SKINNY 1

31 1 0
                                    

Sana mag-enjoy kayo

-----

Kerry Angelique Niccole's POV

Mabilis akong naglakad sa posibleng lugar na pinuntahan ng bobitang iyon. Kumulo naman bigla ang dugo ko ng marinig ko ang tawanan sa loob ng gym. Humanda ka sa'kin.

"DARNAAAA!"Buong lakas kong sigaw. Napatingin naman silang lahat sakin. Sabay tawanan ulit nila.

"Miss, ikaw ba ang papalit kay Darna? Asan bato mo? HAHAHA!" Sabi ng isa ring basketball player.

Hindi ko na siya pinansin. Tinignan ko sila lahat saka napadapo ang tingin ko sa isang lalaki. Sa bag palang nito kilalang kilala ko na ito. Aba't nagtatago pa ang bobitang ito. Loko! Nagtatago siya, e bobo pala. Yung bag nya may pangalan niya. Walang kwenta!

Lumapit ako sa kanya saka piningot yung tenga nya.

"Aray ko naman!"sabay tayo nya.

"Akala mo di ko alam kung anong ginawa mong Darna ka! Hala. Magdusa ka!"sabay hila ko sa buhok niya papuntang labas ng gym.

"Captain, tulong naman!" Parang tuta niyang tawag sa captain niya. Aba! Humingi pa ng tulong! Kapal ng mukha.

"Kasalanan mo yan. Bahala kang mamroblema."sabi naman ni kuya which is their CAPTAIN. At oo, kuya ko siya.

Pake mo ba?

Pagkalabas namin ng gym. Binitawan ko na yung buhok nya.

"Sa wakas. Huhuhu. Ang sakit ah."

Huminga akong malalim.

"BWESIT KANG IMPAKTA KA! LETSE! ALAM MO BANG NALATE AKO DAHIL SA GINAWA MO?! LETSE KANG DARNA KA! PUMUNTA KANG BAHAY PARA BWESITIN AKO? ABA! CONGRATS! NAGTAGUMPAY KA!" Sabay Lakad ko paalis.

Bwesit na bwesit ako sa kanya. Pumunta ba naman siya sa bahay kanina. Susundoin daw dapat ako kaso, tulog pa ako kaya wala... walang gumising sakin. Di nila ako ginising na umaga na pala! Pumasok daw siya sa kwarto ko para gisingin SANA ako kaso nga lang daw ang CUTE kong tignan kaya di na niya ako ginising. Bagkus, GINAWANG DRAWING BOOK ANG MUKHA KO! Take note. PERMANENT NA PENTEL PEN ANG PINANSULAT NIYA. Letse talaga! >:3

Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa braso para pigilan ako. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sorry na Kerry. Bati na tayo." Nakapout niyang saad.

See? See? Napaka-uuugh!

"Letse ka kasing Darna ka! Kita mo? Pulang pula 'tong mukha ko kakakuskos para matangal lang!"

"Mapula naman talaga yang mukha mo dati pa. HAHAHA! O baka naman kinikilig ka bessy? Ew. Di tayo talo!"sabay flip pa niya sa buhok niya na kala mo mahaba. Pwe.

Siya si Andrei Xievery Cruz. Isang basketball player. Bisexual. Oo, minsan natitipuan niyang babae, minsan naman lalaki. Gwapo? Oo. Mayaman? Oo. Matalino? No comment. Mabait? No comment. Sya ang ka-isa isang bestfriend ko. Ayoko ng maraming kaibigan.

Problema mo? Eh ayaw nila sakin e, pipilitin ko pa ba? Tsk.

Tawag ko sa kanya? Marami. Bobitang laitera kasi yan. 'Andrei pag feel ko' pero minsan, 'Bobita, gaga, chanak, hampas lupa, panget, malandi, and most of the time DARNA ang tawag ko sa kanya.

"Ang kapal ah. Hoy! Di rin ako mahilig sa paminta ah. Jusko."sabay hawak ko sa dibdib.

"Gaga! Wala kang dibdib. HAHAHAHAHAHA" nakahawak pa siya sa tiyan nya habang tumatawa.

Binatukan ko naman siya.

"Aray ko naman!"nakapout niya na namang saad.

"Seriously?"

"What?"

"Lalaki ka ba o babae?"

"Both?"

"C'mmon Darna! Hindi ko parin alam kong pano ka naging ganyan." Sabay iling ko.

Kumunot naman ng todo ang noo niya.

"Bat ba ako ang pinag-uusapan dito?"

Umirap naman ako. Tumawa naman siya. See? Gago talaga siya!

"C'mmon. Let's go. Punta na tayong classroom." Saka inakbayan niya ako.

Kung di lang talaga neto tipo ang mga lalaki siguro sinapak ko na 'to. Chansing eh. - _ -

Inayos ko naman ang backpack ko. Saka nagsimula na kaming maglakad papuntang classroom.

---

Kerry on the multi-media :)

Skinny LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora