Chapter 10

18 0 0
                                    

Brigitte's POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw kaya napasimangot ako.

Kinuha 'ko ang cellphone 'ko at nanlaki ang mata 'ko ng makita 'kong may missed call si Blake sakin. "PUTANGINA!" sigaw ''ko.

"BRIGITTE! OKAY KA LANG BA DYAN?!" dinig 'kong sigaw ni manang habang kumakatok.

"Opo, okay lang po ako! Pababa na po ako!" sigaw 'ko pabalik.

Tumayo na ako at pumasok sa banyo para maghilamos at magtoothbrush. Nakakainis talaga! Bakit ba ako nagsilent kahapon!?

Tawagan 'ko ba siya ngayon? Wala namang masama kung tatanungin 'ko kung bakit siya tumawag kagabi diba?

Matapos 'kong mag-ayos ay kinuha 'ko na yung cellphone 'ko at lumabas na.

Baka mabadtrip sakin kapag tumawag ako. Paano ba ito?

"Good morning, Manang. Ano po almusal?" tanong 'ko at umupo na. Pinaghanda naman agad ako ni Manang. Love na love talaga ako ni Manang.

Huminga ako ng malalim nang maisipan 'kong tawagan na siya.

Kinakabahan ako habang iniintay niyang sagutin tawag 'ko. Paano kung hindi niya sagutin? Paano kung nagising 'ko siya? Paano kung--?

"Hello?" Nanlaki ang mata 'ko ng marinig 'ko ang boses niya.

"Uh. Blake?" bungad 'ko sa kaniya.

"Ano?" masungit na tanong nito. Sabi na eh.

"Bakit ka tumawag kagabi? Kaninang umaga 'ko la--" naputol naman ang sinasabi 'ko ng magsalita siya.

"Ayoko lang na ako ang huling nagtext. Ayun lang. May tanong ka pa?" irita niyang sabi.

Umiling ako kahit alam 'kong hindi niya ako nakikita. "Uhm. Wala na. Sorry sa istorbo," malungkot 'kong sabi.

Teka nga, hindi pa naman kami nagkakatext. Niloloko ba niya ako?

"Okay ka lang?" tanong ni Manang sabay himas sa buhok 'ko.

Tumango naman ako at hindi na sumagot pa. Pinagsasabi naman nung lalaking 'yon!? May PMS na naman yata.

Maya-maya natapos na akong kumain. Pumunta ako sa sala ng maisipan 'kong manood ng movie.

Tinext 'ko si Shin at Delanxe para papuntahin dito.

Kaso si Delanxe sabi kasama niya si Miere, habang si Shin naman ay hindi nagrereply, tulog na naman siguro. Sleeping beauty lang ata ang peg yung batang 'yon, tulog nang tulog.

Habang nanonood ako napapatingin ako sa cellphone. Umaasa ba 'kong baka tumawag ulit si Blake? Badtrip naman oh.

Hindi na naka'silent ang phone 'ko, kaya anytime malalaman 'ko na kung may tumatawag o wala.

Kumuha ako ng makakain at maiinom sa kusina.

Napatakbo ng bigla 'kong marinig na tumutunog cellphone 'ko.

"Jusko kang bata ka! Mag-ingat ka nga!" sita ni Manang nang muntik 'ko nang matamaan ang vase na binili nila Mom sa US.

"Sorry po!" paumanhin 'ko, nang makuha 'ko ang cellphone 'ko ay napaupo nalang ako ng hindi pala si Blake ang tumatawag.

'Kurt calling...'

"Hello?" sambit 'ko ng sagutin 'ko ang tawag.

[Brigitte. San ka?]

"Dito lang sa bahay. Bakit? May problema ba?" tanong 'ko.

[Tara pasyal tayo. May bago akong alam na lugar. Maganda view don, paniguradong magugustuhan mo,] aya niya.

Nag-simula na akong mag-ayos nang ibaba ni Kurt ang tawag.

Mabilis din akong natapos dahil hindi naman din ako ganon kabagal kumilos.

Isang simpleng denim short, dark blue shirt, at converse lang ang sinuot 'ko. Nagsuot din ako ng cap dahil mainit naman at hassle naman kung magdadala pa ako ng payong. Pagkakuha 'ko ng shoulder bag 'ko ay bumaba na ako. Sakto namang nasa sala na si Kurt.

"Aga mo ha," bungad 'ko sakanya.

