Chapter 7

1.1K 33 0
                                    

Alice POV

"F-ck off!" Inis kong sabi at nagpatuloy sa paglalakad.

"Alice please hear me out" pagmamakaawa niya.

"Hindi mo ba ako narinig?! Sabi ko fck off! Alis!" Taboy ko.

"Umalis ka na... hindi ka nababagay dito" sabi ni Terrence. Napatingin ako kay Terrence.

Matalim na nakatingin kay Walter. Napatingin din si Walter sakanya at binigyan ng matalim na tingin.

"Kayong dalawa! Leave me alone" sabay alis ko.

-

Lunch na at kasama ko si Terrence as usual.

"Do you still love him?" Napatingin ako kay Terrence sa tanong niya.

"Hindi" diretso kong sagot.

"May pag-asa na ako diba? Tell me?" Sabi niya. Napahinto ako sa pagkain at napatingin sakanya. Bakit ganito? Bakit bumibilis yung tibok ng puso ko? Bakit?

"Hindi ko alam" sabay iwas ko ng tingin.

"Mahal na kita.noong hindi mo pa ako kilala... mahal na kita non. Palagi akong nakatanaw sayo sa malayo. Hindi kita minamadali Alice pero gusto ko lang iparamdam sayo at gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. Handa akong maghintay. Kasi alam ko your worth waiting for" sabi niya.

Bumibilis yung tibok ng puso ko. Anong nangyayari saakin? Hindi ako makasalita. Hindi ko siya masungitan sa puntong to. Terrence! Ano bang ginagawa mo saakin? Bakit ganito ako? Hindi mapakali.

"Seryoso niyo!" Napalingon ako sa bagong dating. Yuri.

"So ano na?" Pangungulit ni Yuri.

"B-bumalik ka na doon sa nerd mong manliligaw!" Sabi ko. Nanlaki yung mata niya.

"Duhhh b-tch! Epal mo talaga! Teka! Ba't ka ganyan magsalita? Why are you stammering?" Pang-aasar niya.

"Wala ka na doon!" Sabay irap ko.

"Sus! Ano? Anong meron sainyong dalawa? Antahimik niyo" sabi pa niya.

"Wala nga" sabi ko

"Anong wala? Alam kong meron kaya sabihin mo na" sabi pa niya

"Wal-"

"Mahal ko siya" nanlalaking mata akong tumingin kay Terrence. WTH!

"KYAAHHHH OMG!" Tiling sabi ni Yuri. Napatingin ako kay Terrence at pinanlakihan ng mata. Pero ngumiti lang siya at nagkibit balikat. Aba!

"Kayo ha! Hindi niyo man lang ako inupdate sa status niyong dalawa!" Sabi niya habang kinikilig.

"Heh! Doon ka na kasi sa nerd mo!" Sabi ko

"B-tch huwag mong ibahin yung usapan" sabi niya.

"Hindi ko naman iniiba" sabi ko

"Aish! So ano na? May feelings ka na ba sakanya b-tch?" Tanong ni Yuri saakin. Hindi ako makaimik. Basta mabilis lang yung tibok ng puso ko. Sobrang bilis. Kinakabahan kaya ako?

"Ewan ko sayo!" Sabi ko sakanya at tumayo na.

Kailangan ko munang mag-isip. Masyadong mabigat yung atmosphere sa loob ng cafeteria.

"Alice" aba! Ang malas ko! May sakit sa ulo nanaman!

"Ano?!" Pagsusungit ko

"Gagawin ko ang lahat mapasaakin ka lang ulit Alice... Just please give me second chance to prove myself" sabi niya. Napangisi ako ng may naisip akong kakaiba. Mukhang lumalapit na saakin ang grasya. Siguro ito na yung pagkakataon. Pagkakataon para makaganti ako. Magbabayad ka Walter. Magbabayad ka sa lahat ng nagawa mo saakin!

"One day i'm gonna hurt you, I Promise"

SDTMP2:Am I still Dating the Mafia Prince? (On-Going)Kde žijí příběhy. Začni objevovat