ANG PAG-IBIG AY ISANG LIBRO

47 2 0
                                    


Noong una tayong nagkakilala, 

Aking mundo'y nagbago't binigyan mo ng halaga. 

Simula no'n ay laging hinihiling, 

Na sana ikaw ay parati kong kapiling. 


Sa bawat araw na lumilipas,

Ika'y laging hanap-hanap. 

Sa t'wing ako'y walang lakas, 

Gamot ko'y init ng 'yong yakap. 


Sana ikaw na nga, 

Ang sa 'kin ay lubos na makapagpapaligaya, 

Ang tutupad sa mga pangarap kong nasira, 

Ang hindi magpaparanas sa 'kin ng pagdurusa. 

Sana ikaw na nga, 

Ang panghabang-buhay kong makakasama. 

Sana ikaw na nga. 


Ngunit lahat ng sana ko'y mukhang malabong matupad, 

Isa lamang itong imahinasyon na malayo sa realidad. 

Dahil kahit minamahal kita ng walang hanggan, 

Ang turing mo na lang sakin ngayon ay isang kaibigan. 


Naalala ko noon ang dating tayo, 

Ako'y pahahalagahan,at iingatan. 

Iyong ipinangako. 

Pero ngayong durog na ang aking puso, 

Ako'y lubos na nasasaktan. 

Ako'y lubos na nasasaktan ngunit patuloy na lumalaban. 


Totoo nga ang sabi ng ilan, 

Na ang pag-ibig ay parang libro. 

Kung saan ay darating ka sa dulo at matatapos ito. 

Ang librong punong-puno ng kwento. 

Na madaling basahin, 

Ngunit napakahirap intindihin. 

Ang librong nagbibigay ng aral, 

Na ginto kung ituring. 


Sino nga ba ang may pananagutan? 

Ang libro na sadyang may suliranin ang kuwento, 

O ikaw na dahil sa suliranin, ay agad nang sumuko, 

At mas piniling humanap na lamang ng ibang libro. 


Simula no'ng ako'y saktan mo, 

Iniwan, at niloko, 

Laging tanong ay bakit? 

Bakit may mga taong ipagpapalit ka? 

Bakit ka naghanap ng iba? 

Bakit kailangan kong masaktan pa? 

Bakit ikaw pa? 

Bakit ikaw pa ang minahal ko ng sobra-sobra? 

Bakit? 


'Di ba pwedeng ako nalang kahit may iba na? 

Tiwala ko'y ipinaubaya kahit nagmumukhang tanga. 

Patuloy kitang minamahal, 

Habang nagmamahalan kayong dal'wa. 

Patuloy na nagbubulag-bulagan, 

Kahit mali ito sa paningin ng iba. 


Paano ko nga ba makikita ang tama, 

Kung ako'y bulag na? 

Binulag ng pag-ibig na kahit mali na, 

Ay ipinaglalaban ko pa. 


Patuloy kong ipinipilit ang aking sarili sa iyo, 

Dahil pakiramdam ko'y may pag-asa pa na maibalik ang dating tayo. 

Ngunit ngayon, ako'y bibitaw na at susuko, 

Dahil sa 'ayoko na' at 'pagod na 'ko.' 


Minsan ay natanong ko sa'king sarili, 

Ano ang dapat kong gawin, 

Kung ang kabanata'y tapos ko na? 

Dapat na bang ang libro'y isara, 

At 'di na muling basahin pa? 

O dapat na balikan ang pangyayaring maganda, 

At ituloy ang daloy ng storya? 


Tayo ang gumagawa ng sarili nating kabanata, 

Sa kuwento ng ating buhay, tayo ang may katha, 

Kumbaga sa tula, 

tayo ay ang tugma, 

Na nagpapaganda sa isinasaad at gusto nitong ipakita. 


Ang pag-ibig nga'y isang libro, 

Isang librong may magandang kuwento, 

Kuwentong punong-puno ng suliranin, 

Ngunit kung iintindihin, 

Mas maraming paraan para ito'y lutasin. 


Ang kuwentong may mga tauhan, 

Tauhan na laging may iniiwan, 

Na gintong aral na dapat matutunan, 

At dapat itatak sa 'ting puso at isipan.  

LIBROWhere stories live. Discover now