covee sa di kalayuan. Nang makadating kami sa paaralan.
Kasama narin nito sina Zander, Frayler at Nathan.

"Nakss. Ang g-gwapo!" Tugon ko.

"Ano kaba Shan! Maliit na bagay!" Ani naman ni Zander. Na siyang ikinakunot ng noo niya. Nang marinig na tumawa sina Bella at Hannah.

"Yabang mo, Zan!" Sambit ni Bella na tawang tawa parin.

"Uhm. Kasi... Zander" lumapit ako dito. At hinawakan ang kanang balikat niya. "Si Covee, Frayler at Nathan ang tinutukoy ko" sabay namang nagsitawanan ang lahat. Dahil sa sinabi ko. Habang si Zander naman ay kamot kamot ang kanyang ulo. Hahaha.

"Guys, tara na sa gym... Magsisimula na ang program!" Biglang imik ni Covee.

Aaminin ko ang gwapo nito sa costume niya para sa sayaw nila. Pareho sila ng damit ni Frayler dahil pareho silang sasayaw. Pero ang cute talaga ni Covee.

Dalawang oras ang lumipas. Bago matapos ang program. Pero sulit naman, dahil nag enjoy kaming lahat. Pagkatapos ng program, dumaan muna kami sa bahay nina Frayler, para sa pakain nila. Hindi rin kasi pwede kina Covee dahil sa Daddy nito.

Masaya kaming nagtatawanan lahat. Habang kumakain. Busy rin naman sa isa't isa...

Si Frayler na kausap si Hannah. Yiee. Pero guys, magboboyfriend ng foreigner si Hannah. Period. Hahaha. Si Zander na kausap ang girlfriend na si Zalky. Si Bella na kausap si Nathan na mukhang boyfriend niya na din. At ako... syempre may kausap din ako... Si Covee. Haha.

Pero aaminin ko man o Hindi. Namimiss ko na si Ken. Kamusta na kaya yung mokong na yun!!?

Itetext ko na sana si Ken. Nang biglang magsalita si Covee.

"Shan?"

"Hmp?"

"Pwede ba kitang maging girlfriend?" Nabitawan ko bigla ang phone. Kaya naagaw ang atensyon ng lahat. At napapunta sa aming dalawa ni Covee. Wtf!!? Ligawan?? Shit!!!

"S-sorry... Nabigla ba kita Shandy?" Tugon ni Covee.

"A--aahm. Ganun na nga"

Hinawakan nito ang kamay ko. "Kung di kapa handa... Ok lang sa akin. Basta't sabihin mo lang sakin sa anumang oras o panahon ang magiging sagot mo sa tanong ko, Shan!"

Nagsihiyawan naman ang mga kaibigan ko. Na nakatingin sa aming lahat ngayon.

Shocks!

"Sagutin mo na, Shan!" Zander.

"Paano si Ken?!" Bella.

"Basta ako... Kay Covee ako" Zalky.

"Ken ako. Period!" Hannah.

Ayy grabe !!! Mas lalo lang nila akong ginugulo.

Binaling ko ang atensyon ko kay Covee.

"Covee...-----"

Past or Present?Where stories live. Discover now