CHAPTER 5: Boyfriend

26 1 0
                                    

Shane's POV

Unti-Unti kong minulat ang aking mata.Ilaw?Ang sakit sa mata.Inilibot ko ang paningin ko.

Nasan ako?Puti ang kulay ng paligid.Inilinga ko ang aking mata sa aking gilid.May natutulog.

Si Kaeden?Si Kaeden nga!Anong ginagawa nya dito?At bakit ako nandito?

Pinilit kong tumayo pero bigla na lang kumirot ang ulo ko.

"Ouch..!" Daing ko.

"Thanks God!Gising ka na.Kumusta pakiramdam mo?May masakit ba sayo?" sunod-sunod nitong tanong.Bakas ang pag aalala sa mukha nito.

Nagising pala sya.Umiling lang ako bilang tugon.

"Anong nangyari?Bakit ako nandito?" tanong ko.Halos wala kasi akong maalala.Wala talaga.

"I don't know the whole story,pero ang alam ko lang nakaaway mo yong president ng isang fans club.And the next thing I know nakahandusay ka na.Buti na lang at nandoon ako.." Mahabang litanya nito.

Mariin kong naipikit ang mata ko.Oo naalala ko na.Iyon nga ang nangyari.

Damn Bitch!But thanks to him..

"Hey!Nagugutom ka na ba?Wait" aniya at nagmadaling kumuha ng pagkain.

Parang ang bait nya naman yata ngayon?Hinayaan ko na lang sya.

"Here.Eat this.." ani Kaeden habang sinusubo ang pagkain sa bibig ko.Kinain ko na lang iyon.Wala pa akong lakas makipagtalo sa kanya.

"Nga pala baka mamaya pa makapunta yong kaibigan mo.May klase kasi sya" aniya at muling inilapit ang kutsara sa bibig ko.

Umiling ako dahil wala talaga akong ganang kumain.Tumayo na ito at kumuha ng tubig.

Weird.I mean,hindi nya naman kailangan gawin ang mga bagay na 'to eh.Mukhang kaya ko na din naman.

"Eh yung parents ko alam ba nila na nasa hospital ako?" tanong ko ulet.Tumango lang ito at muling nagsalita.

"Kahapon lang ay nandito sila pero umalis din agad dahil may aasikasohin raw sila.."

Bigla akong nakaramdam ng lungkot.Bakit parang mas inuuna pa nila ang trabaho nila kesa sa akin?Dati naman ay hindi sila ganun.

"Hey! Wag kang sumimangot.Ang panget mo lalo.." Bigla ko syang binatukan.

Panget daw ako?Loko to ah!Pasalamat nga siya at pinapansin sya ng tulad ko!

"Kung panget ako eh ano ka pa kaya?" sarkastiko ko na sabi.
Ngumisi lang ito.

"Hey.Kaeds!ilang araw na ba akong nandito?" Pakiramdam ko kasi ang haba ng tulog ko.Pero hindi eh,alam kong kanina lang iyon nangyari.

"3 days!" Sagot naman nito.Nanlaki naman ang mata ko sa sinabe nyang iyon.

What the hell?!
Ibig sabihin ay tatlong araw na akong absent.At ang masaklap ay kakasimula pa lang ng first week ng pasukan.

Napaface palm na lang ako.Lagot talaga sakin ang babae na yon!

"Tss.Stop it.Mukha kang baliw" ani Kaeden at naglakad na papunta sa pinto.

Aalis na ba sya?Nalungkot naman ako bigla.Paano ako?Wala akong kasama dito?Kaines naman eh!

"Aalis ka na?" malumanay ko na sabi.Sinipat muna nito ang orasan sa kanyang braso.

"Yeah!Hintayin mo na lang ang kaibigan mo.Maya-maya lang ay nandito na iyon" seryoso nitong sabi.Nag pout na lang ako.

"Hey wife!Stop pouting..or else I'll kiss you..magpahinga ka na!Babalik ako mamaya" aniya bago sya tuluyang lumabas ng silid.

Wife?Did he just called me wife?

Imperfectly Perfect Love (T.S Series#1)Where stories live. Discover now