Chapter 14

2.6K 65 8
                                    

Gabriella's POV

"So? Kamusta naman?" tanong ni Bea, i sense something fishy dun sa tono nya, tinidnan ko siya at tinaas ko kilay ko.

"o-kay lang?" sinabi ko habang katext ko si Ricci, kanina pa siya umalis and we already miss each other.

"Ella lets cut the crap here, ano kayo ni Ricci? Yung totoo?" tanong niya, pagtingin ko sakanya mukang impatient na siya.

"ayun, nililigawan niya parin ako bakit?" tanong ko habang nakataas kilay ko.


"ughhhh!!! Ang tagal na ni Ricci nangliligaw pero hindi ka parin niya tinatanong para maging gf niya!" sabi ni Bea, tinidnan ko sya ng "WHAT THE FUCK" look, bakit ba siya masyadong worried?


"hindi naman kami nagmamadali eh" simple kong sinabi, umirap si Bea.

"lamkoyun! Mahal niyo naman isat isa ewan ko lang kung bakit niyo pinapatagal tss" sabi niya sabay kamot ng muka, napatitig ako dun sa sinabi nyang 'mahal'


"Bea, hindi ko pa alam yung totoo kong nararamdaman para kay Cci" dahan dahan kong sinabi, tumingin bigla saakin si Bea as if na tinubuan ako ng isa pang ulo.

"hala seryoso? Bakit?" tanong niya.

"hindi ko alam, alam mo naman na kakagaling ko lang sa na
kakatraumang relasyon at nakalimutan ko na kung ano ba talaga yung feeling ulit mag mahal or makaramdam" sinabi ko habang nilalaro yung kamay ko.

"Ella, i have a question for you" sabi ni Bea, i look up and nodded.

Pinipigilan ko sarili kong hindi tumawa, hindi kase bagay kay Bea mag seryoso.

"ano bang nararamdaman mo kay Ricci ngayon?" tanong niya, huminga ako ng malalim at pinikit ko mga mata ko.

"he makes my heartbeat fast, his voice send shivers down my spine, i get goosebumps whenever i'm around him and the last thing is, i can't stop myself looking at him, it's like my eyes has a magnet and i just couldn't take it off that easily, everytime he licks his lips i just want to kiss the life out of him, i want to hug him and never let go of him, he makes me laugh even though i'm almost about to cry, he is my Happy Pill. Everytime he frowns i just want to make him smile, everytime his nose scrunch that means he doesn't like the smell or doesn't like the idea, he bites his lips when he think just all those stuff yet makes my heart go wild" sinabi ko at binuksan ko na yung mata ko, dahan dahan ako tumingin kay Bea.


Pagtingin ko sakanya she is smiling widely at me.

"Ella mahal mo na siya" sabi ni Bea at hinawakan yung pisngi ko.


"pano?" tanong ko, natawa siya.

"kase kung hindi mo siya mahal hindi mo mapapansin lahat ng maliliit na bagay na nararamdaman mo sakanya at hindi mo mapapansin yung maliliit na bagay na ginagawa niya" sabi ni Bea, napatingin ako sakanya.


"seryoso?" tanong ko at umo-oo sya, tumingin ako sa bintana.

Mahal ko na ba talaga sya?

Oo gaga!

"i guess i'm in love with him?" nahihiyang tanong ko, tumawa si Bea.

"oo Ella, mahal mo na si Ricci" sabi nya with a cheeky smile.

"pano kung hindi niya ako mahal? Pano kung ako lang pala? Pano kung hindi naman pala parehas yung nararamdaman namin?" nagaalalang tanong ko, biglang may malakas na tumawa, sabay kaming napatingin ni Bea sa pintuan ko.

Ricci Likes Her | Ricci Rivero [Book 2] √Where stories live. Discover now