Chapter 5

5.1K 143 5
                                    

Chapter 5

Pristine Madrigal



The heck!! Bakit hindi ako makakita?? Bakit parang nakatali ako? Anu bang nangyayari?



Then it hit me. Sh*t nakidnap ako!!



Pero bakit? Sinu namang timang ang gagawa ng kaengotang to? Seriously ako pa talaga ang pinili nila huh, lakas ng loob mukha bang may makukuha sila saakin? Sa pagkakaalala ko wala naman akong nakabangga kanina maliban na lang sa grupo ng Gino Gomez na yun.



Hindi kaya ito na yung punishment na sinasabi niya saakin kanina sa locker room?



"Oh gising na pala ang bihag"


Bigla akong may narinig na pagbukas ng pinto, yung boses nung nagsalita hindi pamilyar saakin. Nakakainis kung hindi lang talaga ako nakatali dito baka kanina pa akong nakatakas. Lecheng posas to kapag pinagpilitan kong ilusot ang kamay ko baka wala na akong maiuwing kamay nito sa bahay pag-nagkataon.



"Oh anu pang hinihintay niyo? Hindi niyo ba tatanggalin ang piring ng babaeng yan? Paano ko makikita ang mukha niyan?" napalunok naman ako ng sunod-sunod kahit naman kasi basagulera rin ako minsan may kinatatakutan din naman ako no. At isa pa kung grupo ang mga ito aba baka hindi ako umubra sa kanila babae kaya ako.



Hindi muna ako kaagad nakaaninag dahil masyadong maliwanag, pumikit-pikit muna ako sandali para maadjust ang paningin ko.



Halos atakihin naman ako sa puso ng unang mabungaran ko ay ang napakalapit na mukha ng isang lalaking wala atang pambiling toothbrush. At dahil medyo may pagka magugulatin pa naman ako eh bigla kong iniuntog ang ulo ko sa ulo niya. Instinc kasi



Aba ikaw ba namang malagay sa posisyon ko? Sinu ba namang hindi magugulat kung bigla na lang bubulaga sa harapan mo ang nawawalang kapatid ni shrek? Mabuti na lang at wala akong sakit sa puso kung hindi baka natuluyan na ako dito.



Anyway, mabilis siyang inalalayan ng mga tauhan niya. Sh*t ang dami nila



"Aba't gago kang babae ka!!"



SLAP



Nakatanggap ako ng isang malakas na sampal, yung panga ko parang nawala ata. Yung mukha ko sa sobrang lakas nung pagkakasampal ay napatagilid. Namamanhid yung parting yun ng mukha ko. Ikaw ba namang sampalin ng bakulaw tinginan ko lang kung hindi mapunggal yang ngipin mo. Maswerte na ako't matigas ang pagmumukha kong ito.

That Gangster Trake CorpuzWhere stories live. Discover now