Bitterness Overload

4K 114 17
                                    

Naglalakad ako sa hallway ng may makasanggi saakin

"Aray" Daing ko

"Sorry po" sabi ng babaeng nakabunggo saakin

"Para saan ang sorry mo kung nasaktan mo na ako? Your sorry can't heal the pain" Sabi ko

"Ayy hugot" sabi ng babae at umalis na

I'm Julia Montes , este Julia Bareto! Ayyy pak ganern! Eto totoo na!! My name is Julia Navarro 18 years old , ang Certified BITTER QUEEN ng campus ... Why? , well it because of that GUY WHO BREAKS MY HEART.

Masama bang magmahal ng todo? Kasalanan ba ang magmahal ng higit ba sa sobra? Kaya heto ako nasaktan ng bongga!

"BRUUUHAAAA!!!!" Rinig kong sigaw ni Kesha na mahilig sa Keso

"Oh? Anyare sayo? Anong ganao?" Tanong ko , Paano ba naman? Parang namamalipit sa kilig itong bruha at patalon talon pa si gaga

"Ang gwapo ng jowabels mo!!" Sabi nito saakin

"Gaga! Anong jowabells? Kaibigan ko lang si Xam!" Sabi ko at binatukan si gaga para matauhan

"Aray!!!" Daing nito at napahawak sa ulo

"Kaw kase! Umagang umaga sinisira nyo ang araw ko ... Sabagay lahat naman ng nasisira hindi na pwede maibalik sa dati .. Parang yung relasyon nyo" Sabi ko at tinarayan si Kesha

"Wosshuuu! Tara na nga! Panoorin na natin mag 3 points yung jowabels-- este yung KAIBIGAN MO" sabi nito at diniin pa talaga yung KAIBIGAN , peste talaga tong kumag na to kahit kelan

"Baliw!" Bulong ko at umirap habang sya ay kinakaladkad ako papuntang court ng campus

"HETO NA SYA!!! GO NUMBER 14 I LOVE YOU NAH!!!" Sigaw ni Kesha , tumingin naman saamin si Xam at ngumiti , kumaway sya saamin kaya ngumiti ako

"Love talaga?" Tanong ko at tinarayan si Kesha

"Oo naman!" Masayang sabi nito

"I love you , Salitang madaling sabihin pero mahirap paniwalaan at madalas walang katotohanan" Sabi ko at nag cross arms habang nanonood ng Game

May mga Seminar ang mga teachers kaya lahat ng estudyante ay free , ewan ko ba kung bakit pumasok pa ako eh wala namang ganap dito ... Malapit na rin kase ang Intramurals kaya busy ang lahat

"OMG!!! WAAAAHHHHH!!!! ANG GALING TALAGA!!!" Sigaw ni Kesha , ito talagang bruhang to! Ang hilig humiyaw! Nakakarindi

Nang mag time na sila ay sumenyas saakin si Xam ng tubig , tumango lang ako

"Bruha! Tubig raw!" Sabi ni Kesha

"Oo eto na! Hindi kase lahat ng bagay , dapat madaliin ... Baka sa pag mamadali mo magkamali ka" sabi ko at dumeretso na sa Canteen

"Kuyaa!!! Isang tubig nga po" Sabi ko

"Eto Ganda" sabi ni kuya at inilagay sa harap ko yung tubig , Ako naman si Dukot ng barya at bilang

"Tubig , eto bayad" Nagulat ako ng kunin ni kuyang pusang gala ang tubig sa harap ko at naglagay ng barya

"KUYA AKIN YAN!!" Sigaw ko , Akma na nya kaseng bubuksan eh , punyetang araw to napaka malas

"Ede kumuha ka kay kuya ng isa pa" Sabi nito

"Naku iho! Wala na! Last na yan!" Sabi ni Kuyang tindero saamin

"Akin na yan!!!" Sabi ko , naka jersey sya at mukhang kakatapos lang maglaro dahil pawis pa ito

"Mister, I don't know who you are! Akin na yang tubig dahil pagod ang iinom nyan kakatapos lang nya sumalang sa basketball game kagaya mo , kaya akin na yan!" Sabi ko sabay turo sa bottle na hawak nya

"Sa boyfriend mo to?" Tanong nito

"Friend lang , walang boy pero lalake sya ... Wala kaseng relasyon ang nagtatagal dahil lahat ay sa hiwalayan ang destinasyon , Kahit gaano kayo katagal ... Hihinto rin kayo at magpapaalam sa isa't isa dahil hanggang dun nalang talaga kayo" Napa nga nga naman si kuyang Bakulaw kaya agad kong hinablot ang tubig at tumakbo papuntang Court

"Xam! Eto oh!" Sabi ko sabay abot ng tubig , nakakainis lang kase nahawaan ako ng Virus nng lalakeng yun!