"Syempre, hindi pwedeng pag-intayin ang prinsesa," nakangiti niyan sabi sabay kindat. Baliw talaga 'to. "Tara na," aya niya.

---

"KURT! AYOKO NA! WAG NA TAYO TUMULOY!" sigaw 'ko sa kaniya.

Paano ba naman kasi dinala niya ako sa napaka'habang hanging bridge. Hindi ako takot sa heights, pero pakiramdam 'ko ikamamatay 'ko kapag dumaan kami diyan.

"Dali na, Brigitte. Nandito naman ako eh," pagpupumilit niya at inoffer naman niya kamay niya sa akin.

Tinignan 'ko muli yung hanging bridge, kakayanin 'ko ba 'to? Huminga ako ng malalim at humawak na sa kamay ni Kurt. No choice ako, nandito na rin naman kami.

"Don't worry, kapag nakatawid na tayo ma'eenjoy mo yung view. May cafe sa taas," nakangiti niyang sabi.

Nagawa pa niyang ngumiti sa ganitong sitwasyon?

Ramdam 'ko ang panginginig ng tuhod 'ko habang naglalakad habang hawak na hawak sa kamay ni Kurt at sa railings.

Ramdam 'ko na din yung puso 'kong kanina pa hindi normal ang pagtibok.

'Wag naman sana ako atakihin.

"Dito ka nga sa unahan 'ko. Tignan mo yung mga teenagers kasunod natin oh. Makatingin sa legs mo. Ano ba kasing naisipan mo at nagshort ka?" masungit na sabi nito.

Nilingon 'ko naman yung ga kasunod namin at karamihan puro lalaki. Tinignan 'ko naman si Kurt na ngayon ang nakasimangot. "Ang init kaya. 'Di naman ako nainform na bawal pala magshort ngayon," sagot 'ko.

Lumipat na ako sa unahan niya at nagsimula na ulit maglakad.

Nakarating na kami sa gitna nang tumigil bigla si Kurt. "Huy, ba't ka tumigil? Tara na! Malapit na oh," sabi 'ko sa kaniya sabay turo 'ko sa dulo habang hinahabol ang hininga 'ko. Hindi pwede 'to.

"Picture muna tayo," sabi naman niya.

"Kapag nakarating na tayo sa dulo, Kurt," pakiusap 'ko. Inaatake na ako.

Tumango nalang siya at minadali na namin ang pagtawid. Kinakapos na 'ko sa hininga. Kailangan 'ko na umupo.

Ilang minuto ang makalipas, nakatawid na kami. Agad naman akong nagyaya na umupo. Nahihilo na ako.

Tumungo ako kasabay ng pag-inhale exhale 'ko. "Brigitte? Okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong. "Namumutla ka."

Sakto namang naka'kalma na ako. "Oo naman! Nahilo lang ako dahil mainit," palusot ko sabay angat ng ulo 'ko at humarap sa kaniya.

"Sorry," paumanhin nito.

"Okay lang 'yon! Na'enjoy 'ko naman eh," masaya 'kong sabi. "Tara, picture na tayo," aya 'ko sa kaniya.

Nilabas na niya ang phone niya at nagsimula na kaming magpicture. Sobrang ganda ng view dito, kahit mainit at tirik na tirik ang araw mahangin pa rin.

Nagkwentuhan lang kami ni Kurt pagkatapos. Sa mga araw daw kasi nakasama niya 'ko, wala kaming picture. Nadadala kasi kami ng kwentuhan kaya siguro nawawala sa isip namin.

I do sometimes think na bakit hindi na lang si Kurt? I mean, he's gentleman, gwapo, he always ensures I'm happy.

"May iba ka pa bang gustong puntahan?" tanong niya at umiling naman ako. "May magandang movie ngayon. Gusto mo panoorin natin?" tanong niya ulit.

"Baka horror na naman yan," seryoso 'kong sabi. Tumawa naman siya at umiling.

"Hindi 'no! Love story," nakangiti niyang sabi.

"Osige, pero libre 'ko. Bawal tumanggi," babala 'ko sa kaniya sabay tayo. Teka.. Sa hanging bridge na naman ba pababa?

"Saan tayo dadaan?" Kinakabahan 'kong tanong.

Isang ngiting nakakaloko lang naman ang sinagot sakin ni Kurt.

Forgotten Heart (Complete)Where stories live. Discover now