Chapter 3: Pagkasundo
Freya's POV
Naguguluhan akong umalis dun sa garden
Hindi ko alam kung anong reaksyon ko ngayon
Feeling ko kasi nasaktan ko si lucas ng sobra
d>_<b
I decided na pumunta kay lolo para humingi ng advice since tapos narin lahat kumain
Papasok na sana ako nang narinig kong may kausap si lolo
Si daddy...
Kaya sinilip ko lang sila kung anong pinag uusapan nila
"Hindi pa handa si Freya, Mahal na Hari."sabi ni daddy kay lolo
T-teka? Anong 'di pa handa?
Juno's POV
Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang nasa isip ni papa ngayon ..
"Anak, Ayon ito sa kautusan ng royal Highness, Sinusunod ko lang"paliwanag ni papa
" Alam ko pero alam kong hindi pa sya handa sa mga ganung bagay, masasaktan si Freya kapag nalaman nya ito" Mariing sabi ko pa
"Edi kailangan nya nang maghanda, dahil kasama iyon sa pagharap nya sa pagiging ganap na prinsesa!" Inis ngunit kalmadong usal pa nito
"Bakit naman ako? Ikinasal ako kay Lorraine, Mahal ko sya, mahal nya ko, walang pagkasundong naganap sa'min" Paliwanag ko pa ulit
"Nakalimutan mo na ba ang kautusan, Juno? Na kapag lalaki ka ay ikaw ang dapat na pumili ng iyong magiging prinsesa, Ngunit kapag ikaw ay babae, Kailangan mong ipagkasundo sa kung sino mang nararapat"
"Mabait si Freya, Pero alam kong susuwayin nya tayo dahil sa kautusan na iyan mahal na hari!" Iritableng wika ko "Pwede bang sya na lang ang maghahanap ng kanyang mapapangasawa at hindi na tayo dapat mangielam pa 'don? Ano bang dapat nyang gawin para hindi na sya ipagkasundo?" Dagdag ko pa
"Simple lang, Bumaba kayo sa pwesto upang hindi na tuluyang maging ganap na prinsesa si freya't magawa nya na ang gusto nya, Juno" Inis na sabi nito
"Pero 17 years old palang si freya, Wala pa sa utak nya mag ganyan"sabi ko kay papa
"Kahit na, Pag tumungtong na si Freya ng ikawalong edad, Sa ayaw nya at sa hindi, ay ipapakasal sya kay Lucas"pagtanggi nito
Freya' POV
"Sa ayaw nya at sa hindi, ay ipapakasal sya kay Lucas"
"Sa ayaw nya at sa hindi, ay ipapakasal sya kay Lucas"
"Sa ayaw nya at sa hindi, ay ipapakasal sya kay Lucas"
Biglang nagpaulit ulit sa utak ko yung sinabi ni lolo
Ako? Ipagkakasundo nila ipakasal? Sa taong wala naman akong nararamdaman?
Bakit?
Nararamdaman ko nalang na dahan dahan tumutulo yung luha ko mula sa mata ko
"Wala ka nang magagawa kundi sumunod sa kautusang iyon, Juno...Marami nang heneresyon sa pamilya natin ang sumusunod sa kautusan, At ikaw, Ikaw palang ang tanging susuway, Juno!" Sigaw nito kay Daddy
"Dahil mahal ko ang anak ko------"
"Kung mahal mo ang anak mo, Susunod ka sa mga sinasabi ko, Mahal ko ang mga apo ko, Ayoko pang humantong tayo sa paalisin na kayo sa Etherial"
"A-Ayoko lang na magalit sa'kin si Freya dahil mahal na mahal ko sya"
"Sundin mo na lamang ako kahit hindi na bilang hari, Kahit bilang Ama mo nalang Juno" Maawtoridad na utos ni Lolo kay Daddy
Hindi ko na kayang marinig pa ang mga pinag-uusapan nila dahil sobrang naguguluhan na'ko!
Sa sobrang inis ko tumakbo ako palabas ng palasyo....
Takbo..
Takbo...
Takbo...
*To Be Continued.*
BINABASA MO ANG
I'm Secretly Princess
Teen FictionFreya Sanchez, 17 years old nag-aaral sa Jarvis university. May perpektong buhay dahil sya ay isang prinsesa, dahil mamamatay na ang kanyang lolo, sya na ang magiging royal princess na madadagdagan ng malaking problema dahil ipagkakasundo syang ipak...