Leila Presley
Kabado at balisa kong nilakad ang daan papasok sa Andrade Med. My last subject had just finished when I received a call from my mother informing me that Henric's father, Tito Manuel had a stroke at around four in the morning and was currently under observation.
My parents had to accompany a barely functioning Tita Claire para ma airlift si Tito Manuel all the way from Cebu. Hindi ko alam kung alam na ng mga nakababatang kapatid ni Henric na sina Athena at Maurice ang nangyari and it pained me that they are experiencing things like this at a very young age.
May kung anong mabigat sa dibdib ko ang dumagan nang maabutan si Henric na nakaupo sa sahig ng ospital at nakapikit habang nakasandal sa gilid ng pinto ng ICU. On his left was Tita Claire, na nakatanaw naman sa bintana ng kwarto habang kausap nina mama at papa. She was sobbing a bit.
"Love.." Hindi ko pa man siya nalalapitan ay nauna nang pumatak ang luha sa mata ko.
Ayaw ko siya makitang ganito at nahihirapan at ayoko rin makita niyang umiiyak ako kaya pinunasan ko kaagad ang mata at tinatagan ang loob.
"Leslie.." Agad siyang tumayo para yakapin ako ng mahigpit. "Si papa, hindi niya kami iiwan diba?" Para siyang batang nagsumbong ng mahina at nagtago sa pagitan ng balikat ko.
"Syempre naman love hindi, ang lakas-lakas pa kaya ni tito. Naisipan lang ng katawan niya na magpahinga sandali. He'll wake up soon." I softly caressed his head.
"Natatakot ako Leslie, hindi 'to kakayanin ni mama at ng mga kapatid ko 'pag nagkataon." Sobrang hinang bulong niya na mas nagpabigat ng pakiramdam sa dibdib ko.
"Shh..Kailangan maging matatag ka love, andito lang ako."
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko. On top of all of this, I don't even know how stand firmly on my own without stumbling yet. Dad won't leave us this soon right? I fell so lost... but I know that I have to man up." Nag-angat na siya ng ulo at nakita ko ang namamasa niyang mga mata. "I need you the most right now. Please don't leave me." Mahina ngunit madamdamin niyang pakiusap, na sa tingin ko naman ay hindi naman niya kailangan pang sabihin.
"Hey, ano ka ba?" Kunot noo kong kinuha ang mga kamay niya at pinisil ng marahan bago ibinalik ang tingin sa mga mata niya. "Hindi mo kailangang sabihin ang mga 'yan dahil andito naman talaga ako para sa'yo palagi. Why would I leave you?"
He just looked at me with a somber yet unsure expression na alam kong dahil lang sa nangyayari.
"Leslie..." He sighed heavily before switching our hand's position. Siya na ngayon ang nakahawak saakin at mas mahigpit. "Basta, don't ever leave me. Hindi ko kakayanin."
Tumango ako ng maraming beses, feeling the weight of his words against the situation. To have and to hold. Kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko bago siya bumulong.
"Ang swerte-swerte ko sa'yo. Tama ka siguro, nagpahinga lang saglit si papa." Pinasigla niya ang boses niya tapos ay kinabig niya na ako para makalapit sa may bintana ng ICU.
Alam ko, ayaw niyang makita siya ng mama niya na parang naghihina, kaya hindi na ako umimik muna. I wanted to be with him through all of this at pinag-iisipan ko na rin kung ipapasundo ko kina kuya Felix ang mga kapatid niya para kahit papaano ay kasama nila si Tita Claire.
Humalik ako sa pisngi ni Henric at humiwalay muna saglit para lapitan sina mama at papa na hindi pa yata napapansing dumating na ako.
I tapped my father's arm lightly and he turned, his eyes softened when he saw me. Nagmano ako at niyakap siya. Hinalikan niya naman ako sa noo.

ESTÁS LEYENDO
Tryst
Ficción GeneralUnhinged #4: Love sucks. MATURE CONTENT (R-18) ....... Cover photo grabbed from google. Credits to Claude Monet.