"Salamat" Sabi nito at uminom ng tubig

"Nga pala! Maihahatid kita mamaya sainyo" Masayang sabi ni Xam , ngumiti lang ako at tumango

Maya maya pa ay start na , lumabas na ako sa Court ... Naglalakad ako papunta kay Kesha ng may humila sa kamay ko at hinila ako papunta sa likod ng court , Lalake ito at naka jersey

Isinandal nya ako sa pader at kinulong sa mga bisig nya , tinaasan ko lang ito ng kilay

"Ikaw? Tsk! Ang galing mong manghila ah? Feeling close?" Sabi ko at inirapan sya , Aalis na sana ako pero hinila nya ang kamay ko

"Si Xam ba? Haha! Walang binatbat ang gagong yun!" Sabi nito at ngumisi

"Bitawan mo ako! Tutal dyan kayo magagaling! Ang dali nyong magbitaw ng salita , ng relasyon!" Sabi ko at inagaw ang kamay ko sakanya

"Ikaw pala si Julia ang Hugotera Queen , I'm Arvin inadd kita sa facebook accept mo ko babe" Sabi nito at kinindatan ako

"Freak ka ba? Babe your face!" Sabi ko at tumakbo na papunta kay Kesha

Nung una hindi ko mahanap si Gaga! Nasa taas pala ang bruha at sumasali sa cheering squad

"Bruha talaga" Bulong ko at pinanood si Xam

Napatingin ako sa bola ... Kawawang bola , Pag aagawan pero ihahagis din naman at iiwan. Puntos lang ang habol ng mga lalake sayo

"Aishh!" Daing ko ng matapakan ng kung sino yung paa ko , Walang hiya naman! Sarap sapakin nun! Sino ba yon!?

Lakas nila mang apak ng kapwa nila! Hindi ako langgam para tapakan lang

"Tangina! Sarap manapak!" Daing ko at nag cross arm

"Oh? Sino kaaway mo?" Tanong ni Kesha na parang kabute na bigla nalang sumulpot

"Si EMMA!" Sabi ko at umirap

"Kawawa naman si Emma inaway ng malditang si ikaw" sabi ni kesha

Napakunot naman ang noo ko

"Buti nga nandyan si Emma eh , si EMMAgination , kailangan nating mga single yan para feel natin ang pagiging alone" Sabi ko at nanood nalang ng basketball

"Anak ng! Akala ko kung sinong emma! Si EMMAgination lang pala!" Sabi ni kesha

"Kawawa naman tayong mga single ano? Pero okay lang yun 'No boyfriend No Problem" sabi ko at kumindat kay Kesha

"Lantod nito!" Bulong ni kesha

"Atleast hindi ako katulad ng iba dyan na malantod na! Makati pa!" Sabi ko at tumawa

"Kaloka dami mong learns!" Sabi ni Kesha

"Hindi ka na nasanay! Alam mo dapat masanay na tayo!! Masanay na mag isa dahil WALANG FOREVER!" Sabi ko at pumalakpak , sumenyas pa ako na tara na

Malas sila Xam dahil talo , Bahala na si batman kay Arvin epal yun! Natalo tuloy yung bespar ko!

******************
A/n:Another Story! Sana suportahan nyo to! Slow update din to! Wala pa akong maisip na pangalan eh hahaha kaloka!

Ps:Wag basahin kung may lovelife ka
PPS:Pero kung makulit ka ede basahin mo!
PPPS:Wag ka magreklamo pag ayaw mo tong story ha? Binasa mo eh! Kasalanan mo yun!

-AteJAC

She's The Hugotera QueenDove le storie prendono vita. Scoprilo ora