8. Uncategorized

11.5K 773 133
                                    

I almost choke with the tight grip around my neck. Pumalag ako pero mas lalo lang akong hinila ng bigat ng katawan dahilan para mas humigpit ang pagkakasakal saakin. 

"Stop it Mira! Wala siyang kasalanan sa'yo!" Dinig kong malakas na bulyaw ni Myra na nakahawak na sa paa ko para pigilan ang pagkakabitay ko sa hangin. 

"You stop this Mira! Alam kong gusto mo lang akong gumawa na eskandalo para matanggal ako bilang student council regent! Don't you dare kill her!" usal naman ni Isabel na nagsisimula nang mangitim ang ugat sa palad para pigilan si Mira. Her eyes are becoming luminous white. 

Halos mawalan na ako ng hangin sa baga. Dagli kong naramdaman ang mga kamay kong kusang naglakbay patungo sa nasasakal kong litid. I feel them burn with electricity. Nanlilisik pa rin ang mga mata ni Mira habang nakataas ang kamay nito na siyang gamit niya para manipulahin ang kung ano mang pwersang nakapulupot sa leeg ko. 

This is not how I die. This is not how I die... .Paulit-ulit na sambit ng utak ko. Sa wakas ay nakahawak na ang mga kamay ko sa aking leeg. Surprisingly, the tiny electric strands I'm feeling from my fingers crawl on my neck. It's as if a cold compress covers the part entirely and clears my air passage.

Kasunod no'n ay hindi ko na maramdamang sinasakal ako ng kung anong pwersa. Nakalutang pa rin ako sa ere pero tila binibigyan ng mga kamay ko ng hangin para hindi ako maputulan ng hininga.

Nang muli kong tanawin si Mira ay nagsimula nang tumulo ang dugo sa ilong nito. She has overused her powers. Unang beses kong magkaroon ng ganitong engkwentro, sa isang nakakatakot na witch pa, pero pakiramdam ko'y kusa akong niligtas ng enerhiya sa loob ng katawan ko.

"Mira! That's enough! Baka mapatay mo siya!" Chase is behind Mira at nag-aalala na ito dahil napansin din niyang sinasagad na ni Mira ang kakayahan nito.

"I will kill her! I will def-"

I feel a gush. Tila isang taling pinutol ng patalim ang pwersang papatay na sana saakin.

Naputol ang sasabihin ng babae nang pasimpleng hinampas ni Chase ang batok nito. The strong force trying to kill me vanishes into thin air. Nahulog ako mula sa ere. Patakbo na sina Isabel at Myra para saluhin ako pero naunahan sila ng lalaking nakabandana na si Fabian.

His firm arms catch me na halos yakapin na ako nito habang binubuhat pataas para lang huwag akong madumihan. Nasamyo ko ang mamahaling pabango nito-minty and fresh. It smells damn sexy. Inalalayan ako nito para muling makatayo nang masiguro niyang maayos na ang kalagayan ko.

Someone clears his throat from behind Fabian. Nakahawak pa sa braso ko ang kamay nito nang lumingon kay Chase na ngayo'y buhat-buhat si Mira habang nakatitig saakin. His gaze is always burning; like he implants a seed of fire in my chest and it lingers there for a moment.

"Are you o-" Magkasabay na usisa nina Fabian at Chase.

"Yeah. I guess." Turan ko saka tumango nang hindi sila tinitignan. Nasa dibdib ko ang magkahalong kaba at pangingilag sa sitwasyon kaya hindi pa man natatapos ang tanong ng dalawa'y nasagot ko na. I read between the lines.

"If someone is talking to you, miss, it's not bad to look at them to show politeness." Tila may pag-iimbot sa boses ng lalaki. Muli nitong itinaas ang walang malay na si Mira na buhat-buhat ng dalawa niyang matitipunong bisig. "I'll just take this Zenovia to The Drift house. Tell Fina I'll catch up with you later."

A Tribian TaleWhere stories live. Discover now