Kabanata 8

37.8K 1.2K 39
                                    

Kabanata 8: Forbidden?

Eve Henderson Point Of View

Natapos ang Midterm Exam at nakapasok ako sa top 5 hehehe! Sa tulong ni Master na rin dahil inensayo niya ko ng mabuti feeling ko ang lakas lakas ko na.

"Ang sarap ng luto ngayon ah? Sinong cook?" tanong ni Yuan habang nakain ng sinigang. Pansin ko sa tatlong 'to puro heavy meals ang laging kinakain.

"Oo nga 'no?" sang-ayon ni Aki na nakitikim sa ulam ni Yuan.

"Ang balita ko bago na daw 'yung cook natin pinalitan ni Master," napatingin ako kay Rage na nakatingin sakin habang sinasabi 'yon.

"Oh? Anong tinitingin-tingin mo?"

"Naalala ko kasi 'yung text mo kay Master, hindi kaya dahil do'n kaya niya pinalitan ang cook kasi sinabi mo kay Master na hindi masarap ang luto dito..."

Natahimik ang mesa namin.

"Tapos bigla pang nagkaroon tayo ng cooking class..." dagdag pa ni Aki.

Naalala ko na na-ikwento ko kay Master kung gaano katamad at hindi marunong ang tatlong 'to at sinabi ko na sana magkaroon ng subject tungkol sa pagluluto para lahat katulad niya.

"Helpful naman 'yon eh hehehe."

"Sinasabi ko na nga ba eh!" pang-aakusa nila sa'kin

Sumusukong tiningnan ko sila pero talaga bang ginawa 'yon ni Master para sa'kin? Parang sira na napangiti ako.

"Alam niyo bang may girlfriend na si Master?" biglang tanong ko sakanila. 'Di talaga 'yon mawala sa isip ko at 'pag na-iisip ko 'yon nalulungkot ako. Nung una akala ko simpleng paghanga lang ang nararamdaman ko pero habang tumatagal lumalalim 'yung nararamdaman ko.

"What? 'Di nga? Talaga?" tumango ako sa tanong ni Aki na hindi makapaniwala.

"Na-ikwento niya sa'kin nu'ng nakaraan pa. May ideya ba kayo kung sino 'yon?"

Nakita ko silang umiling.

"Wala kaming ideya."

Masyadong misteryoso talaga si Master...

"Maraming nali-link kay Master mero'n pa ngang babaeng pumasok dito na nagpanggap na lalake..." nasamid ako sa narinig kong sinabi ni Rage.

"May....babaeng nakapasok dito?"

"Gano'n na nga," sabi ni Aki

"Tapos anong nangyari?"

"Nagtagal ng isang linggo 'yung babae..." pabitin na kwento ni Aki.

Nakikinig lang naman 'yung dalawa habang abala sa pagkain.

"Nawala ng parang bula yung babae nang malaman ni Master 'yon..."

"Anong... nangyari do'n sa babae?"

"Hindi namin alam... alam mo naman sigurong all-boys-school ito kaya bawal ang 'babae' dito..."

My Master and I [Read On Dreame app]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon