Tignan mo ako [One shot]

1.1K 52 21
                                    

Tignan mo ako

by raininthesky

All rights reserved ®

-------------

Hay naku, Mark. Ang gusto ko lang naman ay tignan mo ako. Crush kita eh. Nahuhulog ako sa'yo araw-araw.

"Mark! Huy! Tignan mo naman si Lira!" Sigaw ni Megan. Gago rin eh 'no?

Tumingin lang si Mark kay Megan at di ako tinignan. Aww!

UHH.. MARK, ANDITO AKO OH!

--------

"Mark, ano na? Okay na ba?" Tanong ko. Pero di niya ako pinapansin. 2 years na ang nakalipas at buti na lang, magkaibigan na kami.

"Hmm?" Tanong niya. Bakit di ka tumitingin sa'kin Mark?

"Mark! Ano ba? Tignan mo ako!" Sigaw ko.

Tumingin siya sakin at hinawakan sa magkabilang braso ko.

"Oh, yan. Tinitignan na kita." Sabi niya sakin at pilit akong tinitignan sa mata. Pero dahil naiilang ako, tumitingin ako sa ibang tao.

Oh my, lahat sila tinititigan kami. Nakakahiya!

"Lira! Tignan mo ako! Tignan mo ako sa mata." Utos niya kaya tinignan ko siya sa mata.

"Gusto kita okay? Hindi ako makatingin sa'yo kasi nahihiya ako at lalo akong naiinlove sa'yo." Sigaw niya sakin habang nakatitig sa mata ko.

Totoo ba 'to?

"Dahil gusto kita, pwede na ba kitang ligawan?"

"Oo."

----------

"Mark, tignan mo ako ulit." Sabi ko. 5 months na niya ako nililigawan. Napapadalas na ang titigan namin sa isa't isa, actually.

"Oh?" Sabi niya sakin at tinignan niya ako.

"Mahal na kita. Kaya ngayon, sinasagot na kita." Nakangiting sabi ko. Tumitig siya sakin at bigla akong niyakap.

"Yes! Girlfriend na rin kita! I love you, Lira ko." Bulong niya at hinalikan ako sa labi.

----------

3 years na ang nakakalipas simula ng naging kami ni Mark. Araw-araw, nagkakatitigan kami.

"Mark, I love you." Bulong ko at tinignan siya.

"Mhm."

"Uh.. Mar--" Magpapaalam na sana ako kasi may Reunion pa ang family namin.

"Lira, tignan mo ako, pwede?" Paki-usap niya. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Mag-break na tayo." Nakayukong sabi niya.

"H-ha?"

"Hindi ko na kaya." Bulong niya sa sarili niya.

"Mark, ano bang pinagsasabi mo. Wag kang ganyan ha. Sige. Aalis na muna ako." Sabi ko. Hindi yun totoo. Trip niya lang yun, promise.

---------

Papunta ako sa canteen ng makita ko si Mark, may kahalikan. Si Megan.

"Ikaw ang mahal ko Megan. Hindi si Lira." Rinig kong sabi ni Mark.

"Mark, wag. Kaibigan ko si Lira. Hindi---" Naptol si Megan sa pagsasalita dahil bigla siyang hinalikan ni Mark.

Naiiyak ako.... Bat ganun? Sobrang sakit ng ginagawa niya..

"M-mark..." Sa sobrang sakit, nagsalita na ako. Nagsimula na ring tumulo ang mga luha ko.

"Lira..." Gulat na sabi nilang dalawa. Tinitigan ako ni Mark ng ilang segundo at umiwas rin.

"Mark, t-totoo ba yun? Hindi mo na ako m-mahal?" Naiiyak kong tanong.

Hindi sumagot si Mark at hindi rin ako tinignan.

"MARK! Tignan mo ako! Totoo ba yun? Hindi mo na ako mahal?" Tanong ko.

Tumingin siya sakin na magkasalubong ang kilay.

"Hindi kita minahal, Lira. Ni minsan, hindi kita minahal." Sabi niya sakin.

Sinampal ko si Mark at sumigaw, "Ang kapal mo! Tatlong taon, Mark. Tatlong taon tayong magkasama. TATLONG TAONG PURO KASINUNGALINGAN! WALA AKONG NATANGGAP NA PAGMAMAHAL GALING SA'YO! TATLONG TAON AKO NAGPA-UTO SA'YO!" At tumakbo ako palabas ng University.

Dalawang linggo na simula nung naghiwalay kami ni Mark. Namimiss ko na siya..

May kinuha akong papel at nagsulat, Mahal pa rin kita, Mark. Gustong-gusto kitang titigan ulit.

"Lira, puntahan mo na muna sila Lorrie. May gagawin kayo di ba?" Sigaw ni Mama.

"Ah, opo." Sabi ko.

May project kasi kami na kailangan na naming tapusin. Si Mama kasi ang reminder ko.

Nagmadali akong lumabas ng bahay at tumakbo papuntang bahay nila Lorrie.

Habang tumatakbo, bigla kong nakita si Mark. Linaw ng mata ko 'no?

Napatigil ako sa pagtatakbo at tinitigan siya.. Sila Jim ang kasama niya.

Gustong-gusto kitang yakapin, Mark.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad pero nakatingin pa rin ako kay Mark. Hanggang sa kailangan kong tumawid ako sa kalsada.

Unting hakbang na lang, malalapitan ko na naman siya. Maamoy ko na namn siy----

*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP*

*BOGSH!*

"M-mark..." Tinitigan ko siya.

Nanghihina na ako.

Lumapit sakin sila Mark at Jim.

"Lira!!" Sigaw ni Mark. Hinawakan ko lang ang pisngi niya at ngumiti..

"M-mahal na mahal kita... M-mark." Nanghihina kong sabi.

Niyakap ako ni Mark at binulong na "Hang in there, Lira."

Yakap-yakap niya na naman ako... At least sa huli, nayakap ko siya.

Unti-unti kong pinikit ang mata ko.

"Lira!! Lira!! Idilat mo yung mga mata mo! Please! Tumingin ka muna sakin." Rinig kong sabi ni Mark.

Palabo ng palabo ang naririnig ko.

"Lira! Tignan mo ako! Mahal pa kita! Hindi ko pa kaya.. Please. Wag muna.." Rinig kong sabi ni Mark pero sa huli, nawala na rin yung boses niya.

Kapayapaan ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang laya ko. Feeling ko, napalaya ako sa isang napakasikip na prisinto

Sa huli, Mahal pa rin kita, Mark. Mahal na mahal.

Tignan mo ako [One shot]Where stories live. Discover